Ilang segundo rin ang itinagal ng pagtitig ko sa gwapong mukha ni Gavin. Yes. Si Gavin. Kaharap ko ngayon ang pinakamamahal kong si Gavin. Bakit ang gwapo niya pa rin kahit nakakunot ang noo niya ?
"Uhh...miss, if you don't mind nasa gitna kasi tayo ng kalsada eh ..."
Para naman akong tangang luminga-linga sa paligid. Yes. We're in the middle of this highway and it looks like marami ng nagagalit dahil nakaharang lang naman kami sa gitna ng kalsada.
"P-pasensya na po,"
Tumabi ako sa kalsada habang bumalik sa kotse niya si Gavin. Ipinark niya sandali ang kotse at bumalik sa akin.
"I'm sorry for what happened earlier, Miss ?"
Tinatanong niya ang pangalan ko. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Hindi niya pa rin pala ako nakikilala. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso.
"Wait... You look familiar. Ikaw yung napagtanungan ko noon diba ? You're the teacher !"
Ewan ko ba kung dapat kung ikatuwa na natatandaan niya ang pag-uusap namin noon pero there's a part of me expecting more. Hindi niya ba talaga ako nakikilala ? Please let him remember me.
"I'm not just sure but you really look like ... Uhm ... Never mind. I'm sure you don't know her,"
"I'm fine. You don't have to worry and I'm also sorry for being so careless a while ago," Tumingin ako sa Minnie mouse wristwatch ko na ngayon ay may black strap. "I'm sorry but I have to go now. I'm late,"
Lumakad na ako palayo sa kaniya pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang magsalita ulit siya.
"Sheik Amarie Corpuz,"
Mahina pero dinig na dinig ko ang boses niya. Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi niya. Unti-unti akong napapikit. I want to savor the moment. I want to stop the time right now. Gusto kong i-rewind ang mga nangyari. Gusto kong i-record ang pagtawag niya sa buong pangalan ko.
"Sheik Amarie Corpuz," Pumikit ulit ako. Hindi. Hindi ito nangyayari. Hindi ako naniniwalang nangyayari nga ito.
"Sam..."
Nakikilala niya ako. Dapat nga akong matuwa diba ? At last , nakilala niya na rin ako. But I don't know why I'm feeling this shit.
Bakit nasasaktan ako sa pagtawag niya sa akin ?
"Sam ..." Hinawakan niya ako sa braso at pinilit na humarap sa kanya.
"Damn it, Sam ! Why are you crying ?"
Agad akong yumuko at pasimpleng pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayan kung kailan pa nag-umpisang dumaloy sa mga pisngi ko.
At hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Bakit ako nasasaktan ?
"Sam..."
================================
A/N :
Naiiyak ako kay Sam. 😢 Sorry for the short update. I've been sooo busy these past few days. Idagdag pa ang writer's block na hindi ako iniiwan . huhue 😭😭 and sorry for the grammatical errors and typos. I've no time to edit. Again sorry .🙏And thanks to those who patiently wait for the next update of this story. Arigato ! 😁 see you on the next chapters !
BINABASA MO ANG
The Masochist
Fiksi UmumAng sabi sa kanta ni Taylor Swift , "Nothing lasts forever ." Ang sabi naman sa librong nabasa ko , "Change is the only permanent thing in this world." Pero bakit ganun ? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip at puso ko ang nangyari sev...