Chapter 16 : Text, Reasons, and Heartaches

0 0 0
                                    

"Hindi ko nga rin akalaing teacher pala ang kahahantungan ko eh. Ang dami ko kayang courses na nasubukan. Pero agad akong nagsi-shift pag di ko magustuhan or di kaya'y tinatamad na'ko,"

Kwento lang nang kwento si Ana habang kumakain kami dito sa C'est La Vie. Ako naman kain lang ng kain habang panaka-nakang sumusulyap kay Gavin.

~Pasulyap- sulyap pa kunwari
Patingin-tingin kay Gavin ~

Haha :D Paligaw-ligaw tingin ang peg. Tsk...tsk... Sumubo ako ng isang slice ng cheese cake at tumingin ulit sa kanya.

"Ukh ! Ukh !"
"Sam ? Okay ka lang ? Magdahan-dahan ka nga,"
"Hetong tubig,"

Inabot ko agad ang baso ng tubig na hawak ni Gavin habang hinahagod naman ni Ana ang likod ko. Muntik na yun ! Muntik na akong mamatay sa pinaggagagawa ko. Aish ! Nahuli kasi ako ni Gavin na tinitingnan siya. Ugh ! Kainis ! >.< Naramdaman ko ang biglaang pag-akyat ng init sa mga pisngi ko. NA-KA-KA-HI-YA !

Tango, ngiti, oo, at tawa lang ang naging sagot ko sa mga usapan nila hanggang sa matapos. Nahihiya kasi akong tumingin kay Gavin eh. -_-

"Hay naku ! Ang bilis naman ng oras ..." Himutok ni Ana habang hinihintay namin si Gavin na matapos magbayad ng inorder namin kanina.

"Sayang noh ? Sana mas marami pa tayong oras para magkwentuhan. Ang sarap pa namang kausap ni Gavin. Diba ?" Nangalumbaba pa ito at tumingin sa labas. Tumango na lang ako kahit hindi ko naman masyadong nakausap si Gavin.

"Tara?" Dumating na pala si Gavin. Nakangiti ito habang nakapamulsang naglalakad papuntang table namin. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. He's still the same Gavin who have this kind of aura na kayang  patigilin ang mundo ko. Hindi totoo yung pag nakita mo ang taong tinitibok ng puso mo eh, magi- slow motion daw ang paligid mo. Hindi totoo yun. Dahil sa nakikita ko, masyadong mabilis ang kilos ng lahat maliban sa paglalakad ni Gavin. Parang ang cool niya. Mas cool pa siya maglakad kaysa kay Douglas Booth.

Heto na naman ang kakaibang feeling sa tuwing tinititigan ko siya. Yung para bang siya lang yung sentro ng paningin ko ngayon at wala na akong paki sa iba. Tsk... Tsk... Wala na. Malala na talaga ako. Hulog na hulog na ako sa kanya. And I love this feeling.

"Hello ?! Girl ! Yung laway mo tumutulo na. Tara na daw oh. Kaloka ka,"

Agad ko namang pinunasan ng kabilang kamay ko ang baba ko. Kuso. Buti na lang walang tumulong laway. Abnormal talaga 'tong si Ana. Pasimple kong nilingon si Gavin na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. Napailing ako. Parang may iba sa kanya. Iba yung ngiti niya ngayon. Yung pang blooming? Ah. Basta ! Para siyang sira na abot-tenga ang ngiti. Pero mahal ko ang gwapong sira na yun. Haha :)

"Sige. Ingat kayo ha?"

Kinawayan ko si Ana na ngayon ay nakaangkas sa motor ng pinsan niya.

"May... Bibilhin ka pa ba ?"

Ah, Oo. Muntik ko na nga palang makalimutan. Bibili pa ako ng karne at itlog.

"Ah ... Oo nga pala. Buti pinaalala mo. Ano kasi... Wala ka bang ibang gagawin ? Hindi ba ako makakaistorbo ? Kung may gagawin ka pa okay lang naman na mag- commute na lang ako. Sanay naman na ako eh,"
"No. Wala na'kong gagawin at isa pa, hindi ko ugali ang mang-iwan ng kasama. Kaya ihahatid na kita,"

Awwwwww ... Natouch ako sa sinabi niya. Hindi niya raw ugali ang mang-iwan ng kasama. Iilang tao na lang ba ang katulad niya na hindi nang-iiwan ng kasama ? I bet konting-konti na lang. Sa relasyon kaya, ganun rin kaya siya ? Sana naman hindi rin siya mahilig mang-iwan. Pano na lang kapag naging kami diba ?

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon