Chapter 23

1.2K 102 44
                                    

Konti lang ang tao sa venue pagdating namin. Siguro mga 50 o 60 lang. Black party ang theme at ang gara nga ng mga suot ng bawat isa. At feeling ko late na kami ni Ed.

Nagsalita na ang Emcee sa stage. "Tonight is a very special night for we will all look back and remember a memorable day for a young couple."

Nako! Anniversary yata ang event na ito! Exciting! Hindi ko na inisip si Ed na umupo rin sa tabi ko. Excited talaga ako sa mga ganitong events kaya nakafocus ang atensyon ko sa screen.

[Video on Screen]

Wise men say...
....only fools rush in ❤️

Ashley: Our lady celebrant tonight is a good friend of mine. Palagi ko siyang kasama sa university dati, sabay kaming nag-internship hanggang sa nakilala namin sabay ang boss namin na naging best-friend at love of her life.

Marc: I am a close friend ng guy celebrant natin. He's moody but romantic. He's always busy but when it comes to wifey, he would leave everything for her.

Kisses: Ako naman ang bestfriend ng lady celebrant. Miss na miss ko na siya. Sana makasama ko na siya ulit tulad ng dati. Before her wedding day I told her, "This time, it will last forever."

Nanay: "Anak, Mama ni, I just want you to know, Nak, na we are here lang even though you feel alone this time. We only want the best for you and we know you are in good hands and you are safe sab wherever you go cos someone is watching over you."

Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko man kilala ang mag-asawa pero sobrang feel na feel ko ang sinabi ng mga tao sa video. Hindi ko nga mapigilang maluha habang pinapanood ko sila. Feeling ko kakilala ko sila. Feeling celebrant ako dito, bes!

[Video on Screen]

(A bride walking down the aisle from afar.)

Marco: It was a secret wedding in Baguio City.
Kisses: Only a very few friends went and of course their families.
Ashley: They decided to keep their wedding a secret because...
Kisses: Both of them had a traumatic and controversial break-up in the past.
Marc: But they were in love. So we wished them to live happily ever after. Until...
Ashley: Someone from the past came back. And...

(A picture from the accident.)

Sumakit ang ulo ko bigla. Bakit ganyan yong video? Parang storytelling wala namang pangalan na binabanggit. Sino ba kasi yang lady at guy celebrant? Ang sakit tuloy sa ulo eh!

"Ed, labas muna tayo." Napahawak ako kay Ed. Hanggang sa....

***

Nahimatay si May na yakap yakap ni Ed. Lumapit agad ang doktor ni May na nandoon rin pala sa event. Agad namang nagpatawag ng ambulance at doon agad na isinakay si May.

"I knew this is a bad decision." Sabi ni Ed sa doktor sa loob ng ambulance. Habang may mga nurse na nakatutok kay May.

"Calm down. I understand but I know you did your best to make her remember you. Still, she can only remember the time before she met you." Paliwanag ng doktor.

"She remembers the past, I know! That should be me! But what can I do? I need my wife back! I want her well but I don't want to tell her everything and force her to remember. I can only wish she would remember me and remember US!" Hiling ni Ed sa doktor.

"Mr. Barber, we all need to be patient."

"And what if she will decide to go back to her past and leave?" Tila frustrated na rin si Ed bilang asawa ni May na 'di nakakaalala sa kanya.

"She will remember you. If her mind won't do it, her heart will." Paliwanag ng doktor kay Ed.

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon