Chapter 9

46 1 0
                                    


Amber's Pov

Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Prince. Hindi niya rin ako kinikibo. Napagpasyahan kong umuwinmuna sa inuupahan kong bahay. 

Lulan ako ng taxi ngayon pauwing bahay. Hays, ano bang gagawin ko para pansinin ako ni Prince, gusto kong magsorry but how can I do that if he's ignoring me. 

Tumigil ang taxi sa tapat ng bahay na inuupahan ko nagbayad ako at saka tumawid papuntang kabilang kalye. 

"Omyggggggggg!" parang teenager na tili ni Aling Dions. Pagkakita nito sakin ay niyakap ako nito ng mahigpit. Napangiti na lang ako, saka niyakap rin siya pabalik. 

"Akala ko naman kung napaano ka ng bata ka! Saan ka ba galing na bata ka at halos dalawang linggo kang nawala!" sermon nito sakin na parang nanay. Napangiti naman ako feeling ko mapupunit na ang labi ko. Masaya lang ako dahil may nagaalala pa pala saakin. 

"Uy si Aking Dions. Nag-aalala! " tukso ko rito saka sinundot sa tagiliran. 

"Echusera kang bata ka! Hindi ka pa kasi nakakapagbayad ng utang mo!" umirap pang sagot nito. Natawa na lang ako, In denial ang lola ninyo. 😂

Napanguso naman ito ng tumawa lang ako. "Tara nga ho sa loob at huwag nga ho kayong ngumuso dyan! Mukha kayong daga." natatawang asar ko sakanya, tinaliman niya lang titig niya saakin. Nagpeacesign na lang ako. 

"Saan ka ba talaga galing? " tanong nito pagkapasok namin. 

"Wala po ate. Dyan lang sa may kaibigan ko wala kasi siyang kasama sa bahay e hindi siya sanay kaya nagpasama sakin hanggang nakauwi ang mga magulang niya galing probinsya." pinagkrus ko ang mga daliri ko, sana kagatin niya ang palusot ko. 

Tumango tango lang ito. Naalala ko na naman si Prince, ano kayang gagawin ko para pansinin niya ako? Hays. Hindi ko naman kasi alam na ganon pala ang nangyare e. 

"HOY!" napatalon ako sa gulat sa pagsigaw ni Aling Dions. 

"Hindi ka nakikinig sakin, ano bang iniisip mo?" tanong nito saakin. Bahagya lang akong umiling. 

"Huwag mo ng isipin yun, hindi ka mahal non. Walang forever!" bulyaw sakin ni Aling Dions.

Natawa naman ako. "Meron ho kayang forever" natatawang sagot ko. 

"Bukod sa forever mong hindi pagbayad ng upa sa renta. Ano pa bang ma ka kapag patunay na may forever " irap nito sakin. Hala, ang bitter ni Aling Dions. 

"Bitter mo naman Aling Dionisia!" ngumiti lang ito, yung ngiting malungkot. 

"Bakit po?" tanong ko rito. Ang tinutukoy ko ay kung bakit siya bitter. Umiling lang ito saakin. 

"Shoos! Aling Dions ha, porket walang naliligaw sainyo sa ngayon hindi na kayo naniniwala sa forever! Baka on the way lang po ang mister right nyo, traffic nga lang kasi sa EDSA" natatawang sabi ko to cheer her. 

"Siguro nga may forever pero hindi na mahalaga yun sakin ngayon" nakangiting sagot nito sakin pero kita ang lungkot sa nga mata nito. 

"Iniwan ako ng pakakasalan ko sa mismong araw ng kasal ko." malungkot na sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi niya. 

Hinawakan ko ang kamay nito. "huwag ho kayong magalala madami pa pong iba dyan." nakangiting sagot ko. Hindi ko alam na ganon pala ang pinagdadaanan ni Aling Dions. 

Pagkaraan ng ilang oras ay nagpaalam muna ako kay Aling Dions, napagpasyahan kong pumunta sa CAC kakausapin ko si Prince. 

-
538 words

Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon