Chapter 14

64 2 0
                                    

[18]

Amber's Pov

Papasok ako ngayon sa opisina ni Prince, kinakabahan ako baka sisantehin niya ako. Paano na lang ako makakabayad ng renta kay Aling Dionisia at paano na yung pangaraw araw kong kailangan. Haysss! Magiisip ako ng paraan!

Pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko siyang nakatanaw sa glass wall, nagbibilang siguro ng kotse. Joke!

*Ehem* konyaring ubo ko pero hindi pa rin ako nito nililingon. Wow, Snob. Baka di niya narinig.

*Ehem* mas malakas kong ubo. Hindi pa rin lumilingon.

"Yohoooooo! Goodmorning Sir!" pure energy kong sigaw. Baka kasi hindi pa ako marinig niyan. Lumingon ito at kunot noong tinignan ako.

"Shut up!" bulyaw nito sa akin.

Napairap na lang ako. Tinawag tawag niya ako rito tapos shut up lang pala ang sasabihin niya sa akin. Sayang oras. Tumahimik na lang ako.

"Bakit ka umalis?" mahina ngunit damang dama mo ang galit sa boses nito. Hindi ako sumagot.

"I'm asking you!" inis na singhal nito. Hindi pa rin ako sumagot, bored ko lang siyang tinignan at saka tinikom ang bibig ko.

"Aren't you going to talk!" napatalon ako ng hampasin niya any mesa niya, ano bang problema nito? Kanina lang sinabi niya sa akin shut up, ngayon pagsasalitahin niya ako. Ang gulo niya ha.

"Akala ko ba Shut up!" sabi ko sakanya saka ko siya inirapan. Tanga kasi e. Pashut up, shut up pang nalalaman pagsasalitain rin naman ako!

Namula ang mukha nito sa galit. "STUPID!" sigaw niya habang nakatingin sakin. Tama stupid siya! Buti na lang alam niyang stupid siya, kaya lang hindi naman niya kailangan idown yung sarili niya t ipangalandakan na tanga siya e. Nginitian ko lang siya.

"Why are you smiling?" kunot noong tanong nito saakin, umiling na lang ako baka sabihin pa nito pinagtatawanan ko siya dahil stupid siya.

"Why did you left me?" tanong nito sa akin ng medyo kalmado. Ano bang sasabihin ko nakakahiya naman kasi eh! Uh! Isip palusot Amber!

"Uhm.. Baka po kasi hinahanap na ako ni Aling Dionisia!" kinakabahang wika ko. Pinagcross ko pa ang mga fingers ko sa likuran ko para bumenta yung palusot ko sakanya. Tinignan naman ako nito na parang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagsisinungaling.

"Uhmm! Kasi po ganito iyan. Si Aling Dionisia po may pagkamaharot kasi yung matandang yun, e nagkita sila ni Mang Esme yung runaway groom niya, yung driver niyo ho Sir! Yun, so yun nga kaya ko siya binabantayan concern lang naman akong kaibigan e. Baka mamaya mabuntis siya ng maaga e, 53 pa lang siya. Sobrang bata pa niya para magbuntis. Kaya sobrang strict ko kay Aling Dions." mahabang kwento ko sakanya with matching hand gestures para bumenta talaga yung palusot ko.

Liningon ko siya napapailing na lang ito at humakbang papalapit saakin. Ayan na naman nagririgodon na naman yung puso ko. Huminto ito ng kaharap ko na siya.

"How old are you?" tanong nito saakin.

"26 po" nakangiting sagot ko. Napakunot ang noo nito. Ngunit umiling na lang siya.

"You left me in same place, same time, same scene, same date." wika nito. Napakunot na rin ang noo ko, ang oa e minsan ko pa lang naman siya iniwan ah. Magsasalita pa sana ako kaya lang nagsalita uli siya.

"Sobrang strict mo kay Aling Dionisia, Pero ikaw na 26 years old." nabitin sa ere ang sasabihin nito at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "mukhang mauuna ka pang magbuntis kaysa sa 53years old." nakangiting sabi nito.

Namula ako ng maalala ko yung nangyari saakin, Nagulantang ako ng may marealize ako! Hindi siya nagsuot ng proteksyon, kaya may posibilidad na mabuntis ako. Napahaplos ako sa tyan ko ng sumagi ang ideyang iyon sa utak ko, nakita kong sinundan ng tingin ni Prince ang kamay kong humahaplos sa tyan ko. Tama ba ang nakita ko? Na kumislap ang mga mata nito? Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko.

"Uhm.. Sir, pwede po bang huwag na lang akong pumasok bukas? nakayukong tanong ko.

"Huh? why?" tanong nito saakin, nakita ko ang mga paa nitong humakbang papalapit saakin kaya bigla bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ano ba to, napahawak ako sa dibdib ko at liningon si Prince.

"Magpapacheck up po kasi ako Sir" mahinang wika ko rito. Napatingin naman ito sa nga kamay ko na nakahawak sa dibdib ko.

"Why do you have a heart disease?" tanong nito sa akin saka niya ako nilapitan.

Napayuko na lang ako baka marinig kasi ni Sir yung sobrang lakas na kabog ng puso ko e. "Kaya nga po ako magpapatingin sa doctor e dahil aalamin ko po kung nay sakit talaga ako sa puso, kasi bigla bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing lumalapit kayo sa akin. Tulad po ngayon sobrang bilis ng tibok ng puso ko, Siguro heredity heart di--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita kong natigilan siya napatitig siya saakin kaya tinitigan ko rin siya, ilang segundo ang nakalipas ng bigla ako nitong halikan.

-

Sobrang haba sana nito kaya lang dalawang beses nabura.
835 words

Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon