Chapter 3: Kasalanan to ng Bus
Present:
So, ayun nga. Buong college life ko, si Markus Ferreira lang ang naging crush ko. Hindi ko sinabi sa mga barkada ko kasi sigurado aasarin ako ng mga yun. Imagine, 3 years akong kinikilig mag-isa! Ang tangin nakakaalam lang ay si Penny, yung roommate ko na si Vanessa at ang high school at childhood bestfriends ko na sila Kathryn at Louise. Siyempre alam nga din ng magaling kong kapatid na si Zach, pero takot naman sa akin yun kahit papaano kaya quiet lang siya kapag nagkikita kami sa university noon.
Kapag pauwi na ako sakay ng bus tuwing gabi, nakikita ko ang billboard ni Markus na nag-eendorse ng isang international brand ng damit. Accountant na ako ngayon at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang accounting firm sa Makati. May dalawang taon na din akong nagtatrabaho doon.
Professional na ako pero Markus Ferreira pa din? (─‿‿─)
Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na kakalimutan ko na si Markus Ferreira. Kapag may post siya sa Facebook, Twitter at Instagram, nilalagpasan ko agad para hindi ko makita at mabasa. Medyo stalker pa din ako eh. Kapag pauwi na ko sinusubukan kong hindi tumingin sa bintana kapag alam kong malapit na yung billboard niya. So far successful naman ako nung mga nakaraan lalo na nung napalitan na yung add sa billboard. Akala ko makaka move-on na ako sa kanya. Hindi pala.
Friday night. I mean Satuday morning pala. Alas dos na ng madaling araw eh. Birthday ng boss ko at nayaya kami lahat na mag-eat out at mag bar. Siyempre ako naman kaladkarin, sumama ako agad. Ayun lahat lasing. Buti na lang hindi ako masyado nagpakalasing kasi uuwi pa ako ng Laguna. May tama lang. Hinatid ako ng katrabaho ko hanggang bus stop. Sanay naman na ako umuwi ng madaling araw lalo na kapag nag-o OT kami. Pagsakay ng bus dun ako sa may bandang dulo umupo para makapag pahinga. Inaantok na din kasi ako. Mahaba pa naman yung biyahe kasi dadaan pa ng Alabang yung bus. Siguro may limang minuto kami sa stop kasi nag-aantay pa ng pasahero yung kundoktor. Palibhasa madaling araw, walang nanghuhuli. Saka konti lang talaga pasaherong pauwi kaya siguro nag-aantay sila.
May sumakay na lalaki. Naka jacket siya na may hood. Matangkad. Tumabi siya sa akin. Amoy alak. Lasing na lasing eh.
Makauwi kaya ito ng buhay?
Nanlalabo na paningin ko sa antok pero tinignan ko yung lalaki sa tabi ko. At para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala ang kalasingan sa sistema ko.
Markus Ferreira?!?
Seryoso?!? (⊙_⊙)
“Miss, yung bayad ninyo po.” Inabutan ako ni kuya kundoktor ng dalawang ticket. Inabutan ko naman siya ng fifty pesos. “Kulang po miss. Hindi niyo po ba babayadan yung sa kasama niyo?”
Kasama ko? Napatingin ako kay Markus na tulog na tulog. Siya? Kasama ko? Dala na din siguro ng shock, binayadan ko na din ang pamasahe ni Markus.
Buong biyahe, yung plano kong magpahinga eh nawala. Paano maya’t maya eh umuungol si Markus, tapos bumabagsak pa yung katawan niya sa akin. Ang bigat kaya niya. Iniisip ko na iwanan na lang siya sa likuran ng bus at lumipat na lang ako sa unahan. Pero inuusig naman ako ng kunsensiya ko.
Ows? Gusto mo lang maka tsansing eh! Siyempre kasama na yun doon. Erase, erase!
Papasok na sa tollgate ang bus, pinoproblema ko pa din si Markus. Hindi ko alam ang bahay niya at kung saan siya bababa.
”Markus, nasa tollgate na tayo. Saan ka ba bababa?” niyugyog ko ang balikat niya.
“Uhhhggghhmmm”
“Oy, ano ba gumising ka na nga!” tinampal ko pa pisngi niya. Grabe, ang kinis!
Hinawakan ni Markus ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. Siguro kung sa ibang pagkakataon kikiligin ako eh kaso wala akong karapatan ngayon. Hindi ngayon! Pero aminin mo na kinikilig ka pa din!
“Waaaahhh!” Wala na ako choice, kinuha ko ang cellphone ko at tumawag. “Hello, Zach sunduin mo naman ako sa kanto. May kasama akong lalaki!” (╥_╥)
0_o 0_o 0_o 0_o
Eto po iyong eksena na naisip ko nung nakasakay ako sa bus galing star city. sa sobrang pagod, ang wild na ng imagination ko..hehe
Ano po sa tingin ninyo?
Please follow, fan and comment.
http://www.wattpad.com/user/YutomiMei
https://www.facebook.com/yutomi.mei
Twitter: @YutomiMei
Salamat! ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/11309285-288-k859009.jpg)
BINABASA MO ANG
Confusing Dilemma
Teen FictionAno ang unang pumapasok sa isip mo kapag gusto mo ang isang tao (opposite sex)? a. Crush ko na siya! b. Attracted ako sa kanya! Ang pogi! c. Infatuated, kasi nakakabaliw siya! d. Obsessed na ako. Stalker pa! e. Sealant. Gagawin ko siyang panakip-but...