Chapter 3

1.9K 96 6
                                    

Araw na ng aking paglabas. Guess what? Wala pa rin akong nakikitang kapamilya ko. Naisip ko, siguro ulila ako o baka naman nasa abroad ang pamilya ko. Mabuti na rin na hindi na nila malaman 'to. Okay naman ako, ang tanging problema ko lang ay kung saan ako pupunta sa paglabas ko.

"Good morning, Ma'am May!" Ayaw ko mang tawagin niya ako ng Ma'am, alam kong mapapagalitan siya ni Ed kaya hahayaan ko nalang sa tuwing kasama namin si Ed.

          "Nanay Tere, wala naman po si Ed eh! Huwag mo na akong i-Ma'am." Paalala ko sa kanya. Itinabi ni Nanay Tere ang dalawang malalaking itim na luggage. "Para saan po yan, Nay?"

           "Para sa inyong paglabas po. Sabi ni Sir sa bahay ka muna magpapahinga habang hindi pa niya nakokontak ang pamilya mo at habang wala ka pa pong naaalala." Agad na naghanda si Nanay Tere sa aming paglabas. Nanay ko po! Baka masanay ako sa ganito!

          "Si Ed po, Nay?" Alam kong busy ang taong 'yon. Hindi naman talaga ako umaasa na mabibigyan niya ako ng oras niya. Nakakapagtaka nga lang kung bakit ganyan siya. Bakit ba niya ako inaalala? Sino ba siya?

          "Nasa Singapore po. May business meeting raw po. Inutusan lang kami ni Dan na sunduin ka at alagaan sa bahay. Huwag po kayong mag-alala masaya doon." Hindi ko pa naitatanong alam kong kasamahan rin niya si Dan na nagtatrabaho para kay Ed.

          Napaisip na naman ako. Ang swerte ko naman na may taong inaalala ako, lalo na't wala ang pamilya ko. Kaya naman sumunod nalang ako kay Nanay Tere.

         Sa aming paglabas hindi kami hinarang ng guard. Haay! Salamat bayad na pala. Hindi lang pala Salamat, dok!, Salamat, Ed! rin ang title ng kabanatang ito ng buhay ko.

          Nakatayo lang kami sa tapat ng ospital nang may biglang huminto na black BMW sa harapan namin ni Nanay Tere. "Nay, ang yayaman pala ng mga pasyente dito."

          "Tara na, Ma'am, ay May pala." Nagulat man ako, sumunod ako kay Nanay Tere. Agad na lumabas ang isang lalaki mula sa driver's seat. Hula ko siya si Dan, 'yong binanggit ni Nanay kanina. Medyo may edad na siya, nakangiti at parang masayahin pa.

          "Hi Ma'am, masaya akong nakalabas na po kayo. Salamat sa Panginoon!" Agad na kinuha niya ang dalawang malalaking maleta, inilagay sa likuran ng kotse at mabilis na binuksan ang pintuan para sa amin ni Nanay.

           "Salamat po, Sir." Agad na akong pumasok.

           "Naku! Huwag po ninyo akong tawaging Sir, Tatay Dan nalang. Yan rin ang tawag ni Sir Ed sa akin." Agad na paliwanag niya.

           Nakakatuwang malaman na kahit ang bossy ni Ed, nanay at tatay ang tawag niya sa kanila. Alam kong mabuting tao talaga siya. Ang swerte rin ni Ed sa mga taong 'to. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa trabaho at pagiging mabuting tao kahit wala si Ed.

          Pumasok kami sa isang mataas na building at agad na nagpark si Tatay Dan. Inalalayan naman ako ni Nanay sa aking paglabas at nagtungo na kami sa elevator. Pumasok kami at agad namang sumunod si Tatay Dan na dala-dala ang dalawang maleta na may mga gamit ko. Nagulat ako nang makita ko na 60th flr pala ang aakyatin namin.

          "Papuntang opisina ba 'to, Nay?" Wala talaga akong ideya sa lugar na 'to. Tanging tiwala lang ang pinanghahawakan ko.

          Napangiti si Nanay. "Paakyat po tayo sa bahay ni Sir Ed."

           What? Ang bahay niya ay nasa building na 'to? Naisip ko rin, bakit pa nga ba ako magugulat? Si Ed na bossy; si Ed na nagbigay ng iPhone 7; si Ed na may-ari ng mall; si Ed na may BMW. Ano pa ba ang malalaman ko tungkol sa kanya? Sino ba siya sa buhay ko?

ABANGAN...

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon