Amber's Pov
"AMBEEEEEEEEEEEEER! PUNYETANG BATA TO! " Ay, peste naman ang aga mambulabaog. Kaya nga nakakalibre din ako kahit papaano dahil hindi ko na kailangan bumili ng alarm clock dahil may living alarm clock na ako at yun ay ang bunganga ni Aling Dionisia.
"ANDYAN NA PO!" sigaw ko rin rito. Aba sya lang ba ang marunong sumigaw sa ganda kong to sisigawan lang nya ako? No way!
Pagkabukas ko ng pinto, sinalubong agad ako ng malaarmalite na bunganga nito. "PUNYEMAS KANG BATA KA! KELAN KA BA MAGBABAYAD NG RENTA?! ABA HINDI KA NASA AMPUNANAN, HA? ANONG AKALA MO LIBRE ANG PAGTIRA MO DITO?! NANGANGAILAN DIN AKO NG PANGGASTOS SA PANG-ARAW ARAW KAYA MAGBAYAD KANA NG RENTA MO!" sunod sunod na sigaw sakin nito.
"Ang kulit nyo naman Aling Dionisia e! Diba sabi ko wala akong pambayad? Araw araw nyo na lang ba akong sisingilin? Hindi ko naman nakakalimutan ah. " kunot noong sabi ko. Tanga ba sya? Bakit sya araw araw naniningil e wala nga diba? Ang kukit naman nya hindi ba nya naiintindihan?
Napaface palm na lang si Aling Dionisia. "Saang sinapupunan ka ba galing na bata ka at napakatanga mo. Kung hindi lang ako naawa sayo talagang bata ka!"
Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis saka inakbayan. "May interview ako mamaya sa CAC Aling Dions! Kaya may pambayad nako" proud na sabi ko.
"Bakit matatanggap ka ba?" sabi nito ng nakairap. Inirapan ko din sya. Yang si Aling Dions barkada ko yan e. 😂
"Syempre naman sa ganda kong to" nakangiti kong sagot, napangiti naman sya sa inakto ko.
"Ay Aling Dions, bago ko makalimutan. Saang sinapupunan ka din ba galing at ganyan ang itsura mo" sabi ko saka ko pabagsak na sinara ang pinto sa harap mismo ng mukha nya.
And 1-2-3---
"WALANG HIYA KANG BATA KAAAAA!" punong puno ng inis na sabi nya.
