Chapter 11 : Hello BITCH-mates !

1 0 0
                                    

A/N : Happy eleventh chapter to this story ! Haha :) *winks*
_________________________________________

Chapter 11 : Hello BITCH-mates !

"Andito na po tayo, ma'am !" Bumaba na ako sa tricycle na nagdedeliver ng baboy. No choice ako eh. Alas syete na at hindi pa ako nakakauwi kaya naman sumabay na ako dito.

"Salamat po kuya. Sige po, ingat po kayo !"

Lumakad na ako papuntang bahay. Malapit lang naman iyon sa highway. Maya-maya, tumigil ako sa tapat ng isang kinakalawang ng kulay berdeng tarangkahan at pumasok. Bukas pa naman ang pinto kaya diretso akong pumasok sa loob.

"Andito na ako,"

Sabay-sabay namang nagsitakbuhan papunta sakin ang tatlong cute na cute na mga bata. Isa-isa silang nagsilapit sakin at sabay-sabay akong hinila for a big warm hug. Awwwwwww ...... Ang sweet talaga ng mga pamangkin ko.

"Tita !"
"Auntie !"
"Momshie !"

Napahawak na lang ako sa tainga ko. Kapag nagsasabay-sabay talaga sila sa pagsigaw ay nabibingi ako. Ang lalakas tumili eh.

"Teka, teka... Bakit nandito kayo ? Hindi pa bakasyon ah,"

Ang tatlong cute na cute na mga chikiting na ito ay mga pamangkin ko. Tuwing bakasyon ay nandito sila para tutoran ko. Pero malayo pa ang bakasyon ah ?

"Mommy told us to stay here muna," ani Hyacinth, ang pinakamatanda sa tatlo. Anak siya ng panganay kong kapatid, si ate Cyndia.

"What's your gift for us, momshie ?" Si Sydney White, kapatid ni Hyacinth.

"Ha ? Eh hindi ko nga alam na darating kayo kaya pano ako makakabili ng gifts ?"

Nasanay kasi ang mga ito na lagi kong binibigyan ng mga gifts.

Hera Venezia pouted. Ang cute-cute talaga ng batang ito ! Hera is my brother's first daughter. Ito rin ang pinakabata sa tatlo.

"Wait lang babies okay ? I'll go check on lola," Pumunta ako sa kwarto ni mama. Pero walang tao. Sunod kong pinuntahan ang kusina. And there she is. My most beloved mother. Nakatalikod siya sa pinto at busyng-busy sa pagluluto. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod.

"Ma..."
"Hmmm ?"
"Wala. I miss you,"
"Ang OA mo. Kalahating araw lang tayong hindi nagkita. Kung makamiss ka naman diyan parang isang dekada mo akong hindi nakita,"

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Kahit kailan talaga si mama ang arte ! Ayaw niyang nilalambing ko siya. Tss -_-

"Eh ma ... Ba't nga pala nandito yung tatlong iyon ?" Nginuso ko pa ang tatlong batang babae na naglalaro sa sala.

"Iniwan muna satin ng mga kapatid mo. Si Cyndia maraming inaasikaso sa opisina niya. Si Vince naman busy rin sa operasyon ng team nila. Hindi niya raw muna masasamahan si Zia,"

Ahh... Tumango-tango ako habang ngumunguya ng mansanas.

"Aray !"  Hinampas ni mama ang kamay ko na kukuha sana ng mansanas.
"Ang takaw mo ! Para sa mga bata iyan,"

Tinulungan ko na lang siya sa pagluluto. Hiniwa ko ang sitaw at hinugasan ang iba pang mga gulay bago iabot sa kanya.

"Nga pala, ba't ginabi ka ?"
"Malakas kaya ang ulan," Naglagay na'ko ng mga plato at mga baso sa mesa.
" Pakiabot nga ng mangkok," Inabot ko naman iyon sa kanya. Tahimik lang kaming naghahanda ng hapunan. Hindi na nakatiis si mama. Siya na ang unang bumasag ng katahimikan.

"Anong problema ?"

Napabuntung-hininga na lang ako. Sasabihin ko ba kay mama ? Siya lang ang nakakaalam ng lahat ng problema ko. Including Gavin.

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon