Confusing Dilemma
Five years na ang nakakalipas simula nung maging crush ko si Markus Ferreira pero hanggang ngayon siya pa din ang tinatangi ng puso ko.
Korny. (=_=)
Mula kolehiyo, hanggang ngayon na nagtatrabaho na ako, Markus Ferreira pa din. Paano ko ba naman siya makakalimutan eh kahit saan ako mapatingin nakikita ko siya. Sa billboard, sa TV commercials, sa mga fashion events. Kahit mga kaibigan ko siya ang bukang-bibig. Haay, paano ako makakamove-on?
Move on agad? Ni hindi mo nga siya nakausap ng matino noon.
Ako po si Frances Sanchez, 23 taong gulang at hanggang ngayon ay infatuated pa din sa college crush ko na si Markus Ferreira. Sabi ng mga kaibigan ko, abnormal daw ako. Sabi naman ng mga kapatid ko obsessed daw ako. Kahit kasi ako hindi ko maintindihan ang sarili ko eh. Samahan po ninyo ako na alamin kung ano ba talaga si Markus Ferreira sa buhay ko. At sa muli naming pagkikita, masasagot ba ang katanungan ko?
Ano ba siya sa akin? Crush? Infatuation? Obsession? Love?
O, ginagamit ko lang siya para pagtakpan ang isang bagay na gustong-gusto ko nang makalimutan?
Hindi yon totoo! Syatap! (T 3 T)
BINABASA MO ANG
Confusing Dilemma
Teen FictionAno ang unang pumapasok sa isip mo kapag gusto mo ang isang tao (opposite sex)? a. Crush ko na siya! b. Attracted ako sa kanya! Ang pogi! c. Infatuated, kasi nakakabaliw siya! d. Obsessed na ako. Stalker pa! e. Sealant. Gagawin ko siyang panakip-but...