Nakakasilaw. Maingay. Magulo. Ang alam ko nakahiga na ako sa daan. Malabo man pero nakikita kong may lumalapit sa akin na lalaki, nakasuot ng pulis na uniporme."Miss, pulis po ako. Papunta na ang ambulance dito. You are safe now with us.
"Ano pong nangyari?"
(3 Days After)
Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Akala ko nasa langit na ako nang biglang may paparating na isang babae. Nakasuot ng puting uniporme. Wala man akong naaalala buti nalang hindi ako naging bobo, alam ko, mula sa kasuloksulokan ng utak ko, na isa siyang doktor.
"MEMORY LOSS, or amnesia, is unusual forgetfulness. You and your friend had a car accident, ija. Don't worry we will observe your case. Maybe this is just a temporary after-effect of the accident. We will take care of you."
Ano raw? Me and my friend? Sino? Sino siya? Hindi ko maalala. Sana okay siya.
Hindi ko akalain na sa pinagdaanan kong ito, nawala man ang memorya ko ay hindi pa rin nawawala ang pagiging positibo ko. Nararamdaman ko na magiging okay ako. Sa pagkakaalam ko talagang ganito na ang ugali ko.Napatingin ako sa labas ng bintana. Sa tingin ko nasa mataas na palapag ang kwarto ko. Kitang kita ko ang mga ulap at galit na galit na araw.
Biglang may kumatok at pumasok agad.
"Miss May, I am Jane. I'll be your nurse for today. Check ko lang kayo."
"Nurse, tanong ko lang. Nandito rin ba ang kaibigan ko? Okay na siya?"
"Don't worry po, Miss May. Magiging okay po ang lahat."
Yan lang ang sinabi ng nurse. Ang tipid nga lang.
Sino kaya siya? Sana okay siya. Ang daming tanong sa isip ko. Pero maghihintay ako, siguradong may bibisita na sa akin na kapamilya ko.Pilit kong inabot ang remote control na nasa mesa sa tabi lang ng kama ko. Aray! Doon ko lang naramdaman na masakit ang buong katawan ko. Binuksan ko ang TV. Channel 1-150. Channel 150-1.
Anong oras na kaya? Bakit wala pang dumarating? Inaantok na ako sa kakahintay.
Namulat ako at nakita ko ang isang lalaki na natutulog rin sa sofa. Ang daming tanong sa isip ko. Sino siya? Kapatid ko? Siguradong hindi. Natawa ako sa sarili ko. Mukhang may dugong foreigner. Ang gwapo niya. Baka isa siya sa mga kaibigan ko o baka naman boyfriend ko!!! Oh my goodness! Wala kang naaalala, May, pero hindi ka baliw! Huwag umasa!
Gumalaw na siya at mabilis na umupo ng maayos.
"Okay lang ako. Sige lang matulog ka muna."
"No, I am fine. I am here to see you. They called me and told me you just woke up. Finally, after 3 days!"
Nanlaki ang mga mata ko. Tatlong araw akong walang malay? Pero okay lang, hindi ko na gustong malaman kung bakit. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit may gwapong umiingles dito sa kwarto ko. Nakatitig pa rin siya. Parang malungkot na parang hindi. Sigurado akong hindi ko siya boyfriend. Hopia! Kung boyfriend ko siya edi sana humalik na dahil nagising na ako. Pero... waley!
"I asked about your family but so far nobody has come yet."
"Sino ka?"
Hindi siya agad nakasagot. Umasa ako. Tell me you are courting me! Chos! Biro ko sa isip ko.
"I am a friend. So let me take care of you. I will leave this phone here. Call me if you need anything, just anything. Call me anytime! I need to leave now."
Hindi na ako nakasagot o nakapagtanong sa bisita kong gwapo. Lumapit siya sa kama ko. Gosh! Ang bangooo! Ang bango bango! Iniwan niya ang cellphone sa kama ko at agad nang umalis.
Wow! Iphone. Ang yaman! Ang alam ko hindi pa ako nakakahawak ng ganitong cellphone pero baka nakahawak na, hindi ko lang maalala. Binuksan ko agad at ang tanging nasa contacts ay ang nakapangalan na CALL ME 09156999139.
Hmmm... Tawagan ko kaya.
"Hello."
"Yes? Do you need anything?"
"Wala naman. Nakalimutan kong itanong yung pangalan mo."
"Ed. Ed Barber."
"Ahh. Okay, Ed. Bye!"
Ayokong maging easy girl kaya yon lang muna ang naging usapan namin. Pero ako pa rin ang unang tumawag. Waley!
Ilang oras na ang dumaan at wala pa ring ibang bisitang dumating. Hindi ko na masyadong inalala. Hindi ko naman alam kung nasaan at sino-sino sila. Hanggang sa may kumatok at pumasok agad.
"Nurse, may bumisita sa akin kanina. Nakita mo ba siya mula sa station niyo?"
"Opo."
"Sino siya?"
"Isa po siya sa naghatid sa 'yo dito sa ospital."
"Ahh."
Napaisip na naman ako. Confirmed! Baka kaibigan ko nga siya. Sana bumalik siya ngayong gabi.
Sa dami ng gamot na ini-inject sa akin inantok na naman ako. Gusto ko sanang tumayo pero ang sakit talaga ng katawan ko. Sa pagpikit ng aking mga mata, narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Sure akong hindi nurse dahil hindi man lang kumatok. Nagkunwari akong tulog.
Oh my! Yong amoy na yan! Alam kong amoy na yan! Bumalik siya!
Sino ba si Ed sa buhay ni May?
ABANGAN...
BINABASA MO ANG
That Should Be Me| Completed
FanfictionJust another Mayward Story. Sino ba si ED Barber sa buhay ni MAY na may Amnesia? Soon to be THE MOVIE ? :D Why not! :D