[24]
Prince Gold's Pov
Nasa pinakamalapit na grocery store ako ngayon. Ano bang brand ang bibilhin ko? Kumuha ako ng tag-iisang pack ng ibat ibang brand ng pad.
Pumila ako sa may cashier. May mga tao rin sa likod ko na kanina pa naghahagikhikan.
"Ang gwapo naman ni Kuya!"
"Tara pa picture tayo sakanya."
"Pero bakit ganyan ang binili nya? Omyg! Don't tell me nagfefeeling babae siya!"
Namula naman ako sa sinabi ng nasa likuran ko. Napakunot noo ako sa mga pinagsasasabi nila sa gwapo kong to? Bakla ako. Dahil na rin sa ingay ng mga babae ay napalingon sa akin halos lahat ng tao sa maliit na grocery.
"Baka beki talaga siya" narinig kong sabi ng babaeng nasa may kanan ko. Nilingon ko sya at binigyan ng matalim na tingin.
"This sanitary napkins is for my wife! Better stop talking if you don't have a nice thing to say." bulyaw ko sa mga taong chismoso saka mga chismosa.
Pagkauwi ko sa bahay ay umakyat agad ako sa kwarto namin nakita kong tawa ng tawa si Cameron habang nanunuod. Parang tanga lang. Tsk!
Amber's Pov
Nagulat ako ng may pumatong na tatlong paper bag sa lamesa. Napakunot noo naman ako saka nilingon ang naglapag nito. Umupo ito sa tabi ko at nakinuod ng pinapanuod ko.
"Ano yan?" tanong ko rito, tinutukoy ko yung nilapag nyang paper bag.
"See for yourself " walang ganang sagot nito saka nilipat ang pinapanuod ko. Napanguso na lang ako ang ganda kaya ng tom and jerry. Ilinipat pa ng gago e.
Binuksan ko ang mga paper bag na linapag niya at punong puno ito ng iba't ibang brand ng sanitary napkins.
"Bakit ang dami?" tanong ko rito.
"Hindi ko alam ang brand na gamit mo." sagot nito.
Pumasok ako ng cr at nagpalit saka humiga sa kama. Nakaramdam na kasi ako ng antok.
Nagising ako sa sobrang ingay ng telepono ko. Anong oras na ba? 8:30 na pala buti na lang wala akong pasok ngayon. Sinagot ko ang tawag na hindi ko tinitingnan ang pangalan ng kung sino mong tumawag.
"Kyaaaaaaa ~ Hindi ka maniniwala sa nangyare kagabi Amber!" kinikilig na wika ng nasa kabilang linya. Boses pa lang kilalang kilala ko na to.
"Ano bang nangyare kagabi Aling Dions? Iniwan ka na ba niya ulit? Ayan kasi napakaeasy to get mo." biro ko sa matanda.
"Huwag ka nga! Liniligawan niya na uli ako." kinikilig na wika nito. Napataas ang kilay ko. Ligaw?
"Wow. Ligaw? Akala ko sinagot mo na agad e kahit hindi ka pa tinatanong" pangaasar ko sakanya.
"Huwag ka nga! Dalagang Pilipina kaya ako." proud na sagot ng matanda.
"Matandang Dalaga kamo." sasagot pa sana ito ng binabaan ko na siya agad ng telepono.
Istorbo kasi sa pagtulog, nangiinggit pa. O edi siya na may lovelife. Matutulog na nga lang uli ako, nagring uli ang phone ko at pabalang kong sinagot ang tawag dahil sa pag-aakalang si aling Dions uli ito.
"Ano na naman? Wala akong pakielam sa lovelife mong matanda ka. Hindi ako naiinggit okay? Mas hot yung boyfriend ko kaysa sa boyfriend mo!" bulyaw ko rito.
"Who's your boyfriend?" malamig na tanong ng nasa kabilang linya.
Pagtingin ko sa caller. Pakshet! Si Prince.
-
Thankyousomuch! Ate Klarisse Izon sa bc. Sinipag tuloy akong magupdate. 😂😘 Thankyou again.