Chapter 9

1.4K 89 11
                                    

        Hindi ko alam kung bakit pero parang gumuho ang mundo ko. Inasahan ko pa naman ang 'di pagpansin ni Ed sa Heaven na yon! Kaya heto ako, nagmukhang loser bai!

        Dahan dahan akong dumaan sa kanila papuntang hagdanan. Dahan dahan para mapansin. Dahan dahan para tawagin. Pero waley! Kahit ipakilala man lang niya sana ako para hindi na ako mapagkamalang katulong dito. Argghh!!! Wala! Parang walang dumaan eh!

        Dahan dahan pa rin akong umakyat sa hagdanan. Umaasa eh na pansinin at baka nga ako'y tawagin. Ngunit nagtanong na ang judgmental. Akala siguro wala na talaga ako.

         Dahan dahan na naman akong umupo sa hagdanan kung saan alam kong hindi nila ako makikita.

        "Who is she?" Pasimpleng tanong niya.

       "The girl from the accident."

        Wow ha! Ano ako movie? Wattpad story? Para bigyan ng title. Kalurky tong Ed ah! Nanginginig man ako sa galit pinigilan kong magreact, baka may sasabihin pa si Ed na dapat kong malaman.

        "Ah... Siya pala. Akala ko kung sino eh. So alam na niya na kayo ang nakasagasa sa kanya?"

        "Shhh!" Agad na pinatahimik ni Ed ang matabil na bunganga niya.

         Si Ed ang nakasagasa sa akin? "Kayo"? So may kasama pa siya? Bakit hindi niya sinabi?

         Sa puntong iyon, galit ako. Galit na galit. Doon ko mas naramdaman na hindi nga ako nakatira sa isang kaibigan. Nakatira ako sa isang manloloko. Agad akong bumaba sa hagdanan.

          "Ano? Ikaw ang nakasagasa sa akin? Bakit hindi mo sinabi? Para ano? Ha! Para ikaw ang Superhero ko? Ano ha?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

         Alam kong pareho silang nagulat. Wala silang nasabi. Dapat lang!

        "At ikaw, babae! Unang una, hindi ako katulong! Pangalawa, salamat at sa kapipilit mo na makuha yang lalaking 'yan nalaman ko na siya ang nagwala sa ala-ala ko!" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Grabe bai! Ang taong pilit kong iniintindi, ang taong inaasahan ko at ang taong pinagkatiwalaan ko ng buhay ko ay ang taong nagwala sa memorya ko!

        Agad akong umakyat. Pumasok ako sa loob ng kwarto, na kwarto ni Ed. Hinanap ko ang damit ko na suot suot ko noong naaksidente ako. Gusto ko 'yon lang ang susuotin ko. Agad akong nagbihis.

        Sa labas ng kwarto kumakatok na si Ed. "May, let me explain."

        Hindi ko mapigilan na humagulgol. Ang sakit pala kapag niloko ka. Mas masakit pa kapag ang taong pinagkakatiwalaan mo ang nanloko sayo.

         Kinuha ko ang cellphone at agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Sa aking pagbukas nasa tapat siya ng pintuan. Naka boxers pa rin pero wala na akong pakialam. Masarap sa mata pero Arghh! Manloloko siya! Ibinalik ko ang cellphone sa kanya at bumaba na.

       Sa aking pagbaba wala na si Heaven. Siguro nahiya sa sinabi ko o pinaalis na ni Ed.

       "Why are you doing this? I took care of you. I gave you everything!" Hindi ko alam kung nanunumbat siya o hindi. Ang alam ko lang gusto kong umalis.

       "Gave me everything? Sige, salamat. Hiyang hiya naman ako sa lahat ng ginawa mo!"

       "Can't you just forgive me? I did everything because I care. I'm sure..."

        Hindi ko na kayang patapusin pa ang mga paliwanag niya. Wow! Bossy! Forgive? Nag-sorry ka na ba? Arghh! Hindi ko talaga kaya ang ugali niya. Minsan nakakapagtaka, may tao ba talagang walang puso katulad niya?

        "Unang una, Sir! You can't demand for forgiveness. Pangalawa, hiningi ko ba ang lahat nang 'to? Memorya ko? Sige, maibabalik mo? At panghuli, you did EVERYTHING out of guilt, Sir! Not out of care!"

          Paalis na ako. Sa pintuan naroon sila Nanay Tere. Hindi ko naman kayang iwan lang sila nang ganon ganon na lang. "Nay, Tay, Ma'am, Salamat." Niyakap ako ni Nanay Tere at ramdam ko na sa ilang araw lang na pagtira ko napamahal na ako sa kanila at sila naman sa akin. Mahirap man pero kailangan ko talagang umalis. Masakit. Ang gulo ng isip ko. Kung saan man ako patungo, 'yan ay 'di ko pa alam. :'(

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon