Ang sweet niya eh, paano na?

43 2 1
                                    

Chapter 16: Ang sweet niya eh, paano na? (Flashback)

                Puwede ko bang bawiin yung nararamdaman ko kay Darwin? Puwede ko bang sabihin sa kanya na nagjo-joke lang ako na sinagot ko siya? O kaya makipag-break na lang ako sa kanya? Puwede bang pabalikin ko na lang ang oras at bawiin lahat ng nagawa ko na? Puwede bang si Markus na lang kesa kay Darwin?

                Kaso hindi puwede. (T_T)

                Hindi ko na puwede pang bawiin lahat ng nagawa ko na. Hindi din puwede na makipaghiwalay ako kay Darwin ng ganoon na lang. Una, unfair iyon sa kanya. Pangalawa, ayaw din ng puso ko. Waaah! Maloloka na ata ako.

                Alam ko. Alam ko na malaki ang posibilidad na maging katulad din ako ni Vanessa sa huli. Na iiwanan din ako ni Darwin kapag nagsawa na siya sa akin. Na magiging miserable ako. Na ako ang talunan. Pero, masaya ako ngayon. Kung sa bandang huli, masaktan man ako, mahalaga minsan sa buhay ko, naging masaya ako ng ganito.

                Pero dahil sayo, may isang tao na nasasaktan. Hindi lang basta tao eh, kaibigan mo pa.

                Vanessa.

Naalala ko tuloy yung pag-uusap namin kagabi.

Flashback:

                “Si Darwin Kean Acosta?” tanong ko kay Vanessa. Medyo nawiwindang pa din ako sa takbo ng usapan namin.

                “Oo,” humiga si Vanessa sa kama ko. Nanghihina naman na napa-upo ako sa sahig. “Yun ang buong pangalan niya.”

                “Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?” gusto kong umalis ng kuwarto at magsisigaw. “Bakit Vanessa?”

                “Hindi ko naman ine-expect na makikilala mo ng personal si Kean. Na liligawan ka niya. I mean, ibang-iba ka kasi sa tipo niyang babae. Pero nagkamali ako. He found you amusing. Nung sinabi mo sa akin na crush mo si Markus Ferreira, naisip ko si Kean, kasi nga magbarkada sila. Sinubukan ko makipag balikan sa kanya noon, pero nalaman ko na may nililigawan siya na babae, at mukhang seryoso siya. At iyon nga nalaman ko na ikaw nga iyon. Gutso kong magalit sayo. Nagselos ako. Kaya nung mga panahon na lumalapit sayo si Darwin sa school, umiiwas ako. Ayoko na makita kayong magkasama.  Pero ikaw na mismo nagsabi na hindi mo gusto si Darwin dahil si Markus ang gusto mo. Nagkaroon ako ng pag-asa.

                “Bago siya pumunta sa New York tinanong kita kung sasagutin mo si Darwin. Pero sabi mo hindi mo naiisip iyon. Na isa lang siyang sagabal sa iyo. Na panggulo lang siya sa buhay kolehiyo mo. Dahil doon, umasa ako. Umasa ako na titigilan ka na ni Kean. Umasa ako na may pagkakataon ako na makipaglapit sa kanya. Kaya nagdesisyon ako na pagbalik niya galing New York kakausapi ko siya. Na makikipagbalikan ako. Pero ayun nga, sabi niya may girlfriend na siya. Na this time, seyoso na siya sa babaing iyon. Nasaktan ako, pero kahit papaano, medyo tanggap ko na. Pero hindi ko matanggap na ikaw iyong babaing iyon. Kung ikaw man yung girlfriend na tinutukoy ni Kean. Gusto kong magalit sayo. Ayokong makita ka pa. Na kasalanan mo ang lahat. Pero tanga ko kung gagawin ko iyon. Hindi mo naman kasalanan kung magustuhan ka man ni Kean.”

                Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kasi totoo naman. Kasalanan ko. Ang sama ko. Bakit ba kasi hindi ko naisip iyon noon pa? Palagi akong tinatanong Vanessa tungkol kay Darwin. Tapos noong sinabi niya na si Kean ay pupunta din sa New York hindi man lang ako naghinala. I’m so stupid. Parang pinagtataksilan ko si Vanessa. Hindi ko sinasadya.

                “Hindi ko alam ang sasabihin ko.” Nasabi ko bigla. Iyon naman kasi ang totoo.

                “Sabihin mo hindi ikaw yung tinutukoy ni Kean na girlfriend niya.” Nagmamakaawa na sabi Vanessa. Bigla itong natawa. “Sino bang niloko ko. Hindi ko kaya Frances. Ako na lang ang lalayo.”

Confusing DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon