Amber's Pov
"Sige na kasi Sir payagan mo na ako magabsent!" pilit ko kay Prince.
"No" sagot nito
"Please?" tumingin ako sa mga mata niya
"No" sagot pa rin nito.
"Pretty Pleaseee!" nagpuppy eyes ako.
"No" sagot pa rin nito.
"Sige na pleaseeee!" nagpuppy eyes ako with matching pout.
"Still no." sagot nito.
"Mumultuhin kita kapag namatay ako!" pananakot ko rito.
"I'm not afraid" nakangiting sagot nito sa akin.
"Bubulungan kita habang natutulog" pananakot ko uli sakanya.
"I don't care." bored na sagot nito.
"Dadalawin kita sa panaginip" mahinang wika ko sa tono ng pananakot.
"As if I care" nakangiting sagot nito saakin.
"Kikilitiin kita sa tenga habang natutulog!" naiinis na wika ko.
"I don't give a damn!" nakangisi pa ring sagot nito sa akin.
"Sasakalin kita kapag nakatulog ka na!" ayan pinagbantaan ko na ang buhay niya para naman payagan na niya ako umabsent bukas para makapagpacheck up.
"I'm not afraid" wika nito.
"Yayakapin kita ng mahigpit!"
"I won't mind"
"Hahalikan kita sa labi! "
"I like it"
"Poo?!" gulat na tanong ko.
"N-othing you are too noisy. Go back to work!" naiwan akong nakanganga nung pumasok si Prince sa kwartong tinulugan ko noong unang pasok ko sa opisina niya.
Anyare don?
Tumayo ako sa couch na inuupuan ko saka lumabas at pinagpatuloy ang naiwan kong ginagawa kanina.
"Let's have our lunch" sabi ni Prince saka ako hinila papuntang elevator.
Tahimik lang kami sa kotse hanggang sa makarating kami sa restaurant na kakainan namin.
"What do you want to eat?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa menu na hawak nito.
"Ikaw na ang bahala" naiinis na wika ko. Oo, naiinis ako sa babaeng maharot na nasa harapan ko ngayon na walang ibang ginawa kundi ang mag pacute kay Prince.
Nagorder na si Prince at parang walang narinig ang babaeng nasa harap ko dahil busy sa kakapacute kay Prince.
"Hey Miss?! Tutunganga ka na lang ba dyan?" naiirita kong bulyaw sakanya. Napatingin naman ito sa akin at nagtaas ng kilay.
"Huwag mo kong tinataasan ng kilay! Hindi pantay ang kilay mo kaya wala kang karapatang pagmalditahan ako!" napahawak naman ito sa mga kilay niya at saka nahihiyang yumuko pagkatapos nitong makuha ang mga order namin ay umalis na siya.
"Ano yun?" tanong sakin ni Prince.
"Yung?" walang ganang tanong ko rin.
"Yung ginawa mo sa waiter" wika nito na may nakakalokong ngiti sa mukha. "Jealous huh?" malokong wika nito.
Magrereact pa sana ako nang may lumapit sa aming isang babae at lalaki. Wait? Pamilyar yung mukha ng lalaki. Yung lalaki sa party si Mr. Aragon.
"Hey dude!" nakangiting bati nito kay Prince. Tinanguan lang naman ito ni Prince.
"Hello Goldiee!" natatawang wika ng babae. Napakunot noo na lang ako sa tawag niya kay Prince. Goldiee?
"Bakit kayo magkasama ni Andy, Xandy?" nakangising taning ni Prince.
"Psh. Siya lang kasi hindi busy sa inyong tatlo!" naiinis na wika ng babae.
"Sus. Actually inaya ako ni Xands makipag-date sakanya." nakokolokong sabi ni Mr. Aragon.
Nagulat naman ako ng sikuhin ng babae si Mr. Aragon sa bandang sikmura nito. Natawa na lang si Prince sa mga kaibigan nito.
"Sino tong magandang babae dito Goldiee?" nakangiti sa akin yung babae.
"My wife." sagot ni Prince sakanya. Nakita kong nalungkot ang babae ng dahil sa sinabi ni Prince. Bakit? May gusto ba ito kay Prince.
"Ikaw ha! Inunahan niyo na talaga ako ni Andrea!" natatawang wika nito pero bakas sa mga mata ang lungkot sa mga mata nito. Lumingon ako sa dalawang lalaki at nakita kong malungkot silang nakatingin sa babae. Ano bang meron?
"Alexiandria Ferrer" nakangiting wika ng babae sa akin at inabot ang kamay nito sa akin. Tumango naman ako at tinanggap ang kamay niya.
"Amber." nakangiting wika ko.
"This playboy beside me is Dylan Aragon. But you can call him Andy, Andy Player!" wika nito saka tumawa. Inirapan lang naman siya ni Mr. Aragon!
"So? Bakit niyo ko nilapitan rito?" tanong ni Prince sakanila.
"Nakauwi na si Andreaaaa!" masayang wika ni Amber. Yung Andrea yung maganda?
Magsasalita pa sana ang mga ito ng dumating ang order namin, inalok namin silang kumain pero tumanggi sila at sinabing tapos na sila kumain at saka sila nagpaalam para umalis.
Pagkatapos naming maglunch ay bumalik na kami sa opisina. Nang bandang alas sais ay naghanda na ako para umuwi.
"Are you going home?" tanong ni Prince ng makalabas siya sa opisina niya. Tumango lang ako sakanya.
"Papahatid na lang muna kita kay Mang Esme okay? Sa bahay ka tutuloy." wika nito.
"May kukunin kasi ako sa bahay kaya magtataxi na lang ako" palusot ko rito. Ayoko kasi talaga sa bahay niya nakakahiya.
"Edi daanan niyo ni Mang Esme." sabi nito saka siya bumalik sa loob ng opisina.
Napabuntong hininga na lang ako. No choice.
Pagkalabas ko ng kumpanya ay sinalubong agad ako ni Mang Esme. Mukhang masaya ang matanda.
"Mang Esme sa bahay muna tayo ha?" magalang na utos ko sa matanda at nakita kong mas lalong lumawak ang ngiti nito. Napailing na lang ako.
Pagkarating namin sa bahay ay nakita kong lumabas ng bahay si Aling Dionisia. Napataas ang kilay ko ng makita kong nakasexy dress at may kung anong kolorete sa mukha. Napalingon ako kay Mang Esme ng lumabas ito sa kotse. Mas lalong tumaas ang kilay ko saan to kumuha ng coat? Kanina lang kasi naka polo lang ito, ngayon may coat na siya tas naka bukas pa ang dalawang butones ng polo nito. Ano na naman ang drama ng matatandang to!
-
915 words