Amber's PovNasa sasakyan ako ngayon ni Prince, Yes! First name basis kami. 😂Biro lang! Feeling close lang talaga ako. Ewan ko ba kung saan kami pupunta, basta na lang nya ako kinaladkad ng sabihin nyang asawa nya ako. Maari kayang asawa ko talaga siya baka naman siya na ang makakatulong sakin sa pag-alala ng mga nakalimutan ko at ng makilala ko rin ang mga importanteng taong nakalimutan ko.
"Saan ba tayo pupunta?" supladang wika ko. Bakit ba feel ko magsuplada e. Saka siya lang ba ang may karapatang magsuplado?
Hindi naman ako nito sinagot at diretso lang ang tingin sa kalsada. Aba! Snob.
"Mabaho ba hininga mo bakit hindi ka sumasagot?!" nang-aasar na tanong ko, nakakapikon kasi eh, hinila hila ako rito tas hindi ako kakausapin. Gago ba siya?
Tinapunan lang ako nito ng masamang tingin at saka binalik ang tingin sa daanan. Kumunot naman ang noo ko ng may maalala ako .
"Mag-asawa ba talaga tayo?" nagdududang tanong ko. Aba malay mo diba nagagandahan lang ito sa akin kaya nagpapanggap lang siyang a-awa ko. I can't blame him, I'm irresistible. Choss lang.
"Yes." maikling sagot nito. Nag-iipon? Nagtitipid ng laway ganon?
"Eh bakit parang hindi namn ako kilala sa kumpanya mo? Hindi ba ako nagpupunta sa kumpanya mo dati?" sunod sunod na tanong ko sa kanya na may pa himas himas pa ng baba.
"You want to keep our marriage secret before. Only our family and closest friends knows that we're married." mahabang pagpapaliwanag nito. Oo, mahaba na yan sa lagay na yan.
"So may kaibigan ako?" nakangiting tanong ko, akala ko naman si Aling Dionisia lang ang magiging kaibigan ko habang buhay.
Nagsalubong naman ang mga kilay nito at kumunot ang kanyang noo.
"Could you stop pretending like you don't remember anything." madiing wika nito. Bakit ba hindi ito naniniwal saakin? Akala ko ba asawa nya ako then dapat may tiwala siya sa akin.
"Pero --" pinutol nito ang sasabihin ko at sininghalan ako.
"Ok, Would you at least shut your mouth and stop pestering me!" walang ano anoy sigaw nito. Napakapit na lang ako sa seatbelt sa gulat. Hays, okay zip my mouth.
Dahil na rin sa hindi ko matagalan ang walang kinakausap at mahigit isang daang kotse na ang kanilang kong nakakasalubong namin ay nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng nasa harap ng isang mansyon, nasa loob pa pala ako ng kotse. Hindi man lang ako ginising ni Prince. Ang sama namang asawa non.
Dahan dahan akong pumasok sa mansyon at naglakad ng nakatingkayad mahirap na baka madumihan ang kumikintab nitong sahig. Kung anu-anong mamahaling painting ang nakasabit sa mga pader.
"Bakit ako nandito?" tanong ko sa lalaking nagiwan sakin sa kotse. Pababa siya sa hagdan ngayon.
"I'm just making sure that you won't get away this time." makahulugang wika nito. Getting away from what?
-
500 words