Chapter 7 : Lunch-DATE

1 0 0
                                    

Creme de la Creme.

Yan ang pangalan ng restaurant na pinagdalhan sakin ni Gavin. Dito daw kami maglalunch. Nilibot ko ang paningin ko. The ambience is quite comfy. Para ngang nasa bahay ka lang. Yung feeling na parang 'feel at home' ka agad pag nakapasok ka na. Actually parang hindi siya restaurant kung titingnang mabuti mula sa labas. It would look more like a small photo gallery-slash-flower shop. Marami kasing iba't-ibang klase ng bulaklak ang nakadisplay sa labas at may canvas pang kasama na may painting na hindi pa tapos. Kung hindi lang dahil sa very fascinating style and design na nakasabit sa taas ay malamang aakalain mong isang simpleng bahay lang siya. Written in a very nice and enamor calligraphy, is the name of the restaurant "Creme de la Creme" meaning "best or someone who tops all others".

Nice.

"Maganda ba ?" Tanong niya pagkabalik. May kinausap kasi siya sandali kaya malaya akong nagmasid-masid.

"It's very nice here. I like the ambience. Madalas ka ba dito ?"

"Dati," Tipid niyang sagot. Lumapit naman sa amin ang isang babaeng nakawhite collar shirt and black pants. She was wearing a red  neckerchief and a small name tag in her left chest. The name tag says she is Debby.

"Hello sir ! Here's your table number thirty two," Nakangiti nitong sabi sabay abot ng number ng table namin. We thanked her before going to our table. And infairness, ang ganda ng table setting. Dirty white table cloth at may fresh flowers sa gitna. Ang totoo ? Maglalunch ba kami o magdidate ?

Sus ! Kunwari pa eh gusto rin naman.

"Why are you smiling ?" Nilingon ko ang nagtatakang si Gavin. May hawak siyang menu at nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin.

"H-ha ?" Ako na ang agad umiwas. Nakakahiya sa kanya. Baka isipin niya pang may gusto ako sa kanya.

Eh di'ba totoo naman ?

"Wala. Ano ? Nakapili ka na ba ?" Pag-iiba ko ng topic. Tiningnan ko ang mga nasa menu. Hmmm... Mukhang mapapasubo yata ako. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakatikim ng mga ito. Buti nga't mayroon sila ng mga ganitong paborito ko.

"You first," Tumawag siya ng waiter at bumalik ulit sa pagpili ng pagkain.

"Chicken and Asparagus Soup, Chicken Inasal, Chicken Adobo with tomato, Rellenong Talong, Tuna Maki and Chocolate Leche Flan,"Inulit muna ng waiter ang inorder ko bago umalis.

"Oh ? Baka pasukan ng insekto iyang bibig mo," Napahagikgik ako. Nakaawang kasi ang baba niya habang nakikinig sa mga order ko. Nakalimutan na rin pala nung waiter ang order ni Gavin.

"Kaya pala tumaba ka. Tsk..tsk.. Mabubutas ang bulsa ng boyfriend mo niyan," Nangingiting sabi nito.

"Wala akong boyfriend," Kasi hindi mo pa ako nililigawan. Ang landi na talaga nitong mga naiisip ko. -_-

Sumeryoso naman si Gavin dahil sa sinabi ko. Titig na titig siya sakin. Yung tipong sinusukat niya kung nagsisinungaling taaga ako. Yung kaseryosohan niyang nakakailang.

"Sir, ma'am ... Here's your order. Enjoy !" Nakangiting wika nung waiter.

"Uhh... I want a Sweet baked Tilapia fillet and Mango Royale for dessert," Inilista naman nung waiter ang order ni Gavin bago ito umalis.

"Let's eat," Nilantakan ko agad ang Chicken Inasal. Bahala na. Galit-galit na ito. Eh paki nila ? Gutom na kaya ako. Wala ng hiya-hiya. Lamon na 'to !

Mmmm....mmmm... Yummm.... Infairness ! Ang sarap ng chicken. Tender and juicy. Lasang-lasa yung mga ingredients. Lalo na yung syrup na nalalasahan ko. Ang sarap. Grabe. Babalik-balikan ko 'to dito. Nakakalahati na ako ng kanin nang mapansin kong may nakatitig sakin. Luminga-linga ako. Wala naman. Busy rin kasi sa pagkain ang iba. Sino naman ang tititig sakin ? Hindi kaya ...

"Gavin !" Kainis 'to ! Kanina pa pala titig na titig sakin habang ako busy sa paglamon. Nakakahiya. Major turn off ! Grabe.

"Hindi naman halatang gutom ka noh ?" He chuckled. Naku. Mukhang sa boses ng lalaking 'to ako mabubusog. Dumating na ang order niya kaya kumain na rin siya.
Kumain na ulit ako. Tahimik lang kaming kumakain. Ang awkward. SUPER.

"So/So..."
"Ikaw muna/Ladies first,"
"Ikaw na/Ikaw na,"
"Ako na nga/Ako na lang,"

Pareho kaming natawa. Ang O.A. lang. Palaging sabay ang peg.

Ngumiti na naman siya. Ohjuskoo. Ilayo niyo sakin ang tukso. Baka siya na ang makain ko imbes na ang manok. Huhu T_T

Pantay na ngayon ang mga ngipin niya. Ang puputi rin ng mga ito. Poteks. Dinaig pa ang ngipin ni Willy Wonka sa ganda. Iba na talaga ang nagagawa ng teknolohiya. Tsk..tsk.. Dati ang laki nung dalawang ngipin niya sa harap. Pero ngayon, Wow !

"So, kamusta nga pala ?" Ako na ang unang nagtanong. Nakakailang na rin kasi ang sobrang katahimikan.

He smiled again. Shit. Naghahyperventilate ang puso ko.

"I'm fine. Ikaw ? Mukhang sobrang okay ka ah,"

Hindi lang okay. Okay na okay ! Syempre dahil kasama kita.

Shit. Kinikilig ang bawat muscles ko. Akala ko ba teenagers lang ang nakakaranas ng ganito ?

"Hindi naman.Nagtuturo na ako ngayon sa GNHS at nag-o-online study sa Civil Engineering. Ikaw ? Anong trabaho mo ngayon ?" Ubos ko na ang Chicken Inasal at ngayon ay ang soup naman ang nilalantakan ko. Naku. Mas lalo ako nitong tataba. Puro chicken eh. Pag tumaba pa ako, oh no ! Major-major turn off yun kay crush.

"I'm currently working at one of the companies of Montenegro Empire as an architect," Chill niyang sagot.

Wow. Double wow. Architect ? Grabe. Nakakaspeechless. Sya na. Sya na ang mayaman.

Tumango-tango lang ako. Ang yaman niya pala kung ganun. Ang Montenegro Empire lang naman ang nangungunang kompanya sa Pilipinas. Halos lahat ng negosyo ay meron ito. May Montenegro Bank, Montenegro Law Firm, Montenegro Cruise, Montenegro Malls at mga sub companies ng Montenegro Empire. In short, mayaman ka na rin kapag nakapagtrabaho ka dito. Malaki kasi kung magpasweldo ang kompanya. Syempre sa sobrang yaman nila, aba't dapat lang na malaki ang ibigay nilang sweldo sa mga employees.

"Ikaw ? Ikaw dapat magkwento. Kamusta ? Teacher huh ? Noble profession,"

Tumawa lang ako. Noble profession. Hindi naman talaga pagtuturo ang passion ko. Since I was young, pangarap ko na talagang maging engineer. Yun yung gusto ko sanang i-pursue sa college but then my parents couldn't support me financially so I decided na magpakapraktikal na lang muna. Imbes na Civil Engineering, Secondary education ang kinuha ko.

"Hmm...okay naman ako,"

From time to time namimiss ka. Pero dahil nandito ka na ulit, magiging inspired na naman ako.

"Masyadong busy sa pagiging teacher,"

Nagkuwentuhan pa kami ni Gavin. Iba-ibang topic lang. I didn't know he's a good company. Ang sarap niyang kausap. May sense of humor din sya.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil sa kwentuhan namin. Sobra kaming nawili sa pakikipag-usap sa isa't-isa. Buti na lang mamayang three to four pa ang klase ko.

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon