Chapter 15: I like you nga (Flashback)
“Kumusta naman ang duty mo kanina?” Tanong sa akin ni Darwin. Kumakain kami ng dinner sa isang restaurant sa Intramuros. Simula kasi nung sumama ako sa kanya noong nakaraang linggo, madalas na kaming kumain sa labas. Hindi nagpakipot pa, nagtitipid ako eh, kaya sasamantalahin ko na ang panlilibre niya sa akin. Sus, kunwari ka pa, si Darwin naman talaga gusto mong samantalahin! Waahh! “O, bakit umiiling ka diyan? May nangyari bang hindi maganda kanina?”
Anak ng—! Nakalimutan ko na nasa harap nga pala ako ni Darwin. “W-wala, may naalala lang ako.” (∩_∩)
“Akala ko naman kung ano na.” nagpatuloy na ito sa pagkain. Hindi ko maiwasan na mapatitig dito. Kahit simple lang ang suot nitong damit pero napaka-pogi pa din niya sa paningin ko. Masaya ako na palaging nasa tabi ko lang si Darwin. Feeling ko prinsesa ako kapag kasama ko siya. Noong una, aminado ako na natatakot ako sa kanya. Kasi pakiramdam ko pinagti-tripan niya lang ako. Pero kahit na sobrang naiinis ako sa pangungulit niya hindi ko pa din maiwasan na kiligin. Pero pinigil ko sarili ko na magustuhan siya. Kasi natatakot ako eh. Alam ko naman na hindi pa siya kalian man nagseryoso sa isang relasyon. Pero ngayon bakit parang unti-unting nabubura na yung ‘Anti-Darwin Campaign’ sa sistema ko? Lalo na nung umalis siya papuntang New York. Sa mga palitan namin noon ng emails, parang ibang Darwin Acosta ang nakilala ko. Maunawain, malambing, maalala. Ibang iba sa imahe na naubuo sa utak ko nung una ko siyang nakilala. Maaari kayang gusto ko na siya?
(⊙_⊙)
(─‿‿─)
(@_@)
“Hindi puwede!” napalakas na sabi ko sabay hampas ng kamay sa lamesa. Napatigil si Darwin sa subo at napatingin sa akin.
“May problema ba?” nag-aalalang tanong niya.
“W-wala. May naisip lang ako.”
“Lalo akong nag-aalala kapag may naiisip ka eh.” Napabuntung-hininga na sabi ni Darwin at tumigil sa pagkain.
“I-I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya eh.”
“Ayaw mo ba talaga akong kasama?” malungkot na tanong nito. Unang beses ko makita si Darwin na ganoon. Palagi kasi itong nakangiti at masayahin, pero ngayon parang— “Sige na, tapusin mo na ang pagkain mo, tapos ihahatid na kita pauwi.”
Ang sama sama ko! “Darwin, h-hindi naman sa ganoon.” Napapikit ako. Bahala na! “A-ano kasi, hindi naman sa ayaw ko na k-kasama ka, pero kasi kinakabahan ako kapag nasa malapit ka eh.” Nakayuko ako habang nagsasalita. Hindi ko kayang humarap sa kanya. “Natutuwa ako kapag kasama kita. Pakiramdam ko napaka-espesyal kong tao. M-masaya ako kapag kausap kita. I’m sorry kung minsan lagi kitang inaaway, ikaw naman kasi inaasar mo ako. Pero kahit na ganoon n-natutuwa pa din ako. Kapag kasama kasi kita, hindi ako makapag-isip ng matino. Please Darwin, sana huwag ka magsawa na kasama ako, kahit madalas na inaaway kita. N-nalulungkot kasi ako kapag naiisip ko na ayaw mo na akong kausapin kasi wala akong kuwenta.” Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako. Pinahid ko ang mga luha ko habang nakayuko. Hindi ko kayang tignan si Darwin. Saan ba kasi nanggaling lahat ng sinabi ko? Edi sa puso mo. Waaah! (╥﹏╥)
“Is that your way of saying you like me?”
“H-ha?” napatingala na ako at nakangiting mukha ni Darwin ang nakita ko. Nosebleed!
“Ang haba mo naman mag-confess, puwede naman na ‘I like you’ na lang.” Nakangisi na si Darwin. Nako, bumalik na ang antipatiko! Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na tumayo at tumakbo palabas ng restaurant. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sinasabi ko na nga ba na pinagti-tripan lang ako nun eh. Nakakahiya! Dapat talaga pinigilan ko na lang ang sarili ko! Dapat talaga iniwasan ko na lang siya! Dapat talaga—
Napatigil ako sa paglalakad nang mabilis ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Magpupumiglas sana ako pero natigilan ako nung maamoy ko ang pamilyar na bangong iyon. Darwin.
Humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa bandang kanang tenga ko. Nagsitayuan tuloy lahat ng balahibo ko sa katawan.
“I love you, Frances.”
Tumigil ang mundo.
0_o 0_o 0_o 0_o
Ano tingin ninyo kay Frances? Kay Darwin?
Please follow, fan and comment.
http://www.wattpad.com/user/YutomiMei
https://www.facebook.com/yutomi.mei
Twitter: @YutomiMei
Salamat! ♥
BINABASA MO ANG
Confusing Dilemma
Roman pour AdolescentsAno ang unang pumapasok sa isip mo kapag gusto mo ang isang tao (opposite sex)? a. Crush ko na siya! b. Attracted ako sa kanya! Ang pogi! c. Infatuated, kasi nakakabaliw siya! d. Obsessed na ako. Stalker pa! e. Sealant. Gagawin ko siyang panakip-but...