Chapter 18

1.2K 81 30
                                    

Palabas na ako ng ospital at wala na akong mapuntahan. Hindi ko na alam saan pupunta, pati si Ed tinaboy ko na!

Handa na sana akong mamulubi at matulog sa tabi ng daan nang biglang dumating si Nurse Jane.

"Ma'am May!" Sigaw niya mula pa sa malayo. "Nako po! Masaya po akong makita ka."

"Ako rin. Duty mo na?"

"Ahh. Ehh. Oo." Tila nagdadalawang isip na sagot niya. "Paalis na ho kayo?"

"Hindi ko alam eh. Bumalik ba si Tanner dito? Wala kasi akong matuluyan. Pero bahala na!" Kahit anong galit ko siguro kay Tanner, balak ko nalang rin sumama. Wala na akong ibang choice eh! Kung asawa ko talaga siya, siguro naman tatanggapin niya ako.

"Ay! Tamang-tama po na dito kayo pumunta. Meron pong guest room dito sa ospital. Pwede po kayong mag-stay muna doon. Tara po."

Agad na hinawakan ni Nurse Jane ang mga balikat ko na parang gusto niya na akong kaladkarin pabalik ng ospital sa sobrang saya niya.

Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang Executive Level.

Sumunod nalang rin ako, desperada eh. Walang nagmamahal, kung saan-saan nalang napupunta at napapasama. Hirap ng ganito bes!

Nagulat ako nang buksan niya ang pintuan. "Ang ganda naman dito! Parang condo!"

"Breakfast, Lunch, Snacks and Dinner time po sila naghahatid ng pagkain. Parang pasyente rin kayo dito pero mas espesyal lang."

"May babayaran ba ako dito?" Unang tanong ko. Syempre wala akong pera.

"Wala po. Wala po. Kung pwede nga rin ako dito, nako po, matagal na siguro akong tumira dito."

"Pwede mo naman akong samahan kung gusto mo." Pag-imbita ko kay Nurse Jane.

"Nako po, Ma'am, may pamilya po akong naghihintay sa akin sa bahay. Pero salamat po."

"Aray! Sakit naman non! Sana ako rin. Sana may nagmamahal at naghihintay sa akin."

"Ah. Eh. Pasensya po, Ma'am. Sige po, oras ko na palang magtrabaho. Kapag may kailangan po kayo, dial 04 lang po at hanapin niyo ako sa Station 4. Sige po."

"Salamat ha. Hulog ka po ng langit sa akin." Masaya ako na malungkot pa rin sa nangyari. Biruin mo nakatira pa rin ako sa building ng inaway kong tao.

Ed, ayokong maging pabigat pero buhay ko to eh! May sariling buhay ka rin. May asawa ako, ikaw maganda na ang buhay mo. Kung pwede ko lang kausapin si Ed siguro yan ang masasabi ko.

Isang oras pa yata ang nakalipas nang may kumatok sa pintuan.

Kinakabahan ako baka sisingilin ako ng kung ano-ano. Agad ko namang binuksan.

"Delivery for Mrs. May." Sabi ng lalaking nakaitim na uniporme.

"Grabe siya! Misis na misis talaga. Sige, salamat, Kuya." Ang ganda ganda ng bulaklak. White roses! Ang dami pa! Dalawang dosena or tatlo yata! Grabe bai! At may card pang kasama.

"Think of love. Choose forgiveness.

Sleep tight tonight. I'll date you tomorrow night."

Parang kilala ko na 'to! Malaki yata ang kasalanan nito eh. Puro forgiveness ang alam na quotes. Date daw, wala namang nakasulat kung anong oras at saan. Sana tama ang hula ko.

ABANGAN...

P.S. Add me sa Instagram po @ Laraslittlestories

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon