Dapat walang makaalam

35 2 0
                                    

Chapter 17:  Dapat walang makaalam (Flashback)

                Naglalakad kami ni Darwin sa parking lot papunta sa sasakyan niya. Pagkatapos mag-skating, nanuod naman kami ng sine at nag-dinner sa isang restaurant, kaya hayun, ginabi na tuloy kami.

                “Sa dorm ka ba uuwi ngayon?” tanong sa akin ni Darwin pagkapasok sa kotse.

                “Hindi, uuwi muna ako sa bahay. May kukunin lang akong gamit.” Sagot ko naman. Pero ang totoo, gusto ko munang umiwas kay Vanessa, kahit ngayong gabi lang.

                “Ihahatid na kita kung gusto mo.” Sabi ni Darwin at binuhay na ang makina ng kotse.

                “Hindi na, sa may bus station sa buendia mo na lang ako ibaba.”

                “Gabi na kaya. Delikado magbiyahe kung mag-isa ka.”

                “Ano kaba. Hindi pa kita kilala nakakauwi ako mag-isa kahit gabing-gabi na. Huwag mo na akong ihatid.”

                “Hindi, ihahatid kita.” Pagpupumilit nito.

                “Sige, ihatid mo ako hindi na kita kakausapin kahit kelan!”

                “Bakit ba ang kulit mo?”

                “Mas makulit ka.”

                Napabuntong hininga na lang si Darwin. “Ok, hindi na kita ihahatid, pero tatawagan mo ako agad pag-uwi mo ha.” Paalala pa nito.

                “Opo.” Hehehe sabi sa iyo hindi ka mananalo sa akin eh. Napangiti ako sa naisip kong iyon. Naalala ko bigla na meron pala akong bagay na gustong ipakiusap kay Darwin.

                Nagpasya na ako. Hindi ako makikipag-break kay Darwin ngayon. Bahala na kung isipin man nila na selfish ako, pero masaya kasi ako kapag kasama ko si Darwin, pero ayoko naman na sumama ang loob sa akin ni Vanessa. Gagawin ko lahat para pareho silang manatili sa buhay ko. Kesyo magsinungaling pa ako. Alam ko na talo ako sa bandang huli, pero ang mahalaga yung ngayon. Bahala na ang bukas.

                “Darwin, may sasabihin pala ako sa iyo na importante.” Kinakabahan ako. Kagabi ko pa pinag-praktisan yung sasabihin ko ngayon. Isinulat ko pa nga iyon sa journal ko para lang maayos ang composition. Pero parang sasablay pa din ako. Kapag kasi nagsimula na akong magsalita, parang nabablanko ang utak ko.

                “Ano yon?” napatingin sa akin ni Darwin. Siguro nahimigan niya na seryoso ang sasabihin ko.

                “Tungkol sa ating dalawa.” Huminga muna ako ng malalim. “Puwede ba na wala munang makaalam nito. Kahit kaibigan, pamilya, kaklase, pinsan, tropa, barkada, bestfriend mo. Pwede ba?”

                “Bakit?” nagugluhang mukha ni Darwin ang nakita ko.

                “Medyo complicated kasi eh. Nagpromise kasi ako sa tatay ko na hindi muna ako magbo-boyfriend. Pati sa friends ko. Nahihiya ako na hindi ako tumupad sa usapan.” Sana kagatin niya!

                “Lahat naman tayo nag-iiba ng desisyon diba?” Pinatay ni Darwin ang makina ng kotse at lumabas ng sasakyan.

                Sumunod ako kay Darwin na kasalukuyang nakasandal sa pinto ng kotse. Tumabi ako sa kanya. “Please Darwin. Unawain mo naman ako. Nagpromise kasi ako eh. Sige na? Wala naman mawawala eh.”

                “Walang mawawala? Frances, I want everyone to know that you are my girl. Na wala nang puwede na lumapit pa sa iyo na ibang lalaki. I want to protect you. Take care of you. I want to express my feelings for you every single moment na magkasama tayo. Pero kung gusto mo na itago iyon, para tayong naglalaro lang.” Darwin looked frustrated. Ano ba kasing mahirap doon sa gusto kong mangyari?

                Naiiyak na ako. Nakakainis kasi. Gusto ko lang naman na itago yung relationship namin. Mahirap ba iyon? Kung ganito ang mangyayari, wala na akong choice kundi sundin ang plan B, makipaghiwalay na lang kay Darwin. Sa naisip ko na iyon, napaiyak na ako ng tuluyan.

                “Hindi mo kasi ako naiintindihan eh. Ikaw kasi, lapit ka ng lapit. Kasalanan mo lahat ito eh. Kung hindi ka lang sana nagpupumilit na pumasok sa buhay ko noon, hindi sana ako namo-mroblema ng ganito. Ayoko sana makipagbreak sa iyo, pero wala na akong choice.” Ano ba yan. Bakit sinabi ko pa iyon. Ang sunga ko talaga. Hindi ba puwede na mag-walk out na lang ako? Kaso hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko dahil ang higpit na ng pagkakayakap sa akin ni Darwin. Yung tipong ayaw na niya akong pakawalan. Well, sasamantalahin ko na, baka last na ito eh!

                “You really know how to control me, Yuri.” Darwin cupped my face and kissed my forehead. “You are my sweet little weakness. Kung iyon ang gusto mong mangyari, sige pagbibigyan kita.”

                “Really?” napangiti ako sa sinabing iyon ni Darwin. Nabuhayan tuloy ako ng loob.

                “Yup,” ngumisi ito sa akin. Kapag ganito na ang ngiti ni Darwin, alam kong meron itong kapilyuhang naiisip. “Pero sa isang kondisyon.”

                “Ano?”

                “Kiss muna.” Ngumuso pa ang loko.  (^3^)

                “Mukha mo!” pinisil ko pa ang ilong nito at tumakbo na pabalik sa loob ng sasakyan.

0_o 0_o 0_o 0_o

Selfish ba si Frances?

Please follow, vote and comment.

http://www.wattpad.com/user/YutomiMei

https://www.facebook.com/yutomi.mei

Twitter: @YutomiMei

Salamat! ♥

Confusing DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon