Chapter 9 : His Girlfriend

1 0 0
                                    

A/N :
Sorry for the short update :( I had an accident. Hindi ko masyadong maigalaw yung dalawa kong braso kaya hirap akong mag-type. Sorry. Again, sorry. 😥 To ease your impatience, here's Chapter 9 : His Girlfriend. Thanks !

_________________________________________

Chapter 9 :  His Girlfriend

"Again class, Statistics is a scientific body of knowledge that deals with the collection, organization, presentation, analysis and interpretation,"

Nagdidiscuss ako para sa last subject ko na mathematics. Matapos magsulat sa white board ay humarap ulit ako sa klase ko at ipinagpatuloy ang pagdidiscuss.

"Okay..." Sinara ko ang librong hawak at umupo sa gilid ng teacher's table.

"Why do we need to study statistics ?" Inilibot ko ang paningin sa buong klase. Walang may nangahas sumagot sa tanong.

"Anyone ?" Wala pa ring may nagtataas ng kamay. Ang ibang estudyante ko na nakaupo sa likod ay halos lumungayngay na sa mesa. Hindi ko naman masisisi ang mga ito. Most hated subject ang hawak ko eh. Kahit anong strategy ang gawin ko para magkainteres sa subject ko ang mga estudyante eh wala pa ring epekto. Hated subject pa rin ito. Napabuntung-hininga na lang ako.

Hay naku ! Ba't ba kasi nasa last period itong subject ko eh ?

English at Math ang hawak kong subject. Tapos tatlong section pa ang hawak ko. Dalawang section ang kinaklasehan ko sa Math tuwing umaga at isang English. Sa hapon naman, last period ang math ng advisory class ko.

"Any idea ? How about you Lily ?"

Tiningnan ko si Lily, ang top 1 sa klase ko. Yumuko lang si Lily.

"No idea ? How 'bout you Jigs ?"
Si Jigs naman ang isa sa tinaguriang math wizard ng school namin. Pero tulad ni Lily ay yumuko lang si Jigs.

*Bbbbzzzzzzzzzzzzzztttttttttt*

Tunog ng buzzer iyon. Hudyat na tapos na naman ang klase ko para sa hapong ito. Ang dating bored expression ng mga estudyante ko ay napalitan agad ng relief at excitement.

Psh -_- 'tong mga batang 'to talaga ! Uwian lang ang hinihintay. Hindi na naman natapos ang lesson ko ngayon. Hay...

Tumayo na ako at dinismiss ang buong klase.

"Goodbye class !" Tumingin ako sa wristwatch ko. Alas singko na pala. Ang bilis talaga ng oras. Napapailing na lang ako.

"Goodbye ma'am !" Kahit nagmamadali ay nakapagpaalam naman ang karamihang estudyante sakin.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at naglinis ng classroom. Maliit lang naman 'tong classroom kaya mabilis akong natapos sa paglilinis. Ibinalik ko na ang walis at dustpan sa lalagyan nito at kinuha ko na rin ang bag ko at lumabas. Kinandado ko muna iyon bago umalis.

Naglakad na ako papuntang gate. Pagdating ko doon ay nagroronda na si Kuya Billy, ang guard ng GNHS. Umupo muna ako sa bench ng guardhouse at naghintay ng tricycle. Kapag ganito pa namang mga oras ay mahirap ng pumara ng tricycle. Medyo dumidilim na rin kasi.

"Good evening ma'am !" Nakangiting bati ni Kuya Billy sakin.

"Good evening din po kuya Billy," Pinailawan na rin pala ang mga street lights. Para di naman masyadong boring ay nagsound trip na lang ako. Nakakabit sa tainga ko ang isang headset para naman marinig ko pa rin si Kuya Billy.

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon