Nananaginip ba ako nang gising ? Totoo ba ang lahat ng ito ? Halo-halong mga tanong ang nagsisiksikan sa isip ko ngayon. Hindi ako makagalaw. Natulos ako sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin makapaniwalang nasa harap ko nga ang taong ito. Pasimple kong kinurot ang braso ko.
Aray ! Shit ! Totoo nga !
Ngumiti siya sa akin habang ako parang tangang nakatitig lang sa kaniya.
"Hi !" Nakangiting bati niya sa akin. Yumuko ako para hindi niya makita ang pamumula ko. Matagal kong pinaghandaan ang ganitong pagkikita namin. Pero bakit ganun ? Parang bulang naglaho ang mga linyang pinraktis ko noon.
"H-hi ,"
"I suppose you're a teacher here ?"
I nodded. Inglisero na pala siya ngayon. Sabagay , noon pa man talaga ay paborito na niya ang English.
"So uhh... I'm looking for -"
"Babe !"
Kung ano man ang sasabihin niya ay agad namang pinutol ng matinis na boses na iyon. Sabay kaming napalingon sa sumigaw. A very beautiful and voluptuous peeress is coming towards us. She has this very angelic look. Bright blue eyes and long lashes that suits her now bright red lips.
Oh my God ! Hanggang dito ba naman hindi ako tinatantanan ng insecurities ko ? Ugh.
Nang makalapit sa amin ay agad niyang binigyan ng mabilis na halik sa labi ang kausap ko. Nakaramdam ako ng pamilyar na kirot sa dibdib ko.
Bwisit ! Bwisit ! Dapat sanay na ako sa mga ganito !
"What are you doing here ?" Tanong ng magandang babae sa kausap ko. Wow ! Now I'm out of the picture.
"I want to surprise you babe,"
Babe. So sila ? Ang tanga ko pa rin pala hanggang ngayon. Maghahalikan ba sila kung hindi sila magjowa ? Tanga ka talaga kahit kailan Sam !
Nakikinig lang ako sa paglalandian este sa pag-uusap ng dalawa. Ayoko namang istorbohin ang sweet reunion nila. Okay lang na ma-out of place ako. Basta't makita ko siya ulit. Because I want to feel his presence once again.
"Sam !"
Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Ana na papalapit sa akin.
Lord , dapat ba kitang pasalamatan dahil pinadala mo agad si Ana ?
Labag man sa loob ko ay nag-excuse ako sa dalawa na agad niya namang tinanguan. Hindi na ako pinansin ng babae dahil nabusy na siya sa paghaplos ng mukha ng kausap niya.
Landi !
"Oh, ba't ngayon ka lang ?" Tanong ko agad kay Ana.
"May pinatapos pa si Sir. Ikaw ? Akala ko ba mauuna ka na ?"
"Well, girls are complicated..." We both chuckled and hailed a tricycle. I turned to them. I stared at him before getting in.
Gavin Carl Amor, we meet again.
BINABASA MO ANG
The Masochist
BeletrieAng sabi sa kanta ni Taylor Swift , "Nothing lasts forever ." Ang sabi naman sa librong nabasa ko , "Change is the only permanent thing in this world." Pero bakit ganun ? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip at puso ko ang nangyari sev...