REST. EAT. SLEEP. 'Yan lang ang paulit-ulit kong ginawa sa loob ng isang linggo. Si Ed? Nasaan si Ed? 'Yan rin ang tanong ko. Siguro nag-ibang bansa, may business meeting at kung ano-ano pa. Sino ba naman ako para magtanong, mag-alala sa kanya at magdemand ng oras niya, hindi ko nga maalala kung kaibigan ko talaga siya.
8th day ko na dito sa modernong mansyon ni Ed at maaga akong nagising. Nanaginip ako, nasa probinsya ako, lumabas raw ako mula sa isang simpleng bahay at sumakay ng jeepney sa tapat lang rin ng bahay. Nakasuot pa ako ng uniporme at papunta raw ako ng paaralan. Ang tahimik ng paligid, walang traffic, alam kong hindi sa Maynila 'yon.
Binuksan ko ang iPhone, 5:12 am pa pala. Mula sa pintuan ng kwarto ni Ed narinig ko na may nag-uusap sa baba. Dahan-dahan akong lumapit sa may hagdanan. Doon ko nalaman na si Ed at Nanay Tere pala ang nag-uusap sa baba. Nandito na siya. Bumalik na siya.
"Welcome home, Sir Ed. Kamusta ang lakad mo?" Tanong ni Nanay Tere sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Ed. Sinilip ko mula sa itaas, hinubad niya pala ang black leather jacket niya at naka-white t-shirt nalang siya. "Okay po." Tanging sagot niya.
"Malamig ba sa America?" Patuloy na pagtatanong ni Nanay Tere habang nagluluto ng pancake sa harapan ni Ed doon sa bar table malapit sa kusina. Hindi ko narinig ang sagot ni Ed, siguro tumango o umiling lang siya. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa. May nawala man, may babalik din."
Nawala? Babalik? Ano ba ang pinag-uusapan nila? Sino ang nawala?
"Nanay, don't start. I will never recover from this." Recover? Ano bang nangyayari sa kanya? Kaibigan ko ba talaga siya? Bakit hindi niya masabi sa akin ang problema niya? Sinilip ko ulit si Ed mula sa itaas. Halatang malungkot siya, o sadyang pagod lang mula sa byahe. Nakayuko siya habang hawak-hawak ang kapeng inihanda ni Nanay para sa kanya. Pero ibang-iba siya habang kausap si Nanay Tere-magalang, mahinahon at parang mag-ina ang pag-uusap ng dalawa.
Dahan-dahan akong bumaba. Ayaw ko sanang putulin ang pag-uusap ng dalawa.
"Good morning, Ma'am May!" Bati ni Nanay.
Nandito na nga si Ed, may dugtong na Ma'am na naman ang pangalan ko. "Good morning, po! Good morning, Ed!" Bati ko rin sa kanila.
"How are you feeling? Come. Join me. Let's Eat."
Bossy kaagad? Bakit ba ganyan siya? Bakit biglang nag-iiba kapag ako ang kausap niya? Hmmm... Napaisip tuloy ako, hindi kaya nagtatrabaho ako para sa kanya? Assistant o baka naman sekretarya. Ewan ko, bahala na! Sana hindi nag-aalala ang pamilya ko at hindi pa niya mahanap. Sana rin magtagal ako dito. Makikilala rin kita, Ed Barber!
"Better. Salamat pala sa pagpapatira sa akin." Hindi na ako nagpaalala sa paghahanap ng pamilya ko. Hindi naman ako hinahanap, siguro hindi nakarating sa kanila ang masamang balita tungkol sa aksidenteng naranasan ko. Mabuti na rin kung ganon.
Tumabi ako sa kanya. Ngayon, gusto ko nang mas makilala siya. Sino ba ang nawala sa kanya? Sino ang dumating? Bakit hindi siya makakarecover?
"By the way, Ed, nasabi ng nurse sa akin na may kaibigan akong babae na kasabay sa ospital. Kakilala mo rin ba? Nasaan na?" Gusto ko sanang makipag-usap sa kanya, 'yong hahaba sana ang pag-uusap namin. Sino ba naman ako para magdemand. I guess, it's true, trust should be earned.
"She's fine. She's gone, I mean, she's not in the Philippines anymore. Continue eating. I need to go." Agad na umalis si Ed. Halatang hindi siya komportable na kausap ako. Halata rin na hindi kami magkaibigan. Sino ba talaga ako sa buhay niya? Bakit ba nandito ako sa bahay niya?
So, wala sa Pilipinas ang isa pang "kaibigan" ko na nabanggit ng nurse. Ang yaman naman nila, nakakalabas agad ng bansa. Kaibigan ko ba talaga sila? Ed Barber, sino ka ba talaga?
COMMENT YOUR THOUGHTS, PLS. :)
ABANGAN...
BINABASA MO ANG
That Should Be Me| Completed
FanfictionJust another Mayward Story. Sino ba si ED Barber sa buhay ni MAY na may Amnesia? Soon to be THE MOVIE ? :D Why not! :D