So I am still lying in bed, pretending that I'm sleeping cos pretending is always the best escape.
"In case you could hear me I have some clothes here for you. The doctor said you may go home after 3 more days."
Clothes? Parang mas excited pa ako sa damit kesa sa paglabas ko. Hindi na ako nakapagpigil at agad na natapos ang pagkukunwari ko. Sa aking pagmulat, nakita ko ang iba't-ibang kulay ng paper bags. May puti, asul, pula at itim. Pilit ko ngang tinititigan para makita ko kung anong brands pero hindi ko masilip mula sa kama ko.
"Naku! Nag-abala ka pa. Wala pa bang nakakaalam na kapamilya ko? Anong sabi nila?" Hindi ko maiwasang magtanong. Nakakapagtaka rin kasi kung bakit siya lang ang bumibisita at nag-aalala para sa akin.
"No one... maybe." May kinuhang light brown na paper bag si Ed na kasama rin sa ibang pinamili niya. "Eat this cake and feel better. I need to go."
Bakit ganyan siya? Laging seryoso at palaging nagmamadali? Sino ba siya talaga? "Hindi mo ba ako sasabayan sa pagkain niyan?"
"No, thank you. Next time." Ngumiti siya ng konti, na parang hindi, at hinimas niya ang noo ko. Sa kung anong rason ay hindi ko alam sa ngayon. At lumabas na siya ng kwarto. Gusto ko sanang manatili siya, kahit sandali. Gusto ko lang sana na mas makilala siya, baka may maalala ako sa kanya.
Nagising ako dahil sa paggalaw ng kamay ko. Nandito na ang bagong nurse. "Ma'am, isang miracle po na mabilis ang paggaling ninyo."
Miracle? Bakit kaya? Gusto ko sanang itanong pero naisip ko rin na hindi na. Huwag nalang muna. "Nakalabas na ba ang kaibigan ko?"
"Opo. Sige po, mamaya naman."
Sa paglabas ng nurse naisip ko na ang bibilis kausap ng mga tao. Siguro ganito na nga ang buhay ngayon, nagmamadali ang lahat. Marami ang pagod at gusto nang magpahinga. Meron din namang mga taong gusto lang talaga mauna sa iba. Siguro hindi ko 'to napansin noon. Siguro isa ako sa kanila na nagmamadali at gustong mauna.
Binuksan ko ang TV. Naisip kong magpalipas ng oras nalang. Habang naghahanap ako ng magandang palabas napahinto ako nang biglang nakita ko si Ed.
"Here at EB, we have everything you need."
Ed Barber
New OwnerAno? May kaibigan akong may-ari ng mall? Grabe bai! Hindi ako makapaniwala. Sa tingin ko ang bata bata pa niya para mapatakbo ang mga bagay na tulad ng mall-at isa pang napakalaking mall.
Hindi pa ako nakakamove-on sa aking nakita nang may biglang kumatok at agad na pumasok. Akala ko nurse ang pumasok pero isang babae na nakasuot ng pink na uniporme na parang damit ng isang nagtatrabaho sa spa. Itim ang buhok niya at maayos na nakaputo, sa tingin ko medyo may edad na rin siya at mukhang masipag.
"Kamusta po, Ma'am? Ako si Teresa, tawagin mo nalang akong Nanay Tere. Ipinadala po ako ni Sir Ed para itsek kayo at para matulungan po kayo dito."
Hindi pa ako nakakasagot kay Nanay Tere, tumunog na ang phone ko. May message mula sa nagbigay ng iPhone na nasa tabi ko.
Ed Barber +63 916 699 9139
Wednesday 8:36 PM
Message:
She must be there by now. Please let her take care of you while I'm away. By the way, eat the cake!"Nakakahiya naman po. Naku! Nay, maupo po kayo. Medyo okay naman po ako, hindi lang ako makatayo sa ngayon."
"Basta sabihan niyo po ako, ma'am, ha." Umupo si Nanay Tere sa sofa at nanood ng TV.
"May po pangalan ko, May nalang po. Nagtext na po siya. Ang bossy noh? Mukhang suplado." Pang-uusisa ko sa kanya.
"Ganyan po talaga si Sir. Trabaho lang ang inaatupag. Minsan nga kahit sarili niya hindi na niya naaalagaan. Kami nga sa bahay hindi nga rin napapansin. Siguradong walang panahon yon sa girlpren girlpren."
Naku! Confirmed! Hindi ko nga boyfriend. Ngunit napaisip ako. Bakit ba niya ako inaalala? Bakit tila maalagain siya? Suplado nga lang. Sino ba si Ed sa buhay ko?
ABANGAN...
BINABASA MO ANG
That Should Be Me| Completed
FanfictionJust another Mayward Story. Sino ba si ED Barber sa buhay ni MAY na may Amnesia? Soon to be THE MOVIE ? :D Why not! :D