Pinagkaisahan nila ako

69 2 0
                                    

Chapter 5: Pinagkaisahan nila ako

                “So, nag-uwi ka daw ng lalaki kagabi?” boses agad ni Louise ang narinig ko pagsagot ko ng telepono. “Markus Ferreira! Ang college fantasy mo! Winner ka bakla!” tumili pa ito sa kabilang linya.

                “Sino naman nagsabi sa iyo niyan?” tanong ko habang nagta-type ng report.

                “Edi si Penny. Magka-chat kasi kami kanina. Natutulog ka daw kasi kaya ayun nagkuwento sa akin!”

                “Sasabihin ko naman eh, saka kanina lang iyon nangyari. Masyado ka kasing excited.”

                “Basta may kinalaman sa lalaki excited ako. Magkikita kami sa Starbucks ni Kathryn mamaya, may gagawin ka ba?”

                “Anong oras ba?”

                “Mga alas otso.”

                “Sige, punta ako.” Pagbaba ni Louise ng telepono, pumunta ako sa kuwarto ni Penny.

                “Penny! Anong sinabi mo kay Louise?”

                “Ha?” kasalukuyang itong ngalilinis ng kuko. “Na, inuwi mo si Markus sa bahay kaninang madaling araw?”

                “Waaahh! Alam mo naman na hindi ako tatantanan ng mga iyon eh.”

                “Hello, ate.” Tawag ni Zach. Hindi ko siya napansin. Nakasandal kasi siya sa kabilang dulo ng kama ni Penny. “Kamusta ang pananantsing mo kay Markus?”

                “Loko ka ah!” pinuntahan ko at dinamba si Zach. Malaking lalaki ito at matangkad. Ano pa ba aasahan mo sa isang basketball player? “Kilala mo na pala si Markus noon pa, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” patuloy na pagkurot ko kay Zach. Nahirapan nga lang ako kasi puro muscles na ngayon ang baby brother ko.

                “Ate, sabi mo kasi dati wag kong pakialaman ang pantasya mo kay Markus eh. Aray!” patuloy na iwas nito.

                “Ibang usapan na iyon. Nakakainis kayong dalawa!” nagmartsa na ako palabas ng kuwarto. “Aalis ako baka gabihin na ko ng uwi.”

                “Sabihin mo lang kapag mag-uuwi ka ulit ng lalaki para masundo ka namin sa kanto.” Pahabol pa ni Zach.

                “Cheh!” (¬‿¬)

<3 <3 <3

                “Yun lang ang nangyari?” tila disappointed na sabi Louise.

                “Bakit ano ba gusto mong mangyari?” tanong ko naman pagtapos sumusubo ng cake.

                “Like nag-sex kayo or something,” sagot nito. Well, I’m kind of expecting it. Si Louise pa, babaeng bakla yan.

                “Asa ka naman. Hindi gugustuhin ni Markus na i-sex yan si Fran. Malamig pa sa tuod yan eh.” Sabi naman ni Kathryn. “Siyempre gugustuhin ni Markus yung mga hot na girls. Ewan ko ba Fran kung bakit naging kaibigan kita.”

                “Puwede ba, bakit ba sex life ko pinag-uusapan natin dito?”

                “Meron ka ba nun?” sabay na tanong ni Louise at Kathryn.

                “Kainis kayo!” (T 3 T) tawanan na lang yung dalawa. Sabi ko na nga ba ako pagtitripan ng mga ito eh. High school bestfriends ko si Kathryn at childhoot bestfriend ko naman si Louise. Naging magkaibigan ang dalawa dahil sa akin. Magkaiba kasi kami ng school na pinasukan ni Louise. Madalas na nagkikita ang dalawa sa bahay namin kapag tumatambay si Kathryn, hanggang sa maging magkaibigan ang mga ito. Pagdating ng college, magkakaiba kami ng University. Si Kathryn nakapasok sa pinaka malaking state university sa bansa, habang si Louise naman ay sa isang prestigious university nag-aral. Magkalapit ang school ng dalawa kaya lalong naging close ang mga ito. Pero kahit na medyo malayo ang ako dati sa dalawa, lagi pa din kami nagkikita tuwing weekends. Sila ang mga taong kinukuwentuhan ko pagdating kay Markus palibhasa malayo ang mga ito at hindi nila kilala ng personal si Markus noon. Pero iba na ngayon.

                “Anyway, I got free VIP passes sa isang fashion show next friday.” masiglang balita ni Kathry. Nagtatrabaho ito bilang editor sa isang malaking fashion magazine sa bansa. Lagi itong invited sa mga social events, fashion shows and press conference. Suma-side line pa itong mag host. Ilang beses na din nitong nakasama si Markus sa mga events. 

                “Really?” nanlalaki pang mga mata na sabi ni Louise. “Kasali ba diyan si Markus?”

                “Siyempre naman,” kinuha nito sa bag ang tickets at iniabot sa amin ni Louise. “Kukuha ba ako ng tickets kung alam ko na wala naman tayo mapapala diyan?” Kahit kasi ganun ang trabaho ni Kathryn, hindi ito masyado mahilig sa mga party, puwera na lang kung kikita ito ng pera o kaya ay may makukuha itong impormasyon katulad nito.

                “Don’t tell me tatanggi ka na naman? Hindi ka ba naaawa sa effort ni Kat na everytime may fashion event na kasama si Markus, kumukuha siya ng ticket para lang sayo?” pangongonsensya ni Louise sa akin. Lagi ko kasing tinatanggihan ang pagsama sa mga ito kapag alam ko na nandoon si Markus. “Wala kang puso, hindi mo man lang ma-appreciate ang effort ng mga kaibigan mo para lang mapasaya ka.” Madamdamin pang pagpapatuloy nito.

                “Hindi mo ko madadaan sa drama mo Louise.”

                “Buwisit ka!” maligalig na pagtulak sa akin nito. Sa aming tatlo kasi, itong si Louise ang may pinakamalaking topak. 

                “Hindi ka naman namin pipilitin sumama kung ayaw mo,” sabi naman ni Kathryn. “Kahit na ito ang pang isang dosenang tanggi mo sa mga invitation ko sa iyo. Mabubuti lang naman kaming kaibigan. Gusto ka lang naman namin na sumaya. Pero kung sa tingin mo masyado na kaming nakikialam sa pribadong buhay mo, pasensya ka na. Sana maging Masaya ka sa desisyon mo.” Kinuha ni Kat ang ticket at akmang pupunitin. Nakonsensya naman ako bigla.

                “T-teka!” pigil ko kay Kat. “Sige na, sasama na ako.”

                “Yes!” tili ni Louise at nag-apir pa kay Kathryn.

                “Effective ba?” tanong ni Kat kay Louise. Kumindat pa ito.

                “Oo, galing mo! Puwede na!”

                Clueless na tumingin ako sa dalawa. Parang may mali.

                “Ay, and slow.” Sabi na Kathryn sabay iling. Tawa naman ng tawa si Louise. Para naman may bumbilyang umilaw sa ulo ko.

                “Waahhh! Pinagkaisahan ninyo ako!” (╥﹏╥) binato ko ng table napkin ang dalawa na tawa pa din ng tawa. “Kala ko seryoso na si Kat doon eh!” wala kasi sa pagkatao ni Kathryn ang magsalita nang ganoon.

                “Siyempre ako ang nagturo!” proud pa na sabi ni Louise.

                Kung si Kathryn ay editor sa isang fashion magazine si Louise naman ay isang freelance make-up artist. Pagkatapos mag-graduate ng Business Administration ay nag-aral ito ng cosmetics sa ibang bansa. Nagsisimula na itong makilala sa larangang iyon. Ilang socialites, TV personalities, politicians at artista ang naayusan na nito. Minsan na din nitong nakatrabaho si Markus nang kunin ito sa isang fashion show. Parang pinagsisisihan ko na sinabi ko sa dalawa ang pagkakagusto ko kay Markus noon kasi hindi ko naman akalain na magkikita at magkakakilanlan ang mga ito. Ako tuloy ang lagi nilang pinagtitripan kapag may kinalaman kay Markus Ferreira. Sa dami na nilang nakilalang mga guwapo, hindi man lang nila ako nireto. Pero pagdating kay Markus, kulang na lang ibenta nila ako.

0_o 0_o 0_o 0_o

Ano kaya iniisip ni Louise at Kathryn?? Parang may something eh!! Abangan po ninyo sa next chapter!

Ano po sa tingin ninyo?

Please follow, fan and comment.

http://www.wattpad.com/user/YutomiMei

https://www.facebook.com/yutomi.mei

Twitter: @YutomiMei

Salamat! ♥

Confusing DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon