Chapter 33

1.4K 88 22
                                    

Ilang oras rin akong naghintay sa labas. Naalala ko kung gaano siya ka-excited sa araw ng birthday ko. Lahat nalang ginawa niya maalala ko lang siya. Mas excited pa siyang makita ko ang yate, at inaway ko pa! 'Di man lang ako nagpasalamat.

'Di ko mapigilan ang luha ko. Asawa ko, lakasan mo ang loob mo. Kung alam ko lang. Kung nalaman ko lang ng mas maaga naalagaan ko sana siya.

Lumabas na ang doktor at agad akong lumapit. "Kamusta po si Ed? Ako po si May, asawa niya."

"We will observe him in the coming days. He has Coronary Heart Disease and we needed to undergo this heart surgery kasi ito ang kadalasang dahilan ng heart attack. Let's pray for him. I have another patient waiting. You may wait for him in his room."

Kasalanan ko 'to eh! Pinalala ko ang sitwasyon ni Ed at K. Kung 'di dahil sa akin wala sanang aksidente, walang aalahanin si Ed!

Palabas na ako ng biglang nilapitan ako ng isang nurse. "Ma'am, ikaw po ba ang watcher ni Mr. Barber? Ito po ang mga gamit ni Sir Ed."

Nasa loob ng paper bag ang white polo shirt ni Ed, pants, sapatos, watch at wallet. Bigla kong naalala ang picture sa wallet ni Ed na nakita ko.

Nang buksan ko ito wala na ang picture sa loob. Nasaan kaya?

"Excuse me po. Sino po ang nagbigay sa inyo nito? May nawawala po kasi sa wallet."

"Pera ho ba?" Magalang na tanong ng nurse.

"Picture lang naman pero importante po kasi yon."

"Ahh. Yon po ba? Before po ng operation ni Sir Ed kanina hiniling niya po na mahawakan ang picture na 'yon. Kaya pala pamilyar kayo, Ma'am, ikaw pala ang nasa picture. Sige po."

😭 Grabe bai! Kung alam ko lang, kamay ko sana ang hahawak sa 'yo. Ako sana ang nasa tabi mo.

Dumating si Nanay Tere at agad kinuha ang paper bag sa akin. "May, tara sa private room na tayo maghintay."

"Nay, bakit po 'di niya sinabi?"

"Ganyan yan, kami nga 'di namin nabalitaan ang problema niya kay Ma'am K. Di rin namin alam na nagkaroon kayo ng secret wedding."

"Nay, 'di ko man maalala si Ed pero 'di ko rin maipaliwanag ang bigat sa puso ko nang malaman kong nasa OR siya."

         "Ang pagmamahal kasi, anak, ay 'di nasusukat sa kung ano man ang naaalala mong ginawa niya o nagawa ninyong dalawa. Hindi rin ito nasusukat sa kung ano ang nararamdaman mo kahapon, ngayon o mamaya." Pahayag ni Nanay Tere habang nasa hallway kami papunta sa private room ni Ed.

         "Pinipilit kong hanapin yong pagmamahal ko kay Ed, Nay. Ang alam ko lang, gusto kong mahalin at alagaan siya."

         "Huwag mong ipilit, Anak. Piliin mo. Piliin mong samahan siya. Gawin mo. Dahil ang pagmamahal ay desisyon yan. Araw araw kailangan mong pagdesisyunan yan. Kahit mahirap, piliin mong magmahal. Kahit masakit, piliin mong magmahal. Kahit malayo, piliin mong magmahal."

        "Kaya pala, Nay, ang pangako sa kasal ay 'For better and for worse.' dahil hindi palaging masaya, hindi palaging maganda ang buhay ng mag-asawa at tama ho kayo, laging piliin na mahalin ang taong nasa puso mo."

Abangan...

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon