Kasalanan ko ba?

46 3 4
                                        

Chapter 18: Kasalanan ko ba?

                Hindi pa din keri ng powers ko lahat ng nasaksihan ko noong sabado. Parang wala pa din ako sa sariling katinuan. Bakit kasi nangyari pa iyon? Sana nauso na ang time machine para bumalik ako sa nakaraan at baguhin lahat ng mga maling desisyon na nagawa ko.

                “Earth to Frances, over!” tawag atensiyon sa akin ni Princess. Lunes, unang araw ng linggo. Na-assign ako sa isang account at si Princess ang ka-partner ko. Badtrip nga eh. Sana si Timmy na lang. Bukod sa maingay, malakas din ang pang-amoy ng Princess na ito. Panigurado, malalaman nito na wala ako sa sarili kapag nagkataon. I have to focus!

                “Ano ba yon?” naiinis na sabi ko kay Princess. Mag-iinarte na lang ako na kunwari mainit ang ulo ko.

                “PMS teh?” hindi pa nakuntento, pumasok pa ang lukaret sa cubicle ko at umupo pa sa extra na swivel chair sa likod ko. Ang cubicle kasi sa office eh pang dalawang tao, yung magkatalikuran ang style. Si Timmy at Princess ay share sa isang cubicle, samantalang  yung ka-share ko naman ay na-promote sa sister company namin three weeks ago, kaya solo ako ngayon. “May good news pa naman ako.”

                “Ano nga yon?” tinuloy ko na lang ang kunwaring pagta-type ko. “Yung malaman pa lang na ikaw ang partner ko sa next account eh sapat na para sirain ang buong linggo ko.”

                “Ouch ha!” hindi nakuntento, niyugyog pa ni Princess ang upuan ko.

                “Ano ba!” (¬_¬) nanggigil na umikot ako paharap kay Princess pero nakangisi pa din ang baliw.

                “Well, kahit pagsungitan mo ako buong taon, masaya pa din ako kasi nginitian ako ni Tantan my loves!”

                “Malala ka na.” umikot ako ulit paharap sa table ko. “Ano ba kasi yung sasabihin mo? Busy kasi ako.”

                “Ay, oo nga pala.” Tumayo na ulit si Princess at bumalik sa cubicle niya na ilang hakbang lang ang layo. Wala pang isang minuto, bumalik na ulit ito. Pero hindi ito nag-iisa.

                “Meet Cyral Villongco. Siya ang bagong intern natin.” Pakilala nito sa kasama nitong babae. Cute ito at may kaliitan katulad ni Timmy. Mukha ding mabait at smart. “You will train her starting today, kaya ikaw na ang bahala sa kanya!”

                “Ano—?” bigla na lang nawala sa harapan ko si Princess at naiwan si Cyrene? Celene? Cyan?

                “Cyral Villongco po! Nice meeting you!” (=^・^=) nag bow pa ito. Sa hindi ko alam na rason eh napa-bow din ako. Hindi naman kami Hapon ah! Kakaloka itong batang ito.

                “Hello. I’m Frances Sanchez, Junior Accountant.” Tumayo ako at nakipagkamay kay Cyral. “You may use this vacant table for the mean time.” Tukoy ko sa vacant table sa cubicle na ginagamit ko.

                “Talaga po?” nanlalaki pa ang mga mata at pumasok na ito sa loob ng cubicle. “Salamat po ah!”

                “Welcome.” Ngumiti ako. “I suppose you already had your orientation with Tristan?”

                “Kay Sir Tristan Enero po?” tukoy nito kay Tristan na siyang Supervisor namin at ang kinababaliwan ni Princess. “Opo, nag-orientation na po kami kahapon.”

                “Good,” nilingon ko ulit si Cyral na komportable nang nakaupo. “Anyway, tatapusin ko lang itong report na ginagawa ko before I explain to you your tasks.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Confusing DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon