Chapter 13 : Sweetest Weekend

2 0 0
                                    

Nakasandal ako sa pinto at pilit na pinipigil ang sariling tumili. Gaawwwdd !!! Gusto niyang safe akong makauwi ! So it means concern siya sakin ? At kung concern siya, maybe there's a possibility that he feels something for me ?!

"Momshie, what are you doing there ?" Gulat akong napalingon sa nagsalita. Si Sydney White lang pala. Nilapitan ko ito at kinarga.

"Nothing. Kararating ko lang kasi baby," Hinalik-halikan ko si Sydney. Ang cute-cute niya kasi ! Hmm... Sarap pisilin !

"Momshie, where's your pasalubong for us ?" Inosente at the same time ay excited nitong tanong.

"Ay ! Oo nga pala," Kinuha ko sa loob ng bag ang malaking reusable green bag na may lamang mga pasalubong ko para sa mga magaganda at mga cute kong mga pamangkin.

"Yay ! Yay ! Can I get mine ?"
"Of course ! But first things first. Tell them I'm home,"
"I will !" Dali-dali naman itong tumakbo at nagsisisigaw ng 'Momshie's home! Momshie's home!'

Patamad akong umupo sa sofa. Nai-imagine ko pa rin ang nangyari sa labas kanina. He cares for me. Yes ! Hindi ako bingi nang mga oras na yun. Loud and clear kong narinig ang sinabi niya. Wala sa sariling napangiti ulit ako. Ba't hanggang ngayon mahal pa rin kita Gavin Carl Amor ? Ikaw na kaya ang one great love ko ?

"Tita ! Where's mine ? Where's mine?" Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa lakas ng boses ni Hyacinth. Naku ! Kung may sakit ako sa puso, baka matagal na'kong namatay. Ang lalakas makapanggulat ng boses ng mga 'to.
Kinuha ko sa loob ng green bag ang tatlong jars na may magkakaibang kulay. Binigay ko kay Hyacinth ang yellow glass jar na may lamang gummy bears. Mahilig kasi ito sa mga gummies. Gummy bears, gummy worms, basta lahat ng gummy pwera lang sa bubble gum. Pinagbabawalan ko kasi silang kumain niyon. Isang malakas na tili at mahigpit na yakap naman ang ibinigay nito sakin.

"Thank you tita !"

Sunod kong binigyan ng white glass jar si Sydney. Puro milk and chocolate flavored naman ang laman nun. Candies at kung anu-ano pang pagkain. Hinalikan ako ni Syd at nag thank you sakin.

"Where's Zia ?" Wala pa kasi sa harap ko si Zia. Dati-rati siya pa ang unang sasalubong at yayakap sakin. Pero wala ito ngayon.

Si Sydney ang sumagot since busy na sa pagkain si Hyacinth.
"She's in the kitchen with lola. She's been crying for like ... Uh... More than an hour?"

"What ?! Bakit naman ?" More than an hour ng umiiyak si Zia ? Ano na naman kaya ang dahilan ng batang yun ? Usually kasi umiiyak lang yun pag hindi nakukuha ang gusto niya.

"Gusto kasing mamasyal sa parke kanina. Eh sa busy ako tsaka medyo masakit na naman ngipin ko kaya hindi ko pinayagan," Sumagot si mama na mula sa kusina habang karga ang humihikbing si Zia. Mugto pa ang mata nito at namumula ang ilong.

"Kanina nung hindi ako pumayag nagtampo. Tapos mapilit talaga, eh sumasakit nga ang ngipin ko kaya ayun napalo ko," Kinuha ko sa kanya si Zia.

"A-auntie ... I... I w-want *sniff* to go t-to the p-park but l-lola *sniff* didn't allowed us to go out*sniff*" Hinagod ko ang likod niya. Kawawa naman.

"Ssshhh... Hala, sige bukas ! Punta tayo ng park. Saan niyo gusto ? Hmm ...?" Tutal weekend naman bukas, mabuti sigurong mamasyal naman kaming magti-tita.

"Really ? Gusto ko po sa Adventure Bay !" Excited na sagot ni Hyacinth. Adventure Bay ang pinakasikat na park ng mga seawater animals dito sa amin. Mahilig kasi sa hayop itong si Hyacinth particularly na sa water animals.

"But we went there last time ! I want to go to Luneta Park ! It's so nice there ! Adventure Bay is boring," Reklamo naman ni Sydney.

"But sweetie, nasa Manila yun. Nasa province pa tayo. Pag lumuwas tayo, it'll take probably six hours or more to travel ..." Syd pout her pinkish lips.

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon