Chapter 12 : Safe

2 0 0
                                    

A/N :
I decided to use 3rd POV. FOR NOW. Ibabalik ko rin sa dati sa mga next chapters na siguro. For now 3rd POV muna ang gagamitin ko. Ciao ~ :)
_________________________________________
Chapter 12 : SAFE

3rd POV :
"Open your modules on page 44 and get your scientific calculator," Late ng pumasok si Sam sa klase niya para sa hapong iyon. Tinapos niya pa kasi ang report niya para sa mga plano niya para sa nalalapit na Reunion. Unti-unti na rin kasi siyang pinipressure ni Sir Roberto lalo na daw at aattend ang mga bigating alumna.

Sinimulan na niya ang pagtuturo ng Statistics.

"Please pay attention to this discussion. Class, kunting tiis na lang at magbebreak na. Makinig naman kayo sa dinidiscuss ko," Napansin niya kasing wala na namang interes makinig ang mga estudyante niya.

"Okay ... Again, what is Bernoulli Distribution?" Umaasa siyang may magtataas ng kamay para sumagot pero wala.

"Anyone ? ... Yes Grace ?" Tinawag niya ang unang estudyanteng nagtaas ng kamay para sumagot. Magiliw naman nitong sinagot ang tanong niya. Grace is a smart girl, pero may kahinaan sa math.

"Thank you. Now, as you can see here,..." Bumalik siya sa harap ng pisara at binilugan ang nakasulat na formula doon.

"This is the formula for Hyper geometric Probability  Distribution. Capital letter N here stands for population size while small letter n stands for sample size,"

Dahil masyadong busy sa pagdidiscuss, hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.

*Bzzzzzzzzzztttttt*

Tumunog na ang buzzer hudyat na tapos na naman ang klase para sa hapong iyon.

"Good bye class ! See you on Monday. Cleaners, sa Monday na lang kayo maglinis. Umuwi na kayo. Baka gabihin pa kayo. Sige," Nagligpit na rin siya at lumabas. Nagulat pa siya nang makasalubong sa hallway ang lalaking nagpatibok ng puso niya.

"Hi !"

Hindi niya alam kung magha-hi rin ba siya o ano. Ang tanging alam niya lang ng mga oras na iyon ay ang malakas na tibok ng puso niya. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Gavin.

"Hey, okay ka lang?"

Bigla namang natauhan si Sam. Dahil hindi agad nakapagsalita, nginitian at kinawayan niya na lang ito.

"Uwi ka na ? Hatid na kita," Nakangiting tanong ni Gavin. Hindi agad nakasagot si Sam. Pilit niyang pino-proseso sa utak niya ang mga sinabi ni Gavin. Ihahatid daw ? Ano iyon ? Nabibingi na yata siya.

"Huh? Pakiulit, hehe ... Sorry, masyado lang ... Alam mo na... Nabibingi na yata ako eh,"

"Ihahatid na kita,"

Sam's POV :
"Ihahatid na kita,"
Hindi nga ako nabibingi. Gusto niya nga akong ihatid ! Ohmyjulay ! Totoo ba 'to ?!

"Uh... Kung okay lang naman sa'yo?" Napakamot pa siya sa ulo niya. Ano ba naman iyan ? Ba't lalo siyang gumagwapo sa gesture niyang iyan ?

"Ahh... Okay lang ba ? I mean, wala bang magagalit ? Diba ... Diba ano..." Ano ba iyan ?! Pano ko ba ito sasabihin ?! Tsk...tsk...

"Diba... Hindibamagagalitgirlfriendmo?" Ayan. Hoo ! Nasabi ko rin. Siguro naman okay na yun. Naintindihan niya naman siguro yun diba ? Medyo mabilis nga lang. Slight. Hehe :)

Tiningnan ko ang reaksyon ni Gavin. Nakakunot ang noo niya na parang matatawa na nagtataka.

"Ah...hihi," Ngumiti na lang ako sa kanya. Ayoko ng ulitin pa yun. Nakakahiya tsaka nakakabadvibes. >_<

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon