Amber's Pov
"Saan kayo pupunta?" maang na tanong ko sa mga matanda.
"Magdadate!" sabay na wika ng mga ito. Napataas ang kilay ko sa sinabi nila. Ang tatanda na ng mga ito kung makaakto parang pausbong pa lang ang pagbibinata at pagdadalaga nila.
"Paano mo ko nyan maihahatid Mang Esme?" tanong ko rito.
"Ihahatid ko po muna kayo bago kami magdate ng aking irog" nakangiting wika nito. Napatingin naman ako kay Aling Dionisia ng marinig ko ang impit na tili nito. Napairap na lang ako sa inakto ng matanda.
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko kay Aling Dionisia.
"Kasi nga may date kami. Bakit hindi ba ito bagay sa akin? Bagay na bagay naman ah!" magiliw na wika nito at umikot ikot pa ng parang modelo.
"Diba irog nababagay naman ang aking kasuotan sa akin?" malambing na wika ng matanda. Magiliw namang sinagot ng matandang lalaki ng oo ang kanyang iniirog. Pwe! Napakamakata ko na ng dahil sa dalawang matandang ito!
"Ganda mo nga Aling Dionisia hindi naman halatang galit ka sa tela at kinulang ka ano? Saka mukha mo pa talaga yang pinintahan mo." biro ko sakanya. Nakita ko namang namula ito. Kaya napahagalpak ako ng tawa.
"Hay nako! Mukhang may balak kayong kabugin ang KathNiel, JaDine at LizQuen e." wika ko habang naglalakad papasok sa bahay.
"Pero alam niyo si Bangky at Lilia lang ang kaya niyong kabugin" wika ko saka pumasok sa loob. Narinig ko pa ang pagsigaw nito.
Napailing na lang ako. Senior Citizens nowadays. Lumalovelife, dinaig pa ako. Napailing na lang ako at kumuha ng iilang damit.
Palabas na ako ng bahay ng makita ko ang dalawang matanda na nagyayakapan at malambing na nag-uusap. Nakakabitter naman ang mga to sa kalye pa talaga nagPDA.
"Hoy tama na yan. Tara na Mang Esme!" wika ko at una ng naglakad papuntang kotse. Napatigil ako ng may maalala ako saka lumingon sa gawi nila.
"Gurang magpalit ka ng disenteng damit!" natatawang asar ko saka nagtungo sa kotse. Tinatawag ko talaga siya Gurang, at kapag tinatawag ko siya nun talagang hahabulin niya ako ng may hawak na walis at hindi siya titigil hanggang hindi ako napapalo.
"Bastos kang bata ka! Palibhasa wala kang lovelife!" wika nito ng medyo magkalayo ako nilingon ko siga at saktong bumelat ito sa akin. Isip bata talaga itong matandang ito. Di ako gayahin napakamatured mag-isip.
"Walang forever Dions! Magbre-break din kayo!" biro ko saka ako bumelat sakanya.
Pumasok na ako sa kotse. May lovelife ako ano. Infact may asawa na nga daw ako. Bakit naman ako maiinggit sa mga gurang na yun. Eh mas gwapo naman ang asawa ko daw kaysa kay Mang Esme. Ang pinagkaiba nga lang mahal nila ang isa't isa kaya sobrang swerte nila. Hindi katulad namin, hindi ko siya maalala at hindi niya ako pinaniniwalaan sa bagay na yun. Pagtitiwala nga hindi nya kayang ibigay saakin, pagmamahal pa kaya.
Pagkahatid sa akin ni Mang Esme ay nagpaalam kagaad ito dahil susunduin daw niya ang kanyang irog dahil mamamasyal daw ang mga ito.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita kong pababa ng hagdanan si Prince. Lumingon lingon pa ito sa likod ko na para bang may hinahanap.
"Where's Mang Esme?" kunot noong tanong nito sa akin.
"May date daw." walang gana kong sagot. Lalo namang kumunot ang noo nito dahil sa paraan ng pag sagot ko sakanya.
Urgh! Ewan ko ba kung bakit ganito na naman ang mood ko, mamaya maya magsusungit na naman ako tapos mangungulit.
"May problema ka ba?" casual na tanong nito sa akin.
"Wala." masungit kong sigaw sakanya.
"Eh bakit ka na ninigaw?" sigaw nito sa akin.
"Eh bakit andami mong tanong?" sigaw ko pabalik sakanya. Nakakainis naman kasi siya e.
"Teka nga ha, Ano bang problema mo ha?" kalmadong wika nito.
"Wala nga e. Pagod na ako inaantok ako." casual na wika ko.
Nitong mga nakaraang araw talaga papalit palit ang mood ko. Nakakainis baka magkakaroon na ako kaya ganito na naman ang ugali ko.
"Sige umakyat kana. Doon sa kwarto natin" wika nito.
"Hindi ba iba ang kwarto ko?" tanong ko rito.
"May mag-asawa bang magkahiwalay matulog?" nakataas kilay na tanong nito sa akin.
"Oh edi tayo. Sungit!" wika ko saka umirap. Naglakad ako paakyat, syempre sa kwarto namin ako matutulog.
Pagkapasok ko sa kwarto ay inayos ko na ang mga gamit ko. Nakapagsunduan kasi namin, I mean inutusan kasi ako ni Prince na dito na tumira sa bahay niya dahil asawa daw niya ako. Pagkatapos kong magayos ng gamit ay pumasok ako sa bathroom para mag shower.
Patay, tama nga ang hinala ko mayroon akong dalaw ngayon. Hays, wala pa naman akong dala na pad. Dali dali akong nagshower saka ko sinuot ang bathrobe ko. Palabas ako ng bathroom habang tinatali ang bathrobe belt ng makita kong nakaupo sa may sofa si Prince at nanunuod. Utusan ko kaya ito.
"Hoy!" sigaw ko rito. Liningon naman ako nito nang nakakunot noo.
"Ano?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"Bilhan mo ako ng napkin dalian mo!" sigaw ko rito. Ganito ako kabugnutin kapag may dalaw. Naninigaw tapos mamaya nanlalambing then nanggigigil.
"Ha? Madaming table napkin sa baba." sagot nito saka liningon ang tv.
"Yung napkin! Ginagamit ng babae kapag may dalaw! Whisper, Modess, Sister and whatsoever! " naiiritang sigaw ko sakanya. Nakakainis kasi napakatanga naman.
"O-oh eh! Bakit ako ang bibili? Ako ba gagamit?" nakakunot noong tanong nito.
Inirapan ko ito, at saka binato ng unan ang kanyang mukha. Padabog akong lumabas ng kwarto ng sundan ako nito. Hinablot ako nito sa braso.
"Oh saan ka pupunta?" nakakunot pa rin ang noo nitong tanong sa akin.
"Bibili." maikling sagot ko. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.
"Ng ganyan ang suot mo?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"So? Pakielam mo ba?" pabalik na tanong ko rito.
"Ako na!" namula ang mukha niya at dali daling bumaba para bumili. Natawa na lang ako sa itsura niya.
-
985