Chapter 4

60 3 0
                                    


Amber's Pov

*Riiiiiiing* *Riiiiiiiiing* Putcha naman Bash! Ang aga naman mangistorbo netong tumatawag. Mas maaga pa kaysa sa bunganga ni Aling Dyons.

Hinanap ko agad yung phone ko at sinagot ko na agad ang tawag kahit hindi ko pa nakikita kung sino tumawag. 

"HELLOOO! ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS PA LANG HA?!" tinignan ko ang orasan sa taas ng pader. "AY SHIT! 9:30 am NA PALA, BAKIT HINDI MO MAN LANG SINABI HA?" Bulyaw ko sa kausap ko sa telepono. Teka sino ba to? Tinignan ko ang kung sino ang tumawag. Unknown number? 

"U-uhm Ma'am---"Pinutol ko ang sasabihin ng kausap ko.

"Hindi ako si Ma'am! Ako si Amber. Ano bang kailangan mo at nambubulabog ka ng ganitong oras?!" walang galang na sagot ko. Bwisit kasi ayoko talaga ng nagigising ng dahil sa ingay. Nakaligtas ako sa bunganga ni Aling Dyons ngayon tapos etong kung sino man to naman ang sisira! 

"Amber, I'm one of the employee of CAC---"

"So?" walang ganang sagot ko. 

"Pinapatawag po kayo sa opisina, kung pupwede daw po ay interview'hin lang daw po kayo ulit. But this time sa may ari na ng kumpanya" mahabang litanya ng kausap ko sa kabilang linya.

Interview ba kamo? Shoooot! 
"Uhm, Hello sige pupunta na ako dyan para sa interview" pa sweet kong sabi. 

Nagayos na ako agad ng pagkatapos kong ibaba ang tawag. Naglalakad ako palayo sa bahay ng may magsalita sa likod ko. 

"Saan ka pupunta?" liningon ko ang nagsalita at yun ay walang iba kundi si Aling Dyons. 

"Somewhere over the rainbow" nakangiting sagot ko. Inirapan lang naman ako neto. 

"Osya mag-ingat ka tanga ka pa man din" tukso nito sakin. 

"Maganda naman, E ikaw. Bleeee ~" linabas ko ang dila ko para tuksuin sya saka dali daling tumakbo ng hablutin nya ang tsinelas nya at aakmang ibabato sakin. 

Pag ka dating ko sa CAC na kita ko uli si manong guard, 

"Goodmorning manong guard! " nginitian ko sya, nginitian naman din nya ako. 

"Goodmorning Ma'am Angel!" bati nito sakin. 

"I'm not Angel, I'm Amber manong" naguguluhang paliwanag ko rito. Omeyg! May nakikita uli sya na di ko nakikita? 

"Mukha po kasi kayong anghel" nakangiting sabi nito sakin. 

Natatawang pinalo ko ang braso ni manong saka sya tinalikuran at pumasok na sa loob. Weird. 

"Miss saan ang office ng may-ari ng kumpanya? Ako nga pala ang may special interview sa kanya ngayon." nakangiting tanong ko sa nakapuwesto ngayon sa may lobby. Hindi ito yung kahapon, mukhang masungit itong ngayon e. 

Tinignan nya ako mula paa hanggang ulo. Saka inirapan. Aba! 

"50th floor" masungit na sabi nito. Inirapan ko lang sya saka tumalikod. 

"Cheap" narinig kong bulong nito. 

Liningon ko sya at nginisihan. "Ugly Biatch" with accent kong sabi saka sya tinalikuran. Nakita ko pang nagulat sya ng sabihan ko sya ng ganon. Well, I don't care. 

Pagkabukas ng elevator sa may 50th floor, biglang kumirot ang ulo ko. I think I've been here before. Sobrang lawak ng buong floor pero mukhang iisa lang ang office dito dahil halos sakop nya lahat. 

Naglakad ako patungo sa may babaeng nasa tapat ng office ng may-ari ng kumpanya. 

"Uhm Hello!" bati ko rito. 

"Hello, You must be Amber. I'm the one who called you a while ago. Nagising atta kita." natatawang sabi nito sakin. 

"Oo e. Pasensya na ha? Kung nabulyawan kita." nahihiyang sagot ko. 

"I understand, Sige pasok kana." sabi nito at sya na mismo ang kumatok sa pintuan ng opisina ng Ceo. 

Binuksan ko ang pintuan. Nakita kong nakayuko ang Ceo at busy ata sa mga papeles nya.

"Goodmorning Sir" magiliw kong bati sakanya. 

"Morning" walang gana nitong sagot. I think I heard that voice before. 

Unti unti syang nag angat ng tingin. Kulay green ang mga mata niya. I can see longingness visible in his eyes, pero nawala rin ito agad and I can see anger on his green eyes. 

Napaatras naman ako dahil sa mga tingin na iyon. I think I saw those eyes before. Napahawak ako sanulo ko ng maramdaman ko ang pagkirot nito. 

"We meet again, Wife" nakangising demonyong sabi nito. 

What wife?
-
685 words

Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon