Chapter 12

1.5K 86 13
                                    

          Sa buhay, totoo ngang hindi natin nakukuha ang lahat. Hindi ako sure sa kwento ng buhay ko pero kay Ed, nasa kanya na ang lahat-magandang bahay, magagarang kotse, mall, ospital at kung ano-ano pa! Maganda pakinggan pero habang nakikilala ko siya, nagegets ko na ang buhay ay hindi lang tungkol sa pera, kung sino ka at kung anong meron ka.

        "Bakit kayo nagkahiwalay?" Tanong ko. Tila nawala na ang galit ko. Alam kong hindi makakatulong ang pagsigaw at panginginis ko kay Ed para malaman ko ang totoo.

         "As I've said, she became controlling, very controlling." Paliwanag ni Ed. "Whenever I ask her to give me space, she would cry and sometimes yell at me, asking me if I still love her. The night of the accident, she wanted to kill herself because I wanted space again. But Kaye Laurel Sy, one of the grandchildren of Henry Sy, was just inlove, I couldn't blame her."

        "But too much love kills kasi. Ayan! Tingnan mo, ako ang muntikan nang ma-kill!" Hindi ko na matingnan sa mata si Ed. Ramdam ko na mahal niya rin si K.

         Grabe bai! Ang yayaman nila! Si Ed may-ari ng mall, si K naman apo ng may-ari ng SM. Ako kaya? Malay ko, may-ari rin pala ako. Pwede na rin may-ari ng puso ng may mall. Hahaha! Buang!

          Sa aming seryosong usapan hindi ko namalayan na papasok na kami ng isang malaking gate pero hindi sa condo kung saan ako nakitira.

         "Saan to?" Natarantang tanong ko.

         "My house. I mean my other house." Napangiti si Ed nang makita niya ang mukha ko na gulat na gulat.

          Minsan nakakatuwa rin malaman na isa ako sa rason ng ngiti niya. Minsan ko lang kasi nakikita sa mukha niya. Ang mahal ng ngiti bes!

          Mula sa gate malayo layo pa ang nilakbay namin. "Malayo pa ang bahay mo mula sa gate?"

          "Almost there." Matipid na sagot niya. Naghintay lang ako kung may sasabihin pa siya. "I only come here when I want a one-week off from work, away from the outside world."

           One week? Juicekolord! Gusto ba niya akong makasama dito for one week? Ano naman ang gagawin namin dito?

          "One week? Nandiyan rin ba sila Nanay at Tatay?" Pasimpleng tanong ko.

          "Nope. Come! We're here!"

           Hagdanan lang ang nakikita ko mula sa parking space. Tahimik naming inakyat ang hagdanan. Sa pintuan pa lang alam kong wala na talagang ibang tao. Nakalock eh, tapos nakapatay ang mga ilaw.

          Ed ang laki naman ng bahay na 'to. Nakakatakot. Na! Mura'g modern haunted house jud!

          "You're afraid of ghosts? They aren't real. Mas matakot ka sa tao cos tao like me can eat you alive."

          Nakakagulat ang pagtatagalog ni Ed pero mas nakakagulat ang sinabi niya. Ano raw? He can eat me alive? Anong klaseng eat yan! Ha!?!

          "Buang ka man oy!"

          Pumasok kami ng napakagandang bahay na naman. Syempre Ed Barber ang kasama ko, hindi na ako magugulat sa sobrang ganda.

          "There are plenty of big rooms here." Sabi ni Ed. "You can choose whatever room you want, but choose wisely."

          Agad akong pumunta sa sala na may malaking glass window. "Wow! May dagat pala sa baba?" Ang bahay ni Ed ay nasa isang bangin at may dagat sa baba nito.

          "Anong sabi mo? Choose wisely sa pagpili ng kwarto? Bakit?" Hindi ko agad nagets dahil sa sobrang ganda ng nakikita ko-bilog na buwan, mga bituing kumikislap at karagatan na kumikintab.

           "I said choose wisely cos something might eat you alive." Nakakainis na biro ni Ed.

            "Ano? Multo?" Arrrggghhh!!! Nakakainis! Tinatakot niya talaga ako. "Ilan nga ulit ang kwarto dito? Saan yong sayo?"

            "That's for you to find out. Choose one room, and that will be yours for the whole week. Deal?"

           "Okay. Deal!!!" Taas noong pagsagot ko.

    

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon