CALLIX H. STRANGE
By MessedUpPen
Mystery, Fantasy, Rom-Com
***
IDINILAT ng binata ang kanyang mga mata. Napangiti siya nang maalala niya ang nakakadiring panaginip niyang iyon, pero mas napangiti siya nang maalala ang mukha ng babaeng dugyutin na namunas ng 'creepy object' sa pisngi niya. Agad siyang tumayo, hinayaan niya lang na magulo at sabog ang kanyang kulay kayumangging buhok. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng maiinom. Binuksan niya ang takip ng bote at tinungga ang laman nitong tubig. Dahan- dahang tumulo ang tubig sa matipuno at hubad niyang dibdib. Naks, pang-commercial ang peg. Pagkatapos nun ay bumalik din agad ang binata sa kanyang silid at dumungaw sa bintana. Malalim na ang gabi at malamig ang simoy ng hangin. Napapikit ang kanyang mga mata at inalala niyang muli ang mukha ng babaeng kanyang kinahuhumalingan. He waited so long... Baliw na kung baliw pero anong magagawa niya? He wants her very bad. Dumilat muli siya at lumanghap muna ng sariwang hangin bago niya banggitin ang pangalan ng babaeng kinababaliwan niya.
"Mirah..."
[MIRAH KIEL PEREZ'S POV]
NATATAWA akong umupo sa sofa habang nakatitig kay Genesis. Badtrip nanaman!
"Ginalaw mo nanaman 'tong cellphone ko, ano?! Hindi ko na naman narinig ang alarm!"
Tinawanan ko lang siya at nangulangot sa harap nito. Mainis ka Genesis... MAINIS KA! Hahaha!
"Luh siya! Nanisi pa siya oh! Ang sabihin mo mas malakas ang tunog ng hilik mo kesa sa alarm mo kaya hindi ka nagising!"
"ARGH! Lumayas ka harapan ko bago kita mabasagan ng plato sa mukha."
Banta nito pero pinunasan ko lang siya ng kulangot sa mukha. HAHA! Agad niya akong hinabol pero agad akong nakapasok sa kwarto ko at hinayaan siyang magsisi-sigaw sa labas. Napailing na lang ako at umupo sa kama ko tyaka kinuha ang cellphone ko sa cabinet. Pinatay ko ang lampshade at humiga sa kama. Sa totoo lang, hindi ko talaga ginalaw yung cellphone nun ni Genesis, masyadong malakas lang talaga ang hilik niya! Hahaha! Nakalimutan kong magpakilala. Ako si Mirah Kiel Perez, bente anyos na taong gulang na ako at kumukuha ng kursong BS Biology. Kaming dalawa lang ni Genesis ang nandito sa bahay dahil OFW ang mama at papa namin.
Napabuntong hininga ako at nangalikot sa Facebook ko. Katulad ng dati, puro hugot, patama at K-Pop lang ang bumungad sa newsfeed ko. Walang bago. Katulad ng buhay ko. Plain, boring. Pero keri na! Mas maganda ang ganitong buhay kasi tahimik at malayo sa gulo ng ka-thrill-an. Napatigil ako sa pag-scroll down nang biglang may nag-message sa akin. Si Lily. Kaibigan ko siya at kumukuha naman siya ng kursong criminology. Actually, nandun lang siya sa kabilang bahay nakatira. Magkadikit lang ang bahay namin.
BINABASA MO ANG
Trinkets Of Dreams (Writing Contest)
RandomA One-Shot Story Writing Contest Opened November 2016