Chapter 4

1.7K 100 12
                                    

Tumunog na ang elevator, 60th floor na. Nakakahilo! Bumukas ang pintuan ng elevator at bumungad sa akin ang puting hallway. Ang kintab ng puting tiles sa sahig na may black accent, at puti rin ang pintura ng dingding. Black and white lang rin ang mga abstract paintings na nakalagay. Papuntang bahay ba 'to o papuntang hotel room?

Agad na lumapit si Nanay Tere sa isang malaking pintuan. May password pa bago makapasok. Napatitig ako dahil bago ito sa paningin ko. Napatingin naman si Nanay Tere sa akin, tila nagsasabi na 'Bawal tingnan ang pipindutin ko.' Awkward. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa mga paintings. Ang ganda! Ano kaya ang ibig sabihin ng mga 'yan?

Pumasok na kami sa isang napakagarang lugar. Modern, clean and manly. Grabe! Ang yaman naman!

"Welcome po sa bahay ni Sir!" Sabi ni Nanay Tere nang buksan niya ang pintuan. Agad na hinatid niya ako sa may mamahaling sofa habang si Tatay Dan ay naglaho na mula sa likuran namin. "Saglit lang, May. Feel at home ka ha."

"Salamat po, Nay." Iniwan ako ni Nanay Tere at doon ko nabigyan ng pansin ang mga bagay bagay sa bahay ni Ed.

Grabe bai! Walang picture frames ni Ed, walang family picture at walang dumi. Ang linis linis, ang kintab kintab. Parang walang nakatira. Siguro ang mga mayayaman hindi na nagagamit ang mga appliances sa bahay. Walang oras magpahinga, kumakain na sa labas at kung uuwi man ay gabi na. Haaay! What a life!

Mula sa isang pintuan malapit sa bar table, hindi ko alam kung kusina ba 'yon o display lang ba, may lumabas na isang babae na nakasuot ng white apron, walang make-up at nakangiti.

"Halu, halu!" Bati niya sa akin na napakalakas.
"Ako si Madam Laila...
Charot lang!
Ako po si Laila, cook po ako dito ni Sir Ed." Malaki pa rin ang ngiti niya.

"Hello po." Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Ayaw ko ring magtanong ng magtanong, baka magtaka pa sila.

"Anong paborito niyo pong ulam? May gusto po ba kayong kainin at ihahanda ko po para sa inyo, Ma'am May?

Kilala na naman niya ako. Nakakapagtaka nga na lahat sila ay parang kilala na ako. Pero mabuti na rin na ganito, hindi magiging boring ang buhay ko habang nandito ako. "Naku! Huwag niyo na po akong tawaging Ma'am, bisita lang po ako dito. Kahit ano po, ang importante may pagkain. Salamat."

"Enjoy your stay, May!" Masayang bumalik si Laila sa pintuan kung saan siya lumabas. Halatang masayahin lahat ng tao sa bahay, si Ed lang siguro ang hindi. Siguro masaya sila dahil hindi sila masyadong napapagod kasi walang ginagawa. Wala siguro si Ed palagi.

Mag-isa na lang akong nakaupo sa sofa nang biglang nagvibrate ang phone na bigay sa akin.

Ed Barber +63 916 699 9139
Saturday 12:45 PM
Message:
While you wait, please eat. Ask Laila. I'll be there in a short while. By the way, no news about your family. Don't worry, I'll make everything okay soon.

          The usual Ed-bossy at parang sweet. Agad na nagreply naman ako.

ME
To: Ed Barber +63 916 699 9139
Saturday 12:47 PM
Message:
Ok po. Dito po ba ako titira at matutulog sa ngayon? Tutulong nalang po ako kay Laila at Nanay Tere at sasabay na matulog sa kanila.

Ed Barber +63 916 699 9139
Saturday 12:50PM
Message:
REST. EAT. SLEEP. There's nothing much to do. Be my guest. I am going up.

Oh my! Oh my! Oh my! Parang kinagat ng langgam ang buong katawan ko. Bakit ba parang nahihiya na ako sa kanya ngayon. Dahil ba nalaman kong mayaman siya? No! Hindi dapat!

Bumukas na ang pintuan. Inasahan ko na may kasama siya, assistant o body guard, pero wala. Tumayo ako at tiningnan ko siya mata sa mata. Walang ekspresyon ang mukha niya. Tinitigan niya lang rin ako habang lumalapit siya.

"Hope you're feeling better. Let's go upstairs." Nanlaki ang mga mata ko. Kuya, huwag po! Tanging naisip ko. Hindi na ako umimik at sumunod nalang sa kanya.

Pumasok kami sa isang malaking kwarto. Black room, black bed, sheets and pillows. Sa tabi ng kama ay parang may walk-in closet, naroon ang mga puting polo niya. Alam ko na agad na kwarto niya 'yon.

Sabi niya sa pagpasok namin, "You will sleep here..."

"With you?" Nagulat ako, agad na sumambat ako.

"....alone. I will sleep somewhere else."

Haaay! Parang mas grabe pa sa aksidente ang naramdaman ko sa narinig ko. Buti nalang at ako lang pala. Nakahinga naman ako ng maayos.

Tahimik ang kwarto. Walang nagsasalita. Hinayaan lang ako ni Ed na tingnan ang paligid. "Ed?" Napatanong ako habang tinitingnan ang loob ng kwarto niya.

"You need anything?"

"Why are you doing this?" Tanong ko.

"Because I can and I want to."

Hindi na ako nakaimik. Tama nga naman, because he can. Of course, he can! Gusto ko pa sanang itanong kung sino ba siya talaga. Maswerte lang ba ako o sadyang ganyan siya sa lahat ng tao?

ABANGAN...

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon