Chapter 2

79 3 0
                                        


Amber's Pov

Nagaayos ako ngayon papunta akong CAC para sa interview ko kailangang kailangan ko kasi ng trabaho. Paano nga ba ako napadpad dito sa siyudad. 

Ganito kasi yan dahil maganda ako magkwekwento ako. Ako nga pala si Amber walang apelyido, hindi ko din naman tunay na pangalan ang ginagamit na pangalan ko. Ipinangalan yun ng mga taong nag aruga saakin ng maaksidente ako. Wala kasi akong maalala na kahit ano non, ang naalala ko lang ay ng duguang gumagapang ako ng araw na matagpuan ako ng mga nag aruga sakin. Pumunta akong Maynila ng namatay ang mga nag aruga sakin, matandang mag asawa kasi ang nag alaga sakin noon. Naging mabuti sila saakin e. Mahal na mahal ko sila kahit hindi ko sila tunay na kadugo. 

Pero ang nakakapagtataka lang may nakaukit na "Prince G's ❤" sa may balikat ko. Pilit kong inaalala pero sumasakit lang ang ulo ko kapag inaalala ko. 

Naglalakad ako papasok sa CAC nakita ko si manong guard na inaayos ang cap nito sa may glass wall. Aba ginawa pang salamin ang glass wall. 😂

"Goodmorning manong" nakangiting sabi ko kay manong. Napanganga naman ito sakin. 

"Manong uy!" sabi ko saka winagayway ang kamay ko sa mukha nya. 

"Ay anghel!" eksaheradong sigaw nito. Napalingon lingon naman ako sa paligid ko. Asan ang anghel? 

Nilibot ko ang paningin ko. Wala naman. "Hala manong? May nakikita ka bang hindi ko nakikita" kinikilabutang tanong ko. 

Napatawa na lang ito. "Wala po ma'am pasok po" sabi nito na iiling iling. Hala may topak si kuya.

Dumiretso na lang ako papasok sa may lobby at pumunta sa may receptionist. 

"Hi Miss! Saan po ang interview ng magaapply as secretary?" nakangiti kong tanong rito. Nakanganga din ito katulad ng kay manong kanina. Baka may nakikita din tong anghel. Ang creepy naman ng mga tao dito. 

"Forth-y e-eight floor ma'am " nakatulala pa ring sabi nito, nginitian ko lang sya at pumasok na sa may elevator. 

Pagkadating ko dun grabe ang dami naman palang mag aapply. Haggard na ako pag ako na ininterview. 

One minute, One hour, Two hours, Three hours. Napahikab na lang ako sa antok na naramdaman ko. 

"Ms. Amber you're next po" napabalikwas ako ng narinig ko ang pangalan ko, dali dali kong inayos ang buhok ko at sinundan ang babaeng tumawag saakin. 

"Miss masungit ba boss nyo" nag aalangang tanog ko rito. 

"Sobra" sagot nito, bigla naman akong kinabahan.

"Pero hindi naman sya ang magiinterview sainyo ang papalitan nyo po pansamantala ang magiinterview sainyo" nakangiting sagot nito. Nginitian ko na lang din siya dahil kinakabahan ako. 

"Andito na tayo, Good luck " sabi nito na nakangiti. Kumatok muna ako para mag bigay galang bago pinihit ang pinto. 

"Goodmorning po." nakangiting bati ko sakanya. Nginitian nya lang din naman ako. Matanda na sya mga nasa mid-50's na sya. 

"Goodmorning rin. Have a seat" sabi nito at itinuro ang uouan sa harap nya. 

Napabuntong hininga na lang ako pagkalabas ko ng kwartong iyon. Feeling ko matatanggap ako. Hahaha! Naglalakad ako paalis sa CAC ng may mabangga akong tao, punymas naman kasi hindi man lang ako lumilingon sa dinadaanan ko. 

"Sorry po" hinging paumanhin ko rito at pinulot ang mga gamit nyang nahulog. 

Pagkatingala ko sakanya ay nakita kong nagulat sya. Maganda sya kahit medyo mukhang matanda na hindi pa rin maitatangging maganda sya. 

"Ah.. Ma'am hindi ko po talaga sinasadya." nakayukong litanya ko, nahihiya kasi ako sa katangahan ko. Nagulat na lang ako ng niyakap nya ako. 

"Oh my gosh! Cameron you came back" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Sino si Cameron? Hala. Ang weird ng mga tao dito kanina anghel ngayon Cameron? May mga third eye ba ang mga tao dito? Ayoko na tuloy dito. 

"Cameron pinuntahan mo ba si Prince dito?" nakangiting sabi nito. Nangunot naman ang noo ko. 

"Pasensya na po pero hindi ako si Cameron" sabi ko saka tumakbo palabas. Nakakatakot ang mga tao sa kumpanyang yun. Baka mga baliw yung mga yun? Hala dapat hindi na ako magpunta doon kahit kailan.

-
670 words

Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon