Umakyat man si Ed, ipinagpatuloy ko nang mag-isa ang pagkain na inihanda ni Nanay Tere. I don't have a choice, masungit ang may-ari ng bahay pero okay nalang rin dahil may puso rin naman at naisipan na kupkupin ako.
"Naku! Ma'am May, pagpasensyahan mo na ha? Baka pagod lang sa byahe." Agad na paghingi ng paumanhin ni Nanay sa asal na ipinakita ni Ed sa akin.
"Huwag na po ninyo akong tawaging Ma'am, wala na po si Ed." Ang paulit-ulit kong paalala kay Nanay Tere.
Sa isip ko lang, 'Sa barangay nalang po kayo magpaliwanag, Nay! Kahit galing sa malayong byahe o hindi ganyan na po talaga ang ugali ng alaga ninyo.' Dahil wala akong maalala sa pinagdaanan ko, isa si Ed sa nagbibigay ng aral sa buhay ko ngayon.
Lesson in Life no. 1: Patience. Give everyone the benefit of the doubt. In other words, always give a person a chance because we really don't know what's on the person's mind. The first person on the list: ED BARBER.
Lesson in Life no. 2: Kindness. Always choose to be kind. And if a person is rude towards you, show them kindness. At kapag sobra na, aba, patulan na! Joke lang! Balikan ang Lesson in Life no. 1.
Umalis na si Nanay Tere sa bar table. Sa sobrang aga kong nagising naisipan kong bumalik nalang sa kwarto para makapagpahinga. Nakakaantok palang mag-isa.
Ang tahimik ng bahay ni Ed. Sa pagpasok ko sa kwarto, mas lalong tumahimik. Naisipan kong magpatogtog ng music. Hinanap ko ang iPhone 7 na bigay niya at ang earphones nito.
Call me, baby, if you need a friend. I just wanna give you love. C'mon, c'mon, c'mon. Reaching out to you, so take a chance. No matter where you go you know you're not alone. I'm only one call away, I'll be there to save the day. Superman got nothing on me, I'm only one call away.
Hindi ko alam kung bakit nakakanta ko sa tamang tono ang kantang ito. Siguro in the deepest part of my brain may naaalala pa rin ako. Hinayaan ko lang mag-play ang playlist na nabuksan ko habang nakahiga lang sa kama.
Bigla ko nalang naramdaman ang bigat bigat ng katawan ko. Minulat ko ang mga mata ko, nakatulog pala ako, at ang tanging nakikita ko ay mukha lang ni Ed at sa likuran niya ay ang napakaliwanag na araw mula sa bintana. What? Shit! Hindi ako makakibo. Kayakap ko si Ed. Hindi maaari, panaginip lang 'to! "Ahhhhhhhhh!"
"Why are you here?" Agad na napatayo si Ed. Half-naked. Oh em gee! Breakfast-in-bed ba ito? Totoo nga, hindi ito isang panaginip!
Mabuti nalang at agad akong napapikit... medyo napapikit lang pala dahil kitang-kita ko pa siya. Hindi ako makatayo. Hindi ako makakibo. At hindi na ako makasagot. Pinilit kong ngumiti.
Dahan-dahan akong umupo sa kama, "Good morning, Ed!" Agad kong naisip na baka sobrang pagod siya kaya nakalimutan niyang doon ako nakatira sa bahay niya at sa kwarto niya ako natutulog.
"What are you doing in my room?" Inulit pa niya ang tanong.
Hindi pa ba siya nagigising? Hindi ba niya alam na siya ang nagpatira sa akin dito sa... Nang lumingon na ako sa kaliwa't kanan ng kwarto tsaka ko na-realize na ako ang nasa maling kwarto. Juicekolord! Agad akong napatayo at napatakbo palabas ng kwarto.
Sa sobrang hiya parang gusto kong magka-amnesia ulit. Shet! Juicekolord! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Mabuti nalang at sa kabilang kwarto lang ang kwarto ko na kwarto talaga ni Ed. Ang gulo. Ang gulo-gulo ng utak at buhay ko!
Nasa pintuan lang ako nakatayo, naninigas pa, sa aking pagpasok ng kwarto pilit kong inalala kung bakit doon ako napunta sa kwarto niya. Errrr!
Bigla nalang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko na kwarto talaga ni Ed. Ahhh! Natatarantang binuksan ko ang pintuan. Sa aking pagbukas, si Ed na walang t-shirt, si Ed na bagong gising, si Ed na mabango pa rin ang nakatayo sa harapan ko. Juicekolord! Ako yata ang mawawalan ng malay nito.
ABANGAN...
Comment kayo pls. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
BINABASA MO ANG
That Should Be Me| Completed
FanfictionJust another Mayward Story. Sino ba si ED Barber sa buhay ni MAY na may Amnesia? Soon to be THE MOVIE ? :D Why not! :D