Chapter 32

1.3K 79 11
                                    

    Unang dumating si Mary at nagpakilala siyang Secretary.
  "Welcome back, Mrs. Barber." Bati niya.
Hanggang sa sunod sunod na silang dumating. Nagulat pa ako sa dalawang bakla na may dalang bouquet ng roses at balloons. May nagdala rin ng pagkain.

"Ma'am, ang saya po namin at bumalik na kayo dito at nakakaalala na po pala kayo."

"Wala pa rin akong naaalala. Hindi nga ako makapaniwala na ako pala ang asawa niya." Paliwanag ko sa harapan nila.

        "Utang ko sa inyo, Ma'am, 'di niyo rin naaalala?" Hindi ako sure kung biro lang ba yon ng bakla o may halong katotohanan na.

        "Magbayad ka! Haha. Tara na nga! Kainin na natin yang mga dala ninyo. Salamat. Salamat."

"Hay nako! Honeymoon part 2 is coming!" Biro pa ng isa.

Lunch na at di pa dumadating si Ed. Hindi na ako mapakali. Naisip ko magtanong kay Mary, ang Secretary ni Ed, kung ano ba ang appointment niya sa umaga.

      "Ang sabi po niya, Ma'am, may doctor's appointment. Actually 2-3 days po ang off niya." Nag-alala ako sa sinabi ni Mary. Bakit 'di man lang niya ako sinama? Bakit 'di man lang niya ako sinabihan?

      Tumawag ako kay Nanay, "Nay, bakit tatlong araw po ang off ni Ed."

      "Ah. Eh. May, punta ka nalang kaya dito ospital, ayaw ni Ed pero alam kong ikaw lang rin magpapalakas ng loob niya." Sa tunog palang ni Nanay alam ko nang wala siyang balak na sabihin sa akin. Sekreto ba 'to? Bakit nila tinatago?

      Agad akong umalis at nagpunta sa ospital. Agad akong nagtanong sa in-charge ng Information Center.

      "Operating Room 305 po si Sir Ed ngayon." Sagot ng in-charge.

       "Operating room? Bakit?" Natatarantang tanong ko.

       "No more information, Ma'am."

Nagmadali akong umakyat. Sana naman at papapasukin ako sa Operating Room.

"Nurse, I'm May. I'm the wife of Ed Barber. Can I go in?"

"Sure, Ma'am. But this is just the hallway. You may stay outside ng O.R. 305. And wait for the doctor nalang po."

Mas lalo akong kinabahan. Hindi na ako mapakali at nagtanong na ako. "Miss ano po pala ang ginagawa sa loob?"

"Heart check-up and a possible operation raw po."

Ano? Bakit wala man lang nagsabi? Asawa ako 'di ba? Bakit ganito? Bakit sinikreto? :(

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon