Chapter 10 : The Heartache

1 0 0
                                    

Tulala. Nasasaktan. Nagpapanggap na masaya.

Dapat eksperto na ako sa mga ganito. Pero bakit ngayon mas lalo pang sumasakit ?

"Oh ! I'm sorry. We almost forgot you were here,"

"No, no, it's okay..." Nginitian ko si Bianca. Yun lang naman ang magagawa ko eh. Ang magpanggap na masaya habang nagdurugo sa sakit ang puso ko.

"Oh pano, Alis na kami. Gusto mo bang sumabay ? Gumagabi na rin oh,"

"Ah ... Sige salamat. Pero sasabay na lang ako kay kuya Billy mamaya,"

Ayoko ngang sumabay. Tama na ang pagiging masokista ko. Kapag sumabay ako sa kanila, mas lalo lang akong masasaktan.

"Sigurado ka ?"

Gusto ko sanang isipin na nag-aalala siya sa akin pero alam kong imposible iyon. Kasi may nage-exist na Bianca. At alam kong nagmamahalan sila. Kitang-kita ko iyon sa mga mata ni Gavin. The way his eyes sparkle with love whenever he looks at Bianca is enough proof.

"Oo,"

"Let's go, hon. Gagabihin tayo sa daan," Kumapit pa sa braso ni Gavin ang Bianca na iyon na para bang sinasabi niyang sa kanya lang si Gavin.

Heh ! Pakasaya ka ngayon. Dahil someday , mapapasakin rin siya !

"Okay. Sige. Alis na kami Sam,"

Sumakay na silang dalawa sa kotse ni Gavin habang malambing at masayang nagtatawanan samantalang ako, heto at pinipigilan ang sariling wag maiyak. Ano ba yan ? Sa sobrang drama ng buhay ko, pwede ng ipadala sa MMK. Kainis. Kulang na nga lang ulan eh, para perfect emote drama ang peg.

"Hay ... Ano ba yan ?!" Dali-dali akong pumasok sa guardhouse. Kung minamalas nga naman oh. Mukhang pinagbigyan ako ng langit. Umulan talaga ! Nakikisenti rin sakin pati ang langit. Feel na feel kong magdrama pero ayaw lumabas ng mga luha ko. Parang nastock lang yata silang lahat sa dibdib ko. Yan tuloy, ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Hay.

Well I'll try and try to forget you girl,
But it's just so hard to do
Every time you do that thing you do

I know all the games you play
And I'm gonna find a way to let you know
That you'll be mine someday.

Bwisit rin 'tong kanta ! Nakikisabay pa ! Ang sakit sakit na nga nitong puso ko dadagdagan pa ?!

Cause we could be so happy, can't you see ?
If you'd only let me be the one to hold you
And keep you here with me.

Pero may Bianca na eh. May Bianca na siya ! Para sa'n pa ang seven years kong paghihintay sa kanya kung meron na pala siyang ibang mahal ?!

Cause I try and I try to forget you girl
But it's just so hard to do
Every time you do that thing you do

I don't ask a lot girl,
But I know one thing's for sure
It's the love I haven't got girl
And I just can't take it anymore .

Mukhang hindi ko na nga kinaya ang sakit. Kusang tumulo ang mainit kong luha kasabay ng paghikbi ko. Ito ba ang kabayaran ng pitong taon kong pagmamahal at paghihintay ko sa kanya ? Nagmahal lang naman ako ah. Wala naman akong hiningi sa kanya kung hindi ang pansinin niya ako.

Cause we could be happy, can't you see ?
If you'd only let me be the one to hold you
And keep you here with me

Cause it hurts me so just to see you go
Around with someone new
And if I know you, you're doing that thing
Everyday just doin' that thing
I can't take you doing that thing you do.

Bakit kailangan ko pang masaktan ? Do I don't deserve to be happy ?

"Ma'am, okay lang po kayo ?"

Dali-dali kong pinunasan ang walang tigil sa pag-agos kong mga luha at ngumiti kay kuya Billy. Kailangan kong maging matatag. Ilang beses ko na itong naranasan. Makakayanan ko ulit na malampasan ito.

"Ay. Wala po ito kuya. Nakakainis lang kasi 'tong ulan eh. Wala akong dalang payong tapos gabi na. Pano ako nito makakauwi ?"

Sige lang Sam. Diyan ka naman magaling diba ? Ang magpanggap sa lahat ng bagay.

"Ay naku ! Nakalimutan ko nga palang sabihin ma'am. Hindi ko po dala ang motor ko. Magkocommute lang po ako mamaya. Pasensya na po," Napapakamot sa ulong wika ni Kuya Billy.

Ano ?! Patay ! 0_0 Eh ba't kasi hindi pa ako sumabay kina Gavin kanina ? Bwisit kasing pride 'to ! Kaasar !

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon