Chapter 12

57 1 0
                                        

[12]

Amber's Pov

Pauwi na ako para ma ka pag handa sa party mamaya. Sobrang pagod ko ngayong araw na ito. Pabalik balik ako sa marketing department at sa 28th floor iyon at ang office ng CEO ay sa 50th floor, tapos nagkataon pang out of order ang lahat ng elevator. Nakakapagtaka nga e. One of the richest company sabay sabay na nasira ang elevator. Coincidence nga lang ba o sinadya iyon. Hmp!

Palabas na ako ng kumpanya ng tawagin ako ni Calix, nilingon ko naman siya ng nakangiti.

"Hello! Bakit? " tanong ko rito ng makalapit ito saakin.

"Tatanungin ko lang kung pupunta kang party mamaya?" nakangiti nitong tanong saakin.

"Oo e." sagot ko rin sakanya na may ngiti sa labi.

"Ah!  So kita na lang tayo mamaya?" nakangiti pa ring sabi nito saakin. Nginitian ko lang din sya at tumango. Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na siya dahil may gagawin pa daw siya. Maaga kasi akong pinauwi ni Hitler ngayon.

"Ma'am Cameron!" magiliw na bati ng matandang nasa harap ko. Cameron na naman?  Ang kulit naman ng mga to.

"Uhm,  Sino po kayo?" tanong ko sakanya. Nakita ko namang kumunot ang noo nya at naguguluhang tumingin saakin bago sumagot.

"Ma'am,  Ako to si Manong Esme!" naguguluhang sagot nito saakin.

Siguro kakilala ko ito dati at sobrang malapit ito sa akin dahil kung kausapin ako parang sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Saan po ba kayo galing at ang tagal niyong nawala?" tanong nito saakin saka ako inalalayang papunta sa isang mamahaling sasakyan.

"Ha? Manong Esme. Bakit ho ako sasakay dyan?" tanong ko rito.

"Utos ni Gold iha. Kukunin daw natin ang damit na isusuot mo sa party " nakangiting wika nito saakin. Nginitian ko na lang ito at hindi na nagtanong pa.

"Saan nga  nagpunta iha?" tanong nito ulit sa akin. Ano namang isasagot ko na nawala ang memorya ko kaya hindi ako nakabalik at hindi ko sila makilala. Baka hindi din maniwala ito sa akin.

"Ilang taon ba akong nawala manong?" tanong ko sakanya. Lalo namang kumunot ang noo nito.

"Ano ka ba iha! Halos apat na taon ka kayang nawala. Nakalimutan mo na ba?  Ikaw talagang bata ka makakalimutin ka!" natatawang bulyaw nito saakin. Konyareng natawa na rin ako sa sinabi niya.

"So,  Saan nga?" tanong uli ni manong sa akin. Ano bang isasagot ko? E baka kapareho lang ito ni Prince na hindi maniwala saakin.

"Secret manong!  Huwag ka ng matanong dyan!" konyareng biro ko para hindi na niya ako tanungin pa. Hindi ko din naman alam ang isasagot.

Nang makarating kami sa bahay, sinabi ni Manong Esme na hihintayin na lang daw niya ako dahil yun ang utos ni Prince sakanya. Siya na daw ang maghahatid saakin sa pagdadaluhan ng pagdiriwang. Nakuha na rin namin ang gown na isusuot ko sa party na dadaluhan namin.

Pag ka pasok sa bahay pinaupo ko muna si Manong sa sala at binuksan ang tv para hindi siya mainip kakahintay sa akin,  pinaghanda ko na rin siya ng meryenda.

Kakatapos ko lang maligo at nakaroba lang ako habang kinukuskos ko ang basang buhok ko ng marinig ko ang nagbabangayan sa labas ng kwarto ko. Lumabas ako upang tignan ang nag-aaway ng mapanganga ako sa nakita kong nagbabangayan.

"Walang hiya ka!  Anong ginagawa mo rito ha?!  Pag katapos mo akong hindi siputin sa kasal natin,  magpapakita ka ngayon saakin?!" punong-puno ng galit na sigaw ni Aling Dions. Omyg!  Mang Esme at Aling Dions. Is this real?

"Irog,  magpapaliwanag ako alam mo namang hindi ko sinasdyaa--" hindi na natapos ang sasabihin ni Mang Esme ng sigawan uli siya ni Aling Dionisia.

"Huwag mo kong mairog-irog dyan hayup ka!" sigaw ni Aling Dionisia kay Mang Esme. Susme!  Pakipot ang lola niyo e halatang kinikilig naman ito.

"Irog naman hayaan mo naman akong magpaliwanag at--" hindi na naman nito natapos ang sasabihin ng sumabat si Aling Dionisia.

"Ayokong makinig sayo!  Ang kapal ng apog mong puntahan ako dito. Gago!  Wal-" sa puntong ito si Mang Esme na ang pumutol kay Aling Dionisia at sumigaw ng puno ng inis.

"SINO NAMANG NAGSABI SAYO NA PINUNTAHAN KITA DITO?  ASSUMERA KA NAMANG BABAE KA!  HINIHINTAY KO LANG ITONG AMO KO! EWAN KO BA KUNG BAKIT SIYA NANDITO SA CHEAP NA BAHAY MO BASTA ANG SABI NIYA LANG DAHIL KAILANGAN SIYA NG KAIBIGAN NIYA NGAYON. IKAW BA ANG KAIBIGAN NG AMO KO HA? IKAW NA MATANDANG WALANG IBANG GINAWA KUNDI PUMUTAK NG PUMUTAK HA?  WALA AKONG PAKEALAM KUNG AYAW MONG MAKINIG SA PALIWANAG KO. BASTA MAHAL KITA TAPOS! ANO?  OKAY NA! " sigaw ni Mang Esme at lumabas ng bahay. Omyg!  Tumingin ako kay Aling Dionisia at nakita kong namula ito at dali dali ring lumabas ng bahay.

Napailing na lang ako ang matatandang yun nagfefeeling teenager, nagtungo na ako sa kwarto at isinuot ang gown na gagamitin ko sa pagdiriwang.

It's a white gown na ang haba ay sumasayad sa sahig may malaking slit ito sa kanang bahagi ng hanggang kalahati ng hita ko. See through ang sleeves nito at sobrang habang vline sa bandang dibdib ko pababa sa pusod na may see through na tela sa likod naman ay backless hanggang sa taas ng venus holes ko. Nagsuot din ako ng white killer heels na binili ko dati sa mall at bihira ko lang gamitin.

Pagkalabas ko ng bahay ay nakita kong naghihintay na doon si manong. Inalalayan niya akong pumasok sa sasakyan at pinuri pa ako nito.

Pagkarating namin sa pagdadausan ng pagdiriwang ay nakita kong nasa labas ng hotel si Prince at ng makitang huminto ang kotse ay umayos ito ng tayo at hinintay akong makababa.

Pagkababa ko ng kotse ay nakita kong natigilan ito at parang may dumaloy na kung anong emosyon sa mga mata nito pero agad din nawala ng nakita niyang nakatitig ako sakanya. Nilapitan ako nito at hinapit sa bewang.

"You're stunningly beautiful wife" husky ang boses nitong bumulong sa tenga ko. Kinilabutan ako bigla pero ang nakakapagpakaba saakin ay, bumilis ang pagtibok ng puso ko. Omygosh!  What's happening to my heart?

-
1012
Nextime uli,  Enjoy reading readers.

Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon