Amber's Pov
Pag kagising ko may naramdaman akong mabigat na bagay sa tyan ko, hindi ako makagalaw. Minulat ko ang mga mata ko at nakitang kong nakayakap saakin ang braso at pati ang binti ni Prince.
Dahan dahan kong tinanggal ang braso nito sa bewang ko. Gumalaw ito ngunit hindi naman nagising, tinanggal na rin nito ang kanyang binti at natulog ng patalikod sa akin.
Dali dali kong hinanap ang mga gamit ko, ayaw kong isuot itong gown mahihirapan ako, dahan dahan akong nagtungo sa walk in closet ni Prince, may nakita akong mga damit ng babae. Bakit meron siya nito? May mga babae din ba siyang dinadala rito? Hmp! Nakakainis lang ha akala ko ba ako ang asawa niya. Isinuot ko na ang damit at saka lumabas nakita ko pa ring mahimbing na natutulog si Prince.
Nakakahiya yung nangyari sa amin. Uuwi na ako, nahihiya ako sa nangyari sa amin kagabi. Pagkabihis ko ay tahimik akong lumabas sa kwarto niya at pati na rin sa bahay niya nay mga katulong siya sa kusina at sa nay garden kaya medyo natagalan akong makalabas sa ka dahilanang baka makita nila ako at isumbong kay Prince.
Papalabas na ako ng gate ng makitang may security guard na nakapuwesto doon.
"Goodmorning Ma'am Cameron!" nasayang bati ni Kuya guard saakin. Kunot noo ko siyang tinignan.
"I'm Amber Kuya!" nakakunot noong wika ko.
"Siyempre po, Cameron Amber ang ngalan niyo diba?" natatawang sabi nito. Cameron Amber ang pangalan ko? Bakit hindi sinabi saakin ni Prince kaya ba akala niya pinaglololoko ko lang siya dahil second name pala ang gamit ko? Malay ko ba kasing yun ang pangalan ko diba!
"Saan po pala kayo pupunta?" tanong nito sa akin.
Hala! Anong palusot ang sasabihin ko kay kuyang guard. Isip Amber, Isipppp!
"Ughm! -Bibili lang ako! Oo, tama! Bibili lang ako." nakangiti kong sabi. Napataas ang kilay nito na para bang nagtataka o hindi naniniwala.
"Ano pong bibilhin niyo?" tanong nito. Ang dami namang tanong ni Kuya!
"Secret!" sigaw ko rito.
Tumango ito at dali-daling pumunta sa puwesto niya sa ka may pinindot at unti unting bumukas ang gate.
"CAMEROOOON!" galit na galit na sigaw ng taong nasa likuran ko. Pataay kang Amber kaa! Eto kasing guard na ito chismoso e!
"Ah eh! Hello Prince, Goodmorning" nakangiting wika ko at kumaway pa sa kanya.
"Leaving me again huh?" galit na wika nito habang papalapit ng papalapit sa akin, dahil sa kinakabahan ako paatras naman ako ng paatras.
Sinenyasan niya ang guard na isara ang gate kaya napalingon ako sa gate at tumakbo ng mabilis para makalabas doon!
"CAMEROOOOOON! Sh*t! Sh*t!" mura nito.
Takbo lang Cameron Takbooo ~
Pagkababa ko sa taxi ay dumiretso agad ako papasok sa bahay. Nakita ko si Aling Dionisia na pakanta kanta sa harap ng bahay nito.
"Like a virgin. Ugh ~ Touch for the very first time! Like a viiiiiirgin ~" pakembot kembot pang kanta ni Aling Dionisia.
Pinalakpakan ko siya saka tumawa ng pagkalakas lakas. Napaharap naman ito sa akin at mukhang gulat na gulat pa ito dahil may nanunuod pala sakanya.
"Hahahaha! Grabe Aling Dionisia. Hahahahaha! May talent ka pala sa pagkanta. May sarili kang tono e no?" natatawang pangaasar ko sakanya. Nakita ko namang namula ito.
"Pakembot kembot ka pang nalalaman. Hahahaha!" walang humpay na tawa ko at hawak hawak ko pa yung tyan ko dahil sa kakatawa.
"Tigilan mo nga akong bata ka ha! Umagang umaga nangsisira ka ng mood!" inis na wika nito at aambang ipapalo saakin yung hawak niyang walis.
"Nagkita lang kayo ng run away groom mo. Nakanta ka na dyan. Hahahaha!" tawa pa rin ako ng tawa. Ng iaamba niyang ibato sakin ang walis na hawak niya ay tumakbo agad ako papasok ng bahay.
"Siraulo kang bata kaaaa!" rinig ko pang sigaw nito. Natawa na lang ako.
Nagbihis na ako dahil papunta pa akong opisina. Siguro naman hindi galit yung si Prince. Pero paano ko ba siya haharapin nakakahiya kasi yung nangyari kagabi. Hays, bahala na nga kailangan ko ng pera para makabayad ng upa kaya kailangan ko siyang harapin bago pa tuluyang mabaliw si Aling Dionisia.
Lumabas ako ng bahay at nakita kong nagdidilig naman ng halaman si Aling Dionisia. Naghuhum naman ito ngayon tapos pasway sway pa. Yung parang disney princess ang dating. Hahahaha!
"Buti pa ang halaman nadiligan na." iling iling kong sabi. Napatalon naman to sa gulat at napalingon sakin, ipinukol nito sakin ang masamang titig niya.
"Ikaw naman Aling Dionisia huwag ka masyadong mabaliw dyan. Didiligan ka din ni Mang Esme!" natatawang wika ko saka tumakbo kaagad ng makita kong hinablot nito ang tsinelas niya.
"BASTOS KANG BATA KA!" sigaw nito ng makalayo ako sakanya.
"WOOOO! WALANG FOREVER ALING DIONS!" asar ko sakanya saka pumara ng taxi at sumakay.
Naglalakad ako ngayong papasok sa elevator ng may makasalubong akong babaeng umiiyak papalabas ng elevator. Napakunot naman ang noo ko. Bakit kaya yun umiiyak?
Lumapit saakin si Annie, siya yung nakapwesto sa front desk.
"Amber! Kanina ka pa hinahanap ni boss mainit ang ulo kaya lahat ng late at pumapalpak sinisisante nya agad!" aligagang wika nito saakin. Tumingin ako sa relo ko, Sh*t! 30 minutes na akong late. Nagpaalam ako kay Annie saka nagtungo sa elevator.
Pagkaupo ko sa mesa ko ay nilingon ako ni Prince at saka siya lumabas ng office niya. Tinignan niya ako ng masama, Geez. Nakakakilabot.
"My office now." galit na wika nito saka ako tinalikuran. Sisisantehin na ba nya ako? Sh*t! Anong gagawin ko.
-
915 words
![](https://img.wattpad.com/cover/92785631-288-k606375.jpg)