Amber's PovNagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ako? At saka bakit ako nandito? Sinong nagdala sakin rito? Sobra pang daming tanong ang pumasok sa utak ko.
Pero, teka wait! Nahimatay ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at sunod sunod na ala-alang pumapasok sa isip ko kaya lang sobrang labo ng mga ala-ala na iyon. Kaya lang sa isang kwarto lang ako dinala ng lalaking iyon? Hindi man lang ako dinala sa hospital, paano na lang kung nadeads ako edi wala na gigisingin si Aling Dionisia araw-araw, wala na rin siyang sisingilin araw-araw at higit sa lahat wala ng maganda sa mundo.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, Infairness mukhang pangmayaman. Parang condominium type sya sobrang luwang may pagkalaki laking flatscreen tv tapos may malaki at mahabang sofa sa tapat ng flat screen tv, tapos may maliit na table. Tapos sa likod ng mahabang sofa e yung kamang hinihigaan ko ngayon na king size bed. Sa kanan ko may mga pinto, saka sa may kaliwa ko parang study table, Working area g-
non. Mas malawak pa atta to kaysa sa bahay na inuupahan ko kay Aling Dionisia e.Bumangon ako sa kama at saka naglakad patungo sa pintuang medyo nakaawang, sumilip ako roon at nakita ko ang leong galit na galit at may kausap na nakacorporate attire. Nasa CAC pa pala ako at sa mismong opisina pa ng CEO. Bakit sya may kwarto sa opisina nya?
Napatalon ako sa pag sigaw ni Leong CEO,
"YOU'RE FIRED!" walang ganang sigaw nito. Hala? Napasilip ako sa lalaking kausap niya. Sana di nila ako mahuling nag eavesdropping sa kanila.
"H-huh? S-sir? Bigyan nyo pa po ako ng isang pagkakataon, nag-aaral pa po ang mga anak ko" nag mamakaawang lumuhod ang lalaki sa harapan nya.
"Ganun ba kahirap intindihin ang sinabi ko ha? YOU. ARE. FIRED! So get out of my sight! " naiinis na bulyaw nito sa taong kausap nya.
Ganyan ba katigas ang puso nya? Wala ba syang awa? Bakit ba sya nagkakaganyan? Alang alang lang sana sa pamilya ng lalaki. Nakakainis ang mga kagaya nyang tao masyadong mapagmataas.
Tumingin ako sa gawi ng lalaking kausap nya kanina nakaluhod pa rin ito at nakayuko. Napatingin naman ako sa leon ng magsalita sya.
"Napakababa mo. Lumuhod ka para lang magmakaawa sakin na huwag kang sisantehin sa trabaho, wala ka bang pride? " madiing sabi nito na akala mo may pinanghuhugutan. Charotey sya ha humuhugot! 😂
"Alang alang po sa pamilya ko, magpapapakababa ako. Ano lang naman po ang kakarampot na pride kung ang katumbas nito ay maibigay ko ang pangangailangan at kagustuhan nila." madamdaming sagot ng empleyado nya.
Pamilya, siguro may pamilya rin ako kaya lang nakalimutan ko ng dahil sa nangyare sakin. May pamilya nga ba ako? Kung meron bakit hindi nila ako hinanap? Bakit hindi sila ang kasama ko ng mga panahong naaksidente ako? Nasaan sila? Nag aalala din ba sila sakin? Hays,
"Pamilya" bulong ng leon at saka pumikit, hindi man siguro nakikita ng ibang tao pero nakikita kong may lungkot sa mga mata nito.
Ano kayang nangyare sakanya? Sino ba yung Cameron? At bakit nya iniwan ang leon na ito? Hays, kung ako si Cameron hindi ko sya iniwan dahil kahit mukha syang mabangis na hayop alam kong may malambot na puso sa loob nito.
"What ever, It won't change my decision " walang ganang tugon nito pagkamulat nya ng mga mata nya.
Tumayo ang lalaki saka sumigaw ng punong puno ng galit. "TAMA NGA ANG SINABI NILA! WALA KANG PUSO! PALIBHASA WALA KANG BINUBUHAY NA PAMILYA, PALIBHASA NASAYO NA ANG LAHAT, PALIBHASA NASA TAAS KA AT KAMI NASA BABA! HINDI KA KASI PAMILYADONG TAO KAYA HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO! WALA KA KASING ANAK KAYA HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN NG TATAY NA NAGNANAIS MABIGYAN NG MAGANDANG BUHAY ANG KANYANG MGA ANAK. WALA KA KASING PAMILYA! AT DAHIL YUN SA KAWALANG PUSO MO! " pagkatapos nyang sabihin iyon ay lumabas sya agad sa opisina ni CEO.
"You don't know anything" narinig kong bulong nito.
Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga at saka inumpisang basahin ang nasa table nya, pabalik na sana ako sa may kama ng magsalita sya.
"Sa susunod huwag kang makikinig sa usapan ng may usapan, Wife. " lumingon lingon naman ako. Asaan ang wife nya?
Maganda kaya? Kasing ganda ko ba? Asaan? Lumabas ako ng kwarto nya sa opisina at hinanap ito.
"Anong hinahanap mo?" nakakunot noo nyang tanong sakin.
"Where's your wife? " walang lingong tanong ko at nagpalinga linga pa rin. Wala sya sa baba ng table. Wala rin sa likod ng sofa nya sa opisina nya, Aha!
"You are my wife stupid." Napalingon naman ako sakanya ng dahil sa sinabi nya, Inirapan lang naman ako nito.
So hindi nya ako binibiro sa sinabi nya? Pero paano? Paano nangyare?
-
808 words