Sabay Tayo

43 2 0
                                    

Chapter 7: Sabay Tayo

Heto ako ngayon, nakasakay sa kotse ni Kathryn papunta sa fashion event na kinabibilangan ni Markus. Naubusan kasi ako ng alibi dahil naunahan ako ni Louise.

“Ang tahimik mo ata.” Puna ni Kathryn sa akin. Tinignan pa ako nito gamit ang rearview mirror.

“Excited lang yan,” sabi naman ni Louise at humarap sa akin.” Don’t worry, maganda ka ngayon. Winner ang dress mo, ganda pa ng make-up mo.”

“Talagang yung dress at make-up yung maganda? Hindi ba puwedeng ako muna?” nakahalukipkip na sabi ko kay Louise.

“Hindi ko napansin eh, sorry?” nag peace sign pa ito at umayos na ng pagkakaupo.

“Naku!” (≥_≤) ngali-ngaling ituktok ko kay Louise ang takong ng suot kong sapatos.

<3 <3 <3

Pagkadating namin sa venue kung saan gaganapin yung event nakaramdam ako ng kaba. Confident naman ako sa itsura ko ngayong gabi pero pag naiisip ko na makikita ko si Markus eh parang dose-dosenang daga ang nagrarambulan sa tiyan ko.

Anong sasabihin ko?

Ngingitian ko ba siya?

Ako ba ang unang papansin sa kanya?

Kakawayan ko ba siya habang ruma-rampa siya?

Bibigyan ko ba siya ng flowers?

Ayoko na! Naloloka na ako! (@_@)

Papasok pa lang kami sa hall eh sumasakit na mga paa ko. Sobrang taas naman kasi ng sapatos na pinasuot sa akin ni Kathryn, hindi pa naman ako sanay. Pero siyempre hindi ko pinahalata sa dalawa kasi lalaitin lang ako ng mga iyon. Ipapa-check-up ko na lang siguro mga paa ko bukas, o mamaya kapag hindi na kinaya.

Nung nasa loob na kami, ngayon ko naisip na buti na lang at nag high heels ako. Pulos malalaking tao nakikita ko. Models, celebrities, socialites at marami pang iba. Meron din mga media sa paligid. Ibig sabihin talagang malaking event ito sa fashion industry. Umupo kami sa VIP seats. Grabe, puro socialites at celebrities ang katabi namin. Meron din mga business people at pati politicians na sa news paper at magazines ko lang nakikita. Yung iba nga hindi ko kilala pero lahat sila iisa lang ang masasabi ko: BIG TIME. Lahat sila. Feeling ko OP ako sa VIP area, pero since si Kathryn Cruz at Louis Mendoza ang kasama ko, medyo naging confident na din ako.

Nagsimula na ang show at isa-isa na din lumabas ang mga model na suot ang mga damit na nilikha ng mga kilalang Filipino designers local man o abroad. Dahil first time ko na manood nang live ng ganitong event, eh talaga namang namangha ako. Nung in-announce na tapos na yung show eh parang nabitin ako at saka ko lang naalala.

Asan na si Markus Ferreira?

Parang sagot naman sa tanong ko eh biglang nagsalita si Kathryn. Hawak nito ang cellphone at binabasa ang message. “Hindi nakarating si Markus. Nagleave daw ito last week.”

“Ha, bakit?” tanong naman ni Louise.

“Hindi sinabi ni Eva eh.” Tinutukoy nito ang agency manager ni Markus. “Personal reasons daw.”

“Sayang naman, kung kelan sumama si Fran.” Sabi ni Louise at nag-inat. “Tara, let’s just enjoy the evening and have some fun!” Tumayo na ito at tinungo ang bar.

                Inalis na ang stage at napalitan ito ng dancefloor. Naka set-up na din ang DJ na natatakpan lang pala ng kurtina kanina. Sinundan namin ni Kathryn si Louise na nagsisimula nang uminom ng alak. May mga umiikot din na waiters na namimigay ng drinks. Kumuha kami ni Kat ng cocktail at umupo sa may couch.

Confusing DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon