Chapter 11: Date!!!
“Ang ganda naman dito.” Sabi ko habang ginagala ang paningin ko sa napakagandang view ng Taal Lake. Nagpunta kami sa Tagaytay. Mabilis ang naging biyahe namin, kaya sunset nung makarating kami doon.
“Glad you liked it.” Tumabi sa akin si Markus. “Are you hungry?”
“Medyo,” sa sobrang excitement ko kasi hindi ako nakakain ng maayos nung lunch.
“I’m really sorry sa hindi ko pagtupad sa usapan noong nakaraan. Hope na makabawi ako ngayon.” Tila nahihiyang sabi ni Markus. Waaah, he looked so adorable!
“Apology accepted! Sa pagdala mo sa akin dito, sobrang bawing bawi ka na.” masiglang tugon ko.
Napangiti ito. “Come on, ipapaserve ko na ang pagkain.” Niyaya na ako ni Markus papasok sa restaurant.
The place was cozy. Open air ito, kaya samyo ang lamig ng simoy ng hangin ng Tagaytay. Ang ganda ng view nung table na kinuha ni Markus. Kitang-kita ang Taal Lake.
Makalipas ang ilang minuto dumating na din ang order namin. Tahimik kaming nagsimula sa pagkain.
“You looked troubled kanina pagsundo ko sa office ninyo.” Simula ni Markus. Kasalukuyan kaming kumakain ng dessert. Sa kanya ay choco macapuno at turon de leche naman ang sa akin. “Ano ba yung naalala mo?”
“Ah, ano kasi,” nakatingin ako sa platito na nasa harap ko. Hala, ano ba sasabihin ko? “Ah, akala ko kasi dumating na yung period ko kanina, hindi naman pala. False alarm.” (=_=) Tumawa ako, pero alam ko na tunog fake yun.
“I see,” sabi lang ni Markus. Hindi na ito nagkumento pa. “May ibibigay nga pala ako sa iyo. Hope you will like it.” May kinuha si si Markus sa bulsa nito. Para itong maliit na pulang tela. Binuksan nito iyon at nakita ko ang isang silver na kuwintas na may pendant na star.
“Ang cute.” Namamanghang sabi ko. Tumayo si Markus at pumesto sa likuran ko para isuot ang kuwintas. Grabe, pigil ko hininga ko. Kilig to the bones! (∪ ◡∪)Hinawakan ko ang pendant pagkakabit nung kuwintas. Bumalik na ulit si Markus sa upuan nito. “Thank you Markus. Super thank you talaga.”
Ngumiti lang ito. Napansin ko na parang may iba sa kanya. He looked serious. So damn goergeously serious. Kung meron man ganoong agjective, hindi ko alam at wala na akong pakialam. Kinabahan tuloy ako bigla.
“I’ve been thinking –“ huminga ito ng malalim. “I have a confession to make.”
Confession daw! Para akong hihimatayin. (⊙_⊙)
“I’ve actually noticed you a long time ago. Bago pa tayo magkita noon sa Personality test, noong college, I’ve been spotting you around. Sa lobby ng campus, sa bus station, sa mga fastfood. But it seemed like you were not seeing me. Kaya nga laking tuwa ko nung makita kita dun sa test na yon. Sabi ko sa sarili ko, ‘This is my chance to get to know her.’ Pero lumayo ka pa din. Ang ilap mo eh. So many times I tried to approach you, pero nai-intimidate ako. Pinagsisisihan ko iyon. Nagsisisi ako na hindi ko nilakasan ang loob ko. Lalo na noong nakuha mo din ang atensyon ni Darwin. Bakit ba kasi hindi na lang ako naging katulad ni Darwin na makapal ang mukha? Darwin always gets what he wants. Natuwa ako noong lagi mo siyang binabasted. Akala ko iba ka sa kanila, sa mga babaeng nai-in love kay Darwin. Nagkamali pala ako.”
Darwin.
“Pero hindi ko dapat isisi kay Darwin ang pagkabigo ko noon. Ako naman ang naging mahina. Ako ang hindi gumawa ng paraan, kaya bakit ko isisisi sa ibang tao ang katangahan kong iyon?”
BINABASA MO ANG
Confusing Dilemma
Novela JuvenilAno ang unang pumapasok sa isip mo kapag gusto mo ang isang tao (opposite sex)? a. Crush ko na siya! b. Attracted ako sa kanya! Ang pogi! c. Infatuated, kasi nakakabaliw siya! d. Obsessed na ako. Stalker pa! e. Sealant. Gagawin ko siyang panakip-but...