Chapter 8

54 2 0
                                    


Amber's Pov

Hays, ilang araw na rin simula ng ikulong ako ni hitler rito. Oo, pinangalanan ko si Prince ng Hitler. Wala ng ibang ginawa kundi mag-utos ng mag-utos e! Hindi pa ako nakakabalik sa bahay na inuupahan ko, baka nag-aalala na sakin iyong si Aling Dionisia. 

Napatigil ako sa pagmumuni muni at pag-iisip ng kung ano anong bagay ng maaninag kong may tumayo sa harapan ko. 

"Did you finish cleaning the guestroom?" bored na tanong niya saakin. Alam niyo bang sobrang linis ng guest room na pinapalinis nya sakin? Kaya lang nung sabihin kong malinis yung guest room, pinaghahagis niya kung saan saan ang mga unan, kung ano anong nilagay niya sa bed sheets at comforter kaya nagmantsa tapos ipinalaba niya yun sakin dahil yun daw ang gusto niyang bedsheet at comforter para sa kama. At hindi lang yun, kumain siyangbparang baboy sa mismong kwarto at pinagtatapon kung saan-saang sulok ng kwarto ang lahat ng mga kalat nya. 

May mga maids naman, infact mukhang tatlong dosen ang mga kasambahay niya pero ako ang inuutusan niya. Binantaan din niya ang mga kasambahay na dapat daw walang tumulong sakin kundi mawawalan ng trabaho. Minsan nga pinaabot ko lang sa isang katulong yung sandok na gagamitin ko panghalo sa niluluto ko eh pinalayas niya agad at tinanggalan ng trabaho. 

Napapaisip tuloy ako, Ako ba talaga asawa nito? Wala naman kasi akong nakikitang picture namin, ni isa nga wala e. Saka ganito ba niya ako itrato bilang asawa dati? Hays. Baka pinaglololoko lang ako nito bilang asawa niya at nangungulila lang siya sa asawa niya. Baka iniwan siya ng asawa niya dahil sobrang lupit niya. 

"Tutunganga kana lang ba dyan? I'm commanding you to clean my car! " bigla bigla na lang sigaw nito. Napatayo naman ako. 

"Which one?" walang ganang tanong ko, nakita kong natigilan ito at nakakunot noong tumingin saakin. Siguro nagtaka sa paraan ng pagsagot ko. 

"My favorite car" ako naman ang napakunot-noo. Tinignan ko siya ng nay pagtataka. 

"Which one is your favorite?" naguguluhang tanong ko. Aba! Malay ko ba kung ano yun. 

Paglingon ko sakanya, nakakunot noo na rin siya. Pinitik niya ng pagkalakas lakas ang noo ko. "I told you to stop pretending like you don't know anything." pagkasabi nito ay tinalikuran ako. 

Napanguso na lang ako saka ko hinimas ang noo ko. But I really don't remember anything. Pagkarating ko sa may parking lot ng bahay niya. Yes, parking lot sa sobrang dami ba naman ng kotse niya kaya siguro nagpagawa na siya ng parking lot niya sa mismong bahay nya.

No wonder, He's the owner of the most famous car company on Asia. 

After how many decades, I'm done cleaning all his cars. Yes! ALL hindi ko naman kasi alam ang pabortio niyang kotse e. Kaya nilinisan ko na lang lahat. Natatakot naman ako magtanong sa mga kasambahay niya baka masesante ulit ang isa sa kanila. So I did the hardest way. 

Pagkapasok ko sa bahay nakita kong nakahilata siya sa may sofa sa sala at nanunuod ng kung anong cartoons sa tv.

Tumuloy na ako sa kwartong tinutuluyan ko nitong nakaraang araw. Napatigil lang ako sa paglalakad ng magsalita siya. Liningon ko siya. 

"What took you so long to finish cleaning my car?" tanong nito sakin habang sa tv pa rin ang tingin nito. 

"Cause I cleaned all your cars" mababang tonong sagot ko. I'm tired, really tired. 

Kunot noong lumabas ito at ilang minuto lang ay bumalik rin ito. "Did I told you to clean all of my cars? I told you to clean my favorite one not all of them! Stupid!" mapangahas na sigaw nito sakin. 

"Stupid yourself! I told you I don't remember anything, can you just let me rest." sinigawan ko na rin siya I'm tired and all I want is to rest. Ayaw ba niya non? Lininis ko na lahat. "Fuck! You're so heartless!" frustrated kong singhal sakanya. 

"You don't remember anything? BAKIT KINALIMUTAN MO NA BA AKO NG TULUYAN NG IWANAN MO AKO HA? NG NAISIPAN MONG LAYASAN AKO KINALIMUTAN MO NA BA AKO? KINALIMUTAN MO NA BA NA MAY ASAWA KA? KINALIMUTAN MO NA BA NA MAY TAONG NAGPAPAKATANGA SAYO NA NAGHIHINTAY KUNG KELAN KA BABALIK? ANO BANG NAGAWA KO SAYO AT INIWAN MO AKO! KUNG SA TINGIN MO NAPAKAWALANG PUSO KONG ASAWA! DAHIL YUN SAYO DAHIL NAPAKAWALANG KWENTA MO RING ASAWA!" mabangis na bulyaw nito saakin. Punong puno ng galit at hinanakit. Nagawa ko ba talaga yun? Bakit ba kasi hindi ako makaalala para naman alam ko kung anong nangyari! Hays.
-
760 words

Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon