Napanaginipan ko na naman

62 2 0
                                        

Chapter 10: Napanaginipan ko na naman

                I love you.

                Mahal na mahal kita.

                I won’t hurt you. Kasi ako ang mas nasasaktan kapag nakikita kitang malungkot.

                I’m the happiest man, when I’m with you.

                Ikaw ang kahinaan ko.

                Promise, ikaw lang Yuri. Ikaw lang ang mamahalin ko.

                Let me explain! It’s not what you think it is!

                Mahal na mahal kita. Hindi ko magagawa ito sayo!

                Trust me.

                Please give me a chance!

                Hear me out! I’m begging you.

                Frances, please.

                Leave me alone.

                Hindi kita mapapatawad!

                I HATE YOU!

                “Tama na! Stop it! Ayoko na!”

                “Ate, ate!”

                Nagmulat ako ng mga mata. Pawis na pawis ako. Hinawakan ko ang mukha ko at basang basa iyon. Umiyak ba ako? Nakita ko ang kapatid ko na hawak ako sa mga balikat. Puno nang pag-aalala ang mukha nito.

                “Sumisigaw ka, kaya napasugod ako sa kuwarto mo.” Sabi ni Zach, umupo ito sa tabi ko. “You were dreaming it again.”

                “H-ha?”

                “Two years ago, lagi ka na lang nagigising sa kalagitnaan ng gabi. Sumisigaw ka palagi.” Tumingin si Zach sa kisame. “Sabi mo, ‘Tama na!’ ‘Ayoko na!’ ‘I hate you!’ ayun yung paulit-ulit mong sinisigaw. Kinabukasan, kapag tinatanong ka naman namin, sasabihin mo na hindi mo iyon matandaan, o kaya sasabihin mo na nakapanood ka lang ng nakakatakot.  Nag-aalala nga kami nila tatay sayo, pero ayaw mo magsabi sa amin kung ano problema mo.  Natigil lang yung pananaginip mo nung nagsimula ka na magtrabaho. Ngayon naulit na naman. Ate, sabihin mo na kasi. Ano ba nangyari sayo? Meron ba kaming hindi nalalaman?”

                Hindi ko na pinigil na umiyak sa harap ng kapatid ko. Nagi-guilty ako na pati sila ay nasasaktan ng dahil sa akin. Pero hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kasi matanggap. Hindi pa ngayon. Kahit dalawang taon na ang nakakalipas, parang kahapon lang nangyari iyon. Sinubukan ko naman na makalimot. Ginawa ko ang lahat para makalimot, pero kulang pa. Kulang pa effort ko.

                “I’m sorry,” garalgal na sabi ko kay Zach. “Sorry, kung nag-aalala kayo sa akin. Sorry kung pati kayo na-iistorbo ko sa pag-iinarte ko. Pero hindi ngayon. Hindi ko pa kayang aminin sa sarili ko. Siguro tama ka, selfish nga ako. Pero ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ay tama.”

                “Ate,” tila hindi kumbinsido sa sinabi ko si Zach. “Pano ka namin matutulungan kung sarili mo ayaw mo tulungan?”

Confusing DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon