Chapter 14 : I LIKE YOU

0 0 0
                                    

Hapon na nang makauwi kami sa bahay. Marami kasi kaming ginawa at kung saan-saan kami umabot. Naroong pumunta pa kami ng carnival at sumakay ng iba't-ibang rides maliban sa ferris wheel kasi sira daw. Kumain din kami ng mga itinitinda dun tulad ng cotton candy at mga street foods. Pumunta rin kami sa kabilang bayan at bumili ng mga laruan, damit at iba pa. Nanood rin kami ng circus play dun kasi kapistahan pala. So far, that was the most enjoyable and sweetest weekend I had. At yun ay dahil kasama ko siya.

"Pano yan ? Salamat ha ?" Kinarga ko na ang natutulog na si Zia at lumabas sa kotse niya. Pumasok agad ako sa bahay at nilapag sa sofa si Zia bago bumalik sa kotse para kunin rin si Hyacinth. Nasa labas palang ako ng tarangkahan nang makita ko siyang buhat ang mahimbing na si Hyacinth. Kausap niya rin ang inaantok ng si Sydney.

"Papakabait kayo ha ? Wag nyong bibigyan ng sakit ng ulo ang tita niyo," Aww... It's so sweet of him. Looking at him now, I'm sure he'll be a good father to his children.

Pinapasok ko sila at tinulungan siyang ilapag si Hyacinth sa sofa.

"Sam, thanks for this wonderful day..."
"..."
Speechless.
This is too good to be true. No. THIS IS A DREAM COME TRUE. The warmth of his arms gave me comfort and something I can't explain. Tibok lang ng puso ko ang naririnig ko ngayon habang nasa dibdib niya at magkayakap kami. Sana ganito na lang. Sana hindi na matapos 'to. I wish the time would stop turning right now. I want to savor this moment forever.

Kumalas siya sa pagkakayakap at ngumiti sakin. Those smile. How I wish they were mine.

"W-wala yun. Salamat din sa pagsama samin ha ? Nag-enjoy yung mga bata," Ipokrita ako kung hindi ko aamining nadisappoint ako sa short moment ng yakap namin. Bakit kasi hindi pwedeng i-extend ang mga bagay na nakakapagpasaya sa'tin ?

Ngumiti na naman sya. This time mas maluwang na ngiti. Yung may halong pang-asar.
"Eh ikaw ? Hindi ka nag-enjoy ? Aba ! Dapat nag-enjoy ka. Nakasama mo kaya ang pinakagwapong nilalang sa mundo," At umakto pa siyang nagpapapogi points. Natawa na lang ako sa inakto niya. Kahit hindi niya na gawin yun gwapo pa rin siya.

"Hangin ah ? Oo na. Nag-enjoy na ako, SELF-PROCLAIMED gwapo." Sinadya kong i-emphasize ang SELF-PROCLAIMED na word kaya naman pareho kaming natawa.

"Hindi ka nagagwapuhan sakin ?" Tanong niyang nakapouty lips pa. Nagpapaawa ang loko.

Naku ! Tigilan mo yan Gavin ! Baka mahalikan kita.

Nilagay ko sa baba ko ang hintuturo ko at nagcross arms pa. Umakto pa  akong nag-iisip nang malalim.

"Hindi na dapat yan pinag-iisipan pa," wika niya habang nakanguso pa rin. He look like a cute baby. I chortled at the thought.

"Oo na. Gwapo ka na. Satisfied ?  Oh ? Hindi ka pa uuwi ? Medyo madilim na," Dumidilim na rin kasi. At isa pa, baka hinahanap na rin siya ng girlfriend niya.

"Sige na nga. Pinapalayas mo na'ko eh," Hinatid ko siya hanggang sa tarangkahan.
"Ingat ka. Tsaka, wag masyadong mabilis ang pagda- drive," Nginitian ko siya at kumaway.
"Sam, salamat talaga ha ? I really enjoyed this day. This is one of the most enjoyable day of my life. Thank you so much," Seryosong sabi niya sakin. Hindi ko alam pero parang may pinagdadaanan siya. I can see it in his eyes. I can feel it. Tinatago niya lang sa pamamagitan ng ngiti at tawa niya.
"Salamat din," Hindi mo lang alam kung gano mo ako napasaya ngayong araw.
"Oh sige na. Baka magkaiyakan pa tayo dito. Wala pa naman akong tissue na dala ," I tried to joke. Tumawa na rin siya at kumaway sakin bago pumasok sa kotse niya.

Gavin, Sana naging akin ka na lang...

***
"Sam, tara na !"
"Oo na ! Andyan na ako !"
Tinapos ko na ang pagsusuklay at isinuot ang color beige na sandal ko na regalo sakin ni Ana nung nakaraang taon. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin.

The Masochist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon