Seven years.
Seven long years.
Ganun na pala katagal simula nang maging alipin ako ng katangahan sa pag-ibig. Pero sa loob ng pitong taong iyon, wala pa ring may nababago ni katiting sa mga nararamdaman ko ngayon. Ang OA ko diba ? Dapat nga nakalimutan ko na iyon eh. Dapat nga it's all in the past now. Pero hindi eh. Hindi ko kayang ibaon na lang sa limot ang lahat. Hindi ko kakayanin."Hoy ! Tulala ka na naman dyan. Problema mo teh ? Pasan mo ba ang daigdig ?" Nilingon ko ang nagsalita. It was Ana, one of my fellow teachers at Granelia National High School . Nakapang-teacher's uniform ito at may dalang limang makakapal na libro. She was lean and tall. Maganda si Ana pero dahil wala itong kahilig-hilig sa pag-aayos ay mapagkakamalan mo siyang mga nasa early thirties na.
"Wala. Namomroblema lang ako sa mga grades ng advisory class ko," I lied. Hindi naman talaga iyon ang totoong dahilan kung bakit ako nakatulala sa kawalan. I was reminiscing the past again.
"Ahh... Hindi pa ba nagbibigay ng grades si Mrs. Gaspar sa iyo ?" Ang tinutukoy nitong Mrs. Gaspar ay isa ring teacher sa GNHS.
Umiling lang ako. Not to answer her question but to ignore the searing pain forming in my heart now.
"Ang matandang iyon ! Kailan pa kaya magbibigay ng grades ?! Siya na lang kaya iyong hinihintay kong magbigay ng grado sa klase ko ," Naiinis na wika niya.
"Huwag na nga nating pansinin iyon. May klase ka pa ba ?" Pag-iiba ko ng topic. Ayoko ng mastress pa. Sa past , sa present , sa bahay at sa school.
Tumingin muna siya sa wristwatch niya bago umiling.
"Girl's date tayo ?" Yaya ko sa kanya. She squealed. Matagal-tagal na rin kasi mula ng lumabas kaming dalawa para mag-girl's date. Lately kasi lagi na lang kaming busy.
"Sure ! C'est La Vie tayo ?" I nodded and fix my things. Wala na rin naman akong klase at isa pa, ngayon lang ulit kami lalabas ni Ana.
"Sige. Una ka na sa gate. Ibabalik ko muna ito sa library," I nodded at her and left the room. Sa malaking bakal na gate na may berdeng kulay ako naghintay kay Ana. Iyon ang gate ng Granelia National High School .
Naghintay ako ng limang minuto pero wala pa rin si Ana. Hanggang sa naging sampung minuto ang paghihintay ko.
Ugh ! Ana ! Ba't ang tagal mo ?
Tinext ko na lang siya na mauuna na ako sa C'est La Vie. Nang masigurong nasend na ay isinilid ko na sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Patawid na sana ako nang biglang bumusina sa harap ko ang isang itim at mukhang mamahaling kotse. Sa sobrang gulat ko ay napahawak ako sa dibdib ko.
Aba't ! Ang bastos ng driver na'to ah ! Nakakabeast mode !
Susugurin ko na sana ang kotse nang biglang bumukas ang window shield nito. And I was totally shocked when I saw the least person I wanted to see.
Shit ! Tell me I'm dreaming.
BINABASA MO ANG
The Masochist
General FictionAng sabi sa kanta ni Taylor Swift , "Nothing lasts forever ." Ang sabi naman sa librong nabasa ko , "Change is the only permanent thing in this world." Pero bakit ganun ? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip at puso ko ang nangyari sev...