Chapter 36

1.2K 72 9
                                    

Tila nanghina ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa mesa at napaupo. "Bakit ganito? Kung kailan handa na akong magbigay, kung kailan pinili ko nang magmahal tsaka pa magkakaganito."

First time kong nakitang umiyak si Nanay Tere. "Yan ang buhay, Anak, hindi lahat ng pangarap mo magkakatotoo, hindi lahat ng plano magagawa mo pero ang magmahal ng walang kapalit ang tanging magbibigay ng lakas ng loob sa 'yo."

"Hindi po. Hindi po ninyo alam kung gaano kahirap at kasakit ito. Hindi ko pa kayang mawala si Ed."

Biglang natahimik si Nanay. "Alam ko, May, alam na alam ko ang pakiramdam ng magmahal ng walang kapalit. Ramdam ko ang masaktan ng patago at alam ko ang pakiramdam na kahit 'di mo na kaya pinapakita mong kaya mo kasi ikaw ang nagbibigay ng lakas sa taong mahal mo."

Humagulgol ako sa aking kinauupuan. "Bakit ho, Nay? Nawalan po ba kayo ng minamahal?"

"Hindi naman. Palagi ko nga siyang kasama. Palagi ko siyang nakikita. Hindi nga lang niya alam. Anak ko si Ed, May. Anak ko siya. Nabuntis ako ng kinilala niyang Lolo."

Nagulat ako. Gulat na gulat. Ngayon hindi ko alam kung gaano kasakit para sa kanya ang pangyayaring ito. Mas mahirap yata ang pinagdadaanan niya. Nanay siya ng taong inaalagaan niya pero hindi nasusuklian ang pagmamahal niya.

"Paano ho ninyo kinakaya?" Lumapit ako kay Nanay at niyakap siya.

"Hindi naman 'to ang pinakamahirap kong nadaanan, May. Ang pinakamahirap ay yong nabuntis ako ni Don Julio at pinili kong manatili kasi alam kong mas maganda ang buhay ni Ed kasama siya. Magpakatatag ka lang, Anak, at ipagdasal mo na hindi na mapapahamak si Ed. Sino ba naman nakakaalam kung anong mangyayari bukas. Ang tanging magagawa natin ay magmahal habang may oras pa, habang may panahon pa. Kasi 'di naman natin alam kailan sila mawawala."

Tama si Nanay, sino ba naman ang may alam kung kailan kukunin ang mahal natin sa buhay. Ang iba nga nawawalan ng minamahal kahit walang sakit, ang iba nawawalan dahil sa aksidente, sunog at ang iba ay nawala lang habang natutulog.

Sakim ang buhay dito sa mundo. Hindi mo alam ang mangyayari bukas at walang kasiguraduhan dito. Ang tanging meron tayo ay ang ngayon, kung ano at sino meron tayo , at hawak natin ang desisyon kung ano ang gagawin natin sa lahat ng meron tayo ngayon.

Biglang may kumatok sa kwarto, "Ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir Ed." Sabi ng nurse.

"Tara, Nay, samahan mo 'ko."

Abangan...

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon