Chapter 3 : The Girl Who Can't Be Moved

2 0 0
                                    

Hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa pagkikita namin ni Gavin.
Unbelievable. Almost seven years kaming hindi nagkita. And there's more ! Hindi niya ako nakilala. Sinipat ko ang mukha ko sa salamin. Wala namang masyadong nag-iba ah. Kung ano yung mukha ko noong nasa high school pa ako ay ganun din ngayon. Well except nga lang sa pagtaba ko at medyo pagkinis ng balat ko.

Pero siya. Ang laki ng ipinagbago niya. Mas lalo siyang gumwapo at nadagdagan pa lalo ang appeal niya. He's a total hunk now. Hindi na nakapagtatakang may girlfriend na siya.

Girlfriend. Oo nga pala. May girlfriend na siya. Mas lalong wala na talagang pag-asa 'tong one-sided love ko na ito. Tsk..tsk..

Ba't ba ang lupit ng tadhana sa akin ? Bakit kahit halos pitong taon na ang lumipas eh hindi ko pa rin nakakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya ? And worst, mas lumala pa ngayong nandito na ulit siya. Bakit di ko kayang maka-move on sa kanya ? Bakit ?

"Para !"

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang sumigaw ang isa sa mga pasahero ng jeep na sinasakyan ko. Bumaba ang isang dalagang estudyante kaya medyo lumuwag ang loob ng jeep. Pati ba naman sa jeep, pinagsisiksikan ko ang sarili ko ? Tsk..tsk..

Maya-maya lang ay pumara na rin ako sa harap ng gate ng Granelia National High School .Matapos magbayad ay bumaba na ako at tumawid agad hindi alintana ang papalapit na sasakyan.

"Ma'am, mababangga ka !"

Dinig na dinig ko pa ang pagsigaw ng mga tao sa paligid. Pero sa di malamang dahilan ay walang sasakyang bumangga sa akin.

"B-buhay pa ako ? Dios ko ! Salamat naman !" Hindi ako nabangga ng sasakyan. Salamat naman. Mahal talaga ako ni Lord. Chineck ko ang katawan ko for some damages. Wala talaga. Buhay na buhay pa ako !

"Miss, are you alright ?" Nag-aalalang tanong sakin. Lumingon ako sa nagsalita. Ganun na lang ang pagkabigla ko nang makilala ang may-ari ng boses na iyon. Hindi ko alam kung paano at kailan pa nag-umpisa ang heart failure ko. Kasi ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas eh daig pa yata ang gong. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko na animo'y nakikipagkarera sa mga racecars. Tapos maya-maya rin ang biglang paghina ng tibok nito.

Ano ka ba naman heart ? Maghunos-dili ka nga !

Abnormal na nga yata itong puso ko. Kasing abnormal ng may-ari.

"Miss, okay ka lang ba ?"
"H-huh?" Di ko alam na kanina pa pala ako titig na titig sa kanya. I feel ecstatic. Uemji. Parang bumabalik ako sa pagiging teenager.

Heart ! Kalma ka lang .

"I'm really sorry for scaring you. Ikaw naman kasi , bigla-bigla na lang tatawid. Buti na lang nakapagpreno agad ako. Kundi naku ! Mababawasan ang populasyon ng mga magaganda,"

Did-did he just say that I'm beautiful ? Shit. Tumambling yata sa sobrang tuwa ang heart ko.

"Hey , you're blushing..."
Agad akong napahawak sa mga pisngi ko. Namumula na pala ako di ko man lang alam ? Kakahiya. Maloko pa rin talaga hanggang ngayon si Gavin. Tsk..tsk..

I know why I'm acting like this right now. Because I'm still that girl who can't be moved.

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon