'Di ko na napigilan si Ed. Natuloy na nga ang hiling niya - ang "gawa baby" na sinasabi niya. (Use your imagination nalang mga bes! Hahaha!)
Ang bilis nga ng oras eh. 'Di ko na namalayan ang mahabang byahe namin. Nang matapos ang gawa-baby-moves namin ni Ed, bumalik kami sa taas ng yate. Malayo layo pa kami, kitang kita ko na ang isla. Kumikintab ang tubig sa dagat - shining bright like diamonds! Mapapakanta ka talaga sa ganda.
Tanging puno ng niyog lang ang nakikita ko mula sa malayo. Naisip ko, siguro may cottage sa likuran o maliit na bahay para makapagpahinga kami pero wala pa rin akong nakikita.
Bumaba na kami sa yate at naglakad, dumaan kami sa may mga puno ng niyog - ang dami! Hanggang sa parang gubat na ang dinaanan namin.
Sa kabilang bahagi ng isla ko nakita ang villa na nasa gitna ng dagat. Grabe bai! Ang ganda!
"Welcome home, Love!" Sabay halik sa noo mula kay Ed.
"Diyan tayo maglalakad papunta ng villa?" Di ko na napansin si Ed, nakatutok na ako sa daanan na gawa sa kahoy at walang hawakan. Isang tao lang yata ang kasya at sa tingin ko di pwedeng sabay kami ni Ed na magkahawak ang kamay papunta sa napakagandang villa sa gitna ng dagat. "Nakakatakot. Paano kung mahulog ako, di pa naman ako marunong lumangoy."
"Those who fear downfall will never get to see the little heaven on the other end." Tinuro pa niya ang villa sa gitna ng dagat. "Go and enjoy the journey, Love!"
Sa ilang saglit, nakatutok ako sa daanang 'yon. Kailangan talaga ng focus at balance. Agad ko namang inumpisahan ang mga hakbang ko. Struggle is real pero gusto kong makarating at makita ang villa sa gitna ng dagat kasama si Ed kaya ginalingan ko nalang.
Nasa gitna na ako ng daanan papunta sa villa ng maalala ko si Ed. Pag lingon ko nasa tabing dagat pa rin siya, nakangitin at pinapanood lang ang mga hakbang ko. "Halika na, Mahal! Nasa gitna na ako o!"
Ngumiti lang siya. Tinitigan ko siya mula sa malayo at sa tingin ko parang hinihingal siya. "Mahal?" 'Di ko na inalis ang paningin ko sa asawa ko. Nakangiti pa rin siya, alam kong bumubulong ng 'I love you' ang mga labi niya - paulit-ulit pa.
"Mahal, sandali babalik ako." Pabalik pa lang ako sa kanya, ramdam ko na parang ang layo layo na niya. At parang miss na miss ko siya, di ko na mapigilan ang mga luha ko, sadyang dumaloy nalang sa mga pisngi ko.
Hanggang sa nakita kong bumagsak ang buong katawan niya sa buhangin. "Mahaaaaallllllllllllll!!!"
Sabay namang dumating ang Kapitan ng yate na dala-dala ang bagahe namin ni Ed. Agad siyang napatakbo sa speedboat na naroon lang rin sa tabing dagat. Hulog ng langit rin ang mga taong kasama-sama natin.
"Mahal, kapit lang! Kumapit ka naman o!" Paulit ulit kong nasabi.
Narinig kong may kausap ang Kapitan sa cellphone niya. "Ma'am Teresa, patawag ng ambulance. Inatake po ang anak ninyo." Nagulat ako na alam niya ang sekreto ni Nanay Tere tungkol kay Ed pero 'di na ako nagtanong pa.
Dumating kami sa bahay at may ambulance na kaya agad kaming nakapunta sa ospital at agad na naipasok si Ed sa operating room. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Sa sobrang pagod ko yata ay nakatulog ako.
"Ma'am, kamusta po ang pakiramdam ninyo? Nahimatay po kayo." Sabi ng nurse pagkagising ko. "Mabuti naman at okay na po kayo."
"Ang asawa ko?" Tanging nasa isip ko.
"Ah. Eh. Tara, Ma'am, sasamahan ko nalang po kayo para makita mo siya."
Pumunta kami sa isang kwarto at naroon natutulog na si Ed at nandoon pa ang doktor niya. "Congratulations, your husband has a new heart. Finally we found a compatible donor. I'll see you later."
Napaiyak na ako. Alam ko na agad kung saan nanggaling ang puso. Alam ko na kung kanino. "Nanay Tere, salamat po sa pagmamahal na walang kapalit at katumbas para kay Ed." Ang tanging naibulong ko.
Nagising naman si Ed. "Mahal, ang saya kong makita kang gising na."
"I missed you." Tanging nasabi ni Ed.
Naroon pa ang nurse na sumama sa akin at napatingin ako sa kanya. "Nurse, okay na ako baka may gagawin ka pang iba."
"Kasi po nakalimutan ko pong sabihin sa inyo na kahapon po nang mahimatay kayo may ginawa kaming mga test. And okay naman po ang baby ninyo." Balita ng nurse.
"We're having a baby?" Nauna pang magtanong si Ed.
"Hindi niyo pa po alam? 12 weeks pregnant po si Ma'am. Sige po." Masayang umalis ang nurse.
"Wow! Can I name him Eduardo Rafael Barber?" Tanong ni Ed habang masaya siyanb nakatitig sa akin.
"Paano kung babae?" Tanong ko naman sa kanya.
"I'll name her Nicolla Dale Barber."
-THE END-
Requested Continuation:
"Mahal, if babae we will name her Teresa Dale Barber." Suggestion ko naman sa kanya.
"Like Nanay Teresa?" Kita ko sa mata niya ang pagkagulat sa sinabi kong pangalan.
"She gave her own heart to you."
Napapikit si Ed. "Why, Nanay, why?" Naiyak si Ed sa nasabi kong balita. "I don't deserve this."
"Siguro binigay niya sa 'yo ang puso niya dahil ikaw rin ang laman nito." Sabay turo ko sa puso niya. "Siya kasi ang totoong nanay mo, Mahal."
"I knew she was special, now I know why." Ramdam ko ang lungkot ni Ed. Ang tanging magagawa ko lang ay samahan siya.
3 months later...
"Congratulations, Mr. and Mrs. Barber!" Panimula ng doktor.
"Is it a girl? Is it a girl?" Excited si Ed.
"Yes, a girl... and a boy." Sagot ng doktor.
"Ano? Ahahaha Twins 'tong dinadala ko?" Natawa nalang ako.
"Teresa Dale and Eduardo Rafael, Daddy can't wait to see you." ♥️
BINABASA MO ANG
That Should Be Me| Completed
FanfictionJust another Mayward Story. Sino ba si ED Barber sa buhay ni MAY na may Amnesia? Soon to be THE MOVIE ? :D Why not! :D